Pagong 18: Baby Cleo and Ate Scars little secret

49 3 0
                                    

*Scars' POV*

'Hoy Scar! Asan ka na ba? Kanina ka pa namin hinihintay dito sa bahay!' Nailayo ko yung phone ko sa tenga ko. Pustiso kasi netong si Darren tatawag na lang eh maninigaw pa.

Nga pala inaya ako ni Tita Edna (mommy ni Darren) sa bahay nila. Di ko lang alam kung sino sino ang kasama. Ang alam ko lang eh Birthday ngayon nung baby sister ni Darren na si Cleo.

'Oo na eto na. Pababa na ako ng taxi.' Sabi ko tapos binabaan ko na siya ng telepono.

Pinindot ko na yung doorbell at pinagbuksan naman ako ni Tita Edna.

'Hello po Tita.' Masigla kong bati sakanya.

'Hay salamat Scar at nandito ka na. Kanina pa nagwawala sa kakahintay sayo si Darren. Ang tagal mo raw kasi eh.' Patawang sabi ni Tita Edna habang papasok kami.

'Eh kasi Tita Edna traffic eh.' Sabi ko.

Tumawa lamang siya at iniwan na ako. Sabi niya pumunta daw ako sa may pool area andun daw sila.

Sinunod ko si Tita at dun ko nakita si Darren na nakikipagusap at sobrang close kay Nellie.

Pumupuntos na naman po si Darren!

Opo NILILIGAWAN na po ni Darren si Nellie! Kaya ganyan ka close yang dalawang yan.

Ang lalantod!

(A/n: Sus bitter ka lang Scar, ikaw lang kasi walang kalandian.)

Heh! Tumahimik kang author ka!

Tapos on the other side nagulat ako sa nakita ko, nakita ko kasi si Ace yakap-yakap si Trisha.

Deym!

'Ate Scar!!!!' Sigaw ni Cleo habang tumatakbo papunta sakin.

Agad naman siyang napayakap sakin si Cleo at silang apat ay napatingin sakin.

Binaling ko na lang ang atensyon ko kay Cleo at nginitian siya.

Lumuhod ako para mapantayan yung height niya and patted her head.

'Happy Birthday Cleo!' Nakangiti kong bati kay Cleo.

'Ate ang tagal mo naman kanina ka pa namin hinihintay.' Sabi niya sabay sad face. Ang cute talaga netong batang ire.

'Natraffic kasi si Ate Scar kaya nalate sorry baby.' Pagpapaliwanag ko.

Agad naman siyang napangiti.

'Oy Scar! Bakit ang tagal mo?' Pagtatanong ni Darren.

'Natraffic ako eh. Sige pag patuloy niyo na ang pagliligawan niyo. Ang taas ng sikat ng araw eh nagliligawan kayo.' Sabi ko tumawa naman silang dalawa at napailing na lang.

Hinila naman ako ni Cleo sa isang upuan at duon kami umupo naman kami at inintriga ako netong batang ito.

'Ate Scar may boyfriend ka na ba?' Pagtatanong niya.

Bigla akong napatingin kay Ace. Masaya siya kasama si Trisha. Tumatawa silang dalawa at yakap-yakap ang isa't isa.

'Cleo wala pa eh.' Sagot ko sa tanong niya habang nakatingin kay Ace.

'Bakit wala pa?' Pagtatanong niya.

'Kasi may mahal ng iba yung taong mahal ko.'

Nagulat ako nung bigla niyang punasan ang mata ko.

'Ate umiiyak ka.' Sabi niya sakin.

Napangiti ako. Kahit anong gawin ko talagang masasaktan parin pala ako no?

'Ate si Kuya Ace ba yung taong mahal mo?' Mahina niyang tanong.

Tumango na lang ako.

'Cleo secret lang natin 'to ha? Bawal niya kasing malaman kasi may GF na siya eh, can we keep this as our little secret?'pagbabawal ko kay Cleo.

Tumango na lamang siya at nginitian ako.

'Mga bata halina kayo kain na tayo.' Pagaaya ni Tita.

--------------------

Natapos na kaming kumain at eto kami ngayon nagpaparty-party sa may pool area.

Di pala ako lang pala yung nagpaparty kasi yung mga kasama ko ayun naglalandian -.-

(A/n: Ampalaya!)

Deym you Ms. Author!

(A/n: T_T)

Tapos si Cleo andun sa small pool naglalaro :(

Edi ako na lonely!

Biglang nagring yung phone ko at agad ko naman itong sinagot

'Scar, si Ivan to' napangiti naman ako! Salamat sa wakas may kausap na ako ang kaso nga lang wala siya dito :(

-------------------

*Ace POV*

Napatingin ako kay Scar at nakita ko siyang nakangiti habang may kausap sa phone.

Ewan ko ha? Pero biglang napakunot yung noo ko.

Sino kayang kausap nun at parang ang saya saya niya?

Aish! Ace ano ba yang pinagiisip mo?! Ano bang pake mo dyan? Tsk!

--------------------

*Scar POV*

'Oy magingat ka paguwi mo ah?' Napangiti ako sa sinabi ni Ivan. Kahit kailan sobrang bait niya talaga.

'Oo na po. Sige na bye.' Sabi ko at binaba ko na ang call namin.

Bigla akong nauhaw kaya pumasok sa bahay at pumuntang kitchen para uminom ng tubig.

Pero wrong move ata ako.

Andito din kasi si Ace.

-----------------------

Si Ace?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon