Pagong 41: Decisions

20 2 1
                                    

*Ace POV*

'Ace? Uy Ace, gising!'

Unti-unti kong minulat ang mga mata nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko at yumuyugyog sakin.

Akala ko si Scar ang una kong makikita. Mali pala ako, si Spencer ang una kong nakita takte sarap sapakin eh.

'Oh ba't ka nandito?' Tanong ko ng may pagkadismaya. Asan na yung mahal ko?

'Tsk, wala man lang hi or hello? Dude I'm here to visit you.' Sabi niya sabay pout. Takte, pakisabi nga kung pano ko naging kaibigan 'to?

'Dude, stop that its freaking me out.' Sabi ko sabay takip ko sa mukha niya ng mga kamay ko.

'Tsk! Teka kamusta ka na? Sabihin mo sakin kung sino gumawa niyan sayo reresbakan ko. Takte lalong sinira yang panget mong mukha!' Teka, nasabi ko na ba na leader ng isang gangster group tong si Spencer? Kung di pa ayan nasabi ko na. Pero ano daw? Panget ako?

'Lul! Ako panget? Pano na lang ako naging heartthrob kung panget ako? Tsk, isip-isip din uy!' Nag-shrug lang siya sakin tapos tumawa.

'Nga pala Spencer nakita mo si Scar?' Tanong ko kasi kagabi nandito pa yun eh di man lang nagpaalam.

'Huh? Si Scar? Di ko naman siya naabutan dito eh. Ikaw lang magisa nakita ko dito eh.' Sabi niya.

Tumango na lang ako baka umuwi sa bahay nila.

'Spencer?' Tawag ko dito.

'Oh?' Sagot niya na di man lang nakatingin sakin.

'Peram nga ako ng cellphone mo tatawagan ko lang si Scar.' Sabi ko dito at agad naman niya itong iniabot sakin.

Dina-nial ko na yung number ni Scar pero di niya sinasagot. Naka-ilang tawag na rin ako at di ko tinitigilan ang pagtawag ko sakanya hangga't di niya sinasagot ang mga tawag ko. Nagaalala na ako.

*Spencer's POV*

Nakatingin lang ako kay Ace habang tinatawagan niya si Scar.

Napailing na lang ako nung di pa rin sinasagot ni Scar ang mga tawag sakanya ng kaibigan ko.

Gusto ko man sabihin kay Ace na nakita ko dito kanina si Scar di pwede dahil yun ang sabi ni Scar.

Naaawa ako sakanilang dalawa, bakit kasi kailangan pang humantong sa ganito ang lahat?

Scar is going to marry Ivan and is going to leave Ace. Final na ang decision ni Scar about dito. Sinubukan kong pigilan siya kanina pero wala eh di ko nagawa. Sinabi niya sakin na para kay Ace ang ginagawa niyang 'to.

Naiintindihan ko siya ginagawa niya lang ang lahat ng 'to para sa kapakanan ni Ace, para na din di mapahamak si Ace.

Umiyak pa nga siya habang pinagmamasdan si Ace na natutulog. Ito na kasi ang huling beses na pwede niyang lapitan si Ace.

'Shit!'

Napatingin ako kay Ace nang mag cuss siya. Napaka-transparent niya ngayon kesa nuon. Halatang halata na nagaalala na siya.

I'm hearing boo's at the back of my head. I should really tell him I guess?

'Pre.' Kalmado kong tawag sakanya.

Agad naman siyang napatingin sakin.

'She's gone.' After non nakatanggap ako ng isang malakas na suntok.

*Scar's POV*

'Mr. Flores, lets have a deal.' Seryoso kong sabi sakanya.

'Sige, Scar. If that's what you want.' Seryoso niya ring sabi.

'I'll marry your son and you'll leave Ace alone.' Sabi ko.

Labag man sa loob ko pero kailangan ko tong gawin, para kay Ace.

Buo na ang decision ko na magpakasal sa taong di ko mahal para lang maging maayos ang mahal ko. Ayoko na dahil sakin may mangyaring masama sa taong mahal ko.

'Sige.' Sabi niya at inilahad ang kamay niya sakin.

Di ko yun pinansin at umalis na sa kumpanya niya.

Sumakay agad ako sa kotse ko at pinaharurot ito.

Unti-unti kong nararamdaman ang pagbagsak ng mga luha ko sa aking mga mata.

Bakit? Bakit kailangang maging ganito? Bakit kailangang may masaktan? Bakit kailangan ko siyang iwan?

Are we not really meant for each other? Why are they doing this to us? Can't we be happy? Can't we be together?

Why do I have to hurt him like this? Why do I have to leave him hanging? Yes, I do love him but why can't destiny agree to us?

Itinigil ko yung sasakyan ko sa tabi ng kalsada dahil tuloy-tuloy na ang tulo ng luha ko.

Binuksan ko ang cellphone ko at tinitigan ang tumatawag sa phone ko. Unknown number siya pero alam kong si Ace ang tumatawag siya lang naman kasi ang may ganang tumawag sakin ng paulit-ulit.

'I'm sorry, I'm really sorry Ace.' Sabi ko habang tuloy-tuloy parin ang pagluha ko.

Lumabas ako ng kotse at nakita kong paulan na. Pati panahon nakikisama sakin.

Wala na, di ko na kayang bawiin yung deal namin ng papa ni Ivan.

I'll just accept this damn truth na di na kami pwede ni Ace.

Masakit sobrang sakit ng nararamdan ko pero alam kong mas malala pa dito ang nararamdaman ni Ace sa ngayon.

Tinawagan ko si Trisha, siya lang ang alam kong makakatulong kay Ace ngayon. Alam kong ako ang masasaktan tuwing makikita ko sila pero itong desisyon 'to ang alam kong tama, ang ipaubaya siya kay Trisha. Alam kong mahal pa rin ni Trisha si Ace at mahihigitan niya ang pagmamahal na maibibigay ko kay Ace. Alam kong di niya sasaktan si Ace tulad ng ginawa ko.

'T-Trisha? Can we talk?'

I guess this is the only way.

--------------------

Authors note: heya Pagong Rangers! Sorry kung natagalan. Hope you like it! ^_~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon