Pagong 9: Phone Call.

51 3 1
                                    

*Scars' POV*

Nasa office ako ng biglang mag-ring yung phone ko. Nagitla ako kala ko kasi kung ano na. Ang tahimik pa naman dito sa office ko.

Tsk! Magkakalahati na ng buwan pero tuwing magisa ako umiiyak parin ako. Kahit anong pilit kong pigilan ang pagtulo ng mga luha ko wala parin eh. Masakit pa rin, masakit pa rin na malaman na may gf na ang taong mahal na mahal ko.

Sinagot ko yung phone ko without looking at the callers name.

'Hello?' Pangbungad ko.

'Hello? Scar?' Nagulat ako sa narinig kong boses si Darren yun. Tsk! Bakit kaya 'to tumawag? May problema kaya 'to?

'Sino to?' Kahit alam ko na kung sino siya nagtanong pa rin ako, wala lang trip ko lang.

'Si Darren 'to! Oy kailan ka ba uuwi ha? Gusto ko na pumunta sa bahay niyo kaso wala ka, tapos madami pa akong ikukwento sayo. Uwi na daliii!' Grabe talaga 'tong si Darren! Kung kaya ko nga lang umuwi agad eh uuwi talaga ako kaya lang di pa kaya ng puso ko. Masakit pa rin siya hanggang ngayon.

'Sorry Darren ha? Naextend kasi ako dito ng 1 month pa kaya di pa ako makakauwi. Marami pa kasi akong inaasikaso.' Pagsagot ko.

'Ha? Ano ba yan? Kala ko malapit ka ng umuwi kukwento ko pa sana yung tungkol samin ni Nellie.' Hahaha! Siguro close na sila ni Nellie.

'Ok lang yan. Pag balik ko saka ka na mag kwento.'

'Sige sige!' Masigla niya sabi.

'Uy! Si Scar ba yan? Pakausap naman.' Natahimik ako sa narinig ko. Alam kong si Ace yun. Boses pa lang niya kilala ko na.

'Hello? Scar?' Biglang tumulo yung luha ko nung narinig ko yung boses niya.

Bakit? Bakit ang sakit?

'Scar? You still there?' Pagtatanong niya.

'Y-yeah' Pagsagot ko, di ko pinapahalata na umiiyak ako.

'Uhm? Are you ok?' Pagtatanong niya ulit.

Bakit siya ganun? Bakit ganun na lang siya ka-concern? Can't he see I'm dying inside?

'I-I'm just t-tired. Marami kasi akong inaasikaso ngayon.' Sabi ko na lang.

'Ganun ba? Pasensya na kung naistorbo ka namin ha? Sana maging ok ka lang dyan. Diba malapit ka ng umuwi? Bilisan mo ha? May sasabihin akong good news.' Malumanay niyang sagot.

Alam ko yung sasabihin niya tungkol yun sakanila ni Trisha. Sobrang saya niya yung binanggit niya may sasabihin siya sakin. Siguro masaya talaga siya. :(

'Ah sige pagbalik ko papakinggan ko lahat ng kwento niyo. Sige bye na Ace. May gagawin pa kasi ako eh.' Pagpapaalam ko.

'Ah sige bye! Ingat dyan ha?'

'Sige!'

After the phone call. Agad na akong napahagulgol. Grabe! Ang saya niya. Ano pa bang mahihiling ko? Ok lang na ako na yung masaktan basta makita ko siyang masaya. Ok na wala akong pagasa sa taong mahal ko makita ko lang siyang masaya. Ganun ako eh. Tanga ako eh. Kahit masakit go lang ng go makita mo lang masaya ang taong mahal mo. Ganto siguro ang love kailangan mong masaktan habang yung taong mahal mo masaya na kasama ang taong mahal niya.

-----------------------

A/n: Boom sakit! Abangan po ang next chapter.

Si Ace?Where stories live. Discover now