She got first degree burn on her left arm dahil nagsasalin pala ito ng tubig nang mamatay ang ilaw. Noong una ay ayaw niya ito ipacheck pero hindi nagpatinag si Wave at ginawa ang gusto.

Binuhat niya si Reene ng pabridal style at saka maingat na inupo sa sofa bago tignan ang sugat bago dinala sa ospital. Nang maging okay na ang lahat ay nagpumilit ulit siya na ihatid si Reene sa kanyang apartment. He actually doesn't have any plans of staying on her apartment. Iiwan niya rin sana ito pag nakatulog but her another friend came.

Inis itong napairap.

Paano niya ngayon iiwan ang kaibigan niya sa lalaking may gusto sa kanya? Tss.

"How long are you going to act that you are in a relationship with her?" Nilingon niya ito at hindi umimik. Ano nga ba ang pakialam nito kung magpanggap silang magkarelasyon ni Reene?

As far as he knows, wala pa naman siya nilalabag na batas simula noong magpanggap sila. Reene also agreed to be his girlfriend. Sino siya para tumanggi?

"I know that you are just using her for your own benefits. Leave her alone."

Tumaas ang kilay ni Wave sa tono ng pananalita ni Jude. Hindi niya tuloy maiwasan mapaisip. Carla is very far from him. She knows her place. Pero itong kapatid niya ay napasobrahan ata ng pangingialam?

Alam ni Carla ang tungkol sa pagpapanggap nilang dalawa ni Kareene bilang magkarelasyon. He told her the truth when she confronted him once, not as his employee but a concerned friend of Kareene. Naiintindihan niya ito kaya sinabi niya ang totoo. Nangako naman si Carla na wala siyang sasabihin pagkatapos no'n. Kaya hindi niya maintindihan itong pangingiaalam ni Jude sa kanilang dalawa ngayon. Sa pagkakatanda niya ay kaibigan lang siya ni Reene at kung ano man ang ginagawa nila ay wala na itong dapat pakialam pero eto siya.

Acting like a knight in shining armor.

"As far as I remember. You are just her friend, doc." Sinadya niya i-emphasize ang salitang doc. bago ulit magsalita at seryosong tumingin kay Jude.

"Anything that I'm doing with her is none of your business Cabrera. Kaya kung wala ka ng iba pang sasabihin ay pupwede ka na umalis."

Itinuro niya ang maliit na pintuan. "You know your way out."

Ipinikit niya ang kanyang mata at nagkunwaring tulog. He don't have enough time to talk to a person who doesn't even know his place.

"Reene is special to me," mariing wika nito sa kanya.

Hindi ginusto ni Wave na buksan ang kanyang mata pero nang sandaling marinig niya ang mga sinabi ni Jude sa kanya ay awtomatiko itong napamulat.

Matalim niya itong tinignan.

"Are you declaring a war?"

"I already declared a war since that night Mr. Cortez. Pinapaalala ko lang dahil hindi ako sumusuko," muling wika nito sa kanya.

Naalala naman ni Wave ang nangyari roon sa ospital. Kung ganoon ay tama nga siya na nakita niya ito pero mas pinili pa rin na yakapin si Reene sa harap niya. Naalala niya rin ang sinabi ni Reene sa kanya na minsan itong nagpalipas dito sa kanyang apartment para kamustahin si Reene bago ang kasal ni Jude.

Tsk. War? Kahit ilang 'war' pa ang ideklara nito ay hindi niya ito aatrasan dahul natitiyak niya na siya ang mananalo at hindi si Jude. Ganoon siya kaconfident dahil isa siyang Cortez. Wala pa syang bagay na hindi nakukuha sa buhay niya.

Wala rin siya dapat ikainis. Pero nang marinig nito mismo galing sa bibig na gusto ng binata si Reene ay sobra-sobrang inis ang naramdaman niya.

Nainis?

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now