"I missed you, too!" nakangiting sabi ko bago humalik sa pisngi niya. "No classes?" tanong ko pagkatapos kong yumakap sa dalawa.

Naupo na ako sa right side ni Sab at si Justin naman, lumipat sa left side ng best friend ko dahil naiinitan daw siya sa pwesto nila ni Aron.

"Sportsfest sa school, 'di ba? One week kaming walang class," paliwanag ni Sab.

"Kayong dalawa?" tanong ko naman kina Aron at Justin.

"Half day lang kami ni Aron kaya nagpunta kami sa school nina Sab para manuod ng basketball game," paliwanag ni Justin. Same university lang kasi sila ni Aron but different programs. Justin's taking up tourism while Aron is taking up management.

"So... bakit kayo napunta rito? Anong ganap?" curious na tanong ko sa kanilang tatlo.

"Nagka-ayaan lang, 'pre. May ibibigay raw kasi na ticket si Kiel sa'yo," sagot ni Aron.

"Ahh—wait... who?! Si Kiel?" gulat kong tanong. "Kasama niyo ba siya?"

"There he is," sabi naman ng best friend ko sabay nguso sa direction kung nasaan ang counter.

He's back. Halos three months ding hindi nagparamdam sa barkada si Kiel dahil sa mga nangyari.

"Buti okay na ulit siya," sabi ko na lang. "Paano niyo napilit?"

"He approached us. Inaya kaming uminom last week," paliwanag ni Justin. "Medyo nag-a-alangan pa kasi siya sa inyong mga babae," sabi pa niya. Alam kong ayaw lang niyang diretsuhin na ilang pa sa akin si Kiel.

"Buti nga nag-text sa akin 'tong si Justin na magkakasama sila kanina kaya nakausap ko si Kiel," sabi naman ni Sab. "Mukhang okay naman na siya, Aly."

"Good for him," I smiled. Mukhang naging mabuti naman ang pag-iwas niya sa amin. It seems like he's back to his normal self. He looks happy.

"Sino pala 'yon?" tanong ko nang makita kong hinawakan niya sa baywang 'yong babae na nasa harap niya sa pila.

"Selos?" asar sa akin ni Aron kaya binato ko siya ng tissue. "She's just a friend," he added.

"Why would I be?" kibit-balikat kong sabi habang patuloy nila akong inaasar. Nakisali nga rin si Sab pero alam ko naman na biruan lang 'yon kaya tinawanan ko na lang.

"Pabalik na sila rito," bulong pa sa akin ng best friend ko nang makita niyang palapit na sa amin si Kiel at 'yong kasama niya habang may dala siyang tray ng ice cream cups.

"Hi, Aly!" nakangiting salubong ni Kiel pagkatapos niyang ibaba sa table ang tray na dala niya.

"Long time no see," sabi niya pa bago sila naupo ng kasama niyang babae sa dalawang magkatabing vacant seats sa tabi ni Aron.

"Oo nga, eh. Kumusta?" balik ko kay Kiel. Sa tapat ko siya nakaupo at 'yong babae na kasama niya naman, katapat ni Sab.

"Ayos na," simple pero makahulugang sagot niya. "We good?" tanong niya pa.

"That's good to hear," masayang sabi ko. "Of course, we're okay. Ikaw lang naman ang hinihintay naming bumalik," paninigurado ko pa bago muling napunta ang tingin ko sa babaeng katabi niya.

"Ah, oo nga pala. This is Sassica," pakilala ni Kiel sa katabi niya at agad niya naman akong nginitian. "Sassi, this is Aly," pakilala naman sa akin ni Kiel habang itinuturo niya ako kay Sassica.

"Hello!" bati ko at kumaway naman siya sa akin.

She looks nice and she's pretty, too. Ganito ang mga tipo ni Kiel, eh. 'Yong maganda, maputi at mabait. Siguro balak niyang manligaw kaya isinama niya si Sassi para makilala namin.

"Friends lang talaga kayo?" hindi ko mapigilang hindi itanong.

Napansin ko na namula agad ang magkabilang pisngi ni Sassica. Ooh... I think she likes Kiel.

"Uyyy! Curious," tukso naman sa akin ni Justin kaya napailing agad ako.

"Drop it," saway ko sa kanya. "O-order na nga lang ako," sabi ko na lang para maiba na ang usapan.

"Aly, 'wag na," pigil sa akin ni Sab. "Nanlibre si Kiel. Binili ka rin niya," sabi niya pa sabay turo sa mga ice cream cups na nakalagay pa rin sa tray.

"Strawberry, 'di ba?" sabi pa ni Kiel bago niya inabot sa akin ang cup na may lamang strawberry ice cream, favorite flavor ko.

Naging busy sa pag-a-agawan ng flavors sina Sab, Aron at Justin. Nagpunta naman sa comfort room si Sassica para umihi kaya wala yatang nakapansin kay Kiel nang lumapit siya sa akin.

"Don't worry, Sassi's just a friend. You're still 'the one that got away', Aly."

Natigilan ako sa pagkain ng ice cream dahil sa sinabi niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang kagat ko ang plastic spoin.

"Ginagago mo ba ako?" mahina kong tanong at tumawa naman siya.

"I'm just playing around," sabi niya naman. "Chill."

"Kumain na nga lang tayo," sabi ko na lang.

Ginulo pa niya ang buhok ko tulad ng madalas niyang ginagawa noon sa akin at bumalik na kami sa pagkain ng ice cream. Muli akong napatitig sa kanya at ngumiti lang siya sa akin.

He's really back.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon