Si Mang Tuko? Oh, God!

Tumawa na naman siya kaya binato ko na ng katabi kong regalo. Bumukas ito. Tumambad ang red laces bikini. Nanlaki ng mga mata namin. "Kanino galing 'to?" tanong niya habang pinapaikot sa daliri ang undergarment.

Kinuha ko ang card. Binasa ang pangalang 'Jerson Quin Caballero'. Namula agad ang pisngi ko. "Hindi pa rin nagbabago ang jerk na 'yon."

"Siya ang humalik sa 'yo?" Out of the blue na tanong ni Angel. Napanganga ako. Possible pero imposible. Hinawakan niya ang baba at ibinato ang bikini sa kama. "Pwedeng si Cyclone o kaya si Dew. Pwede ring si Serg. Kaso..." Nilaro niya ang mga daliri sa baba at tumango-tango. "Baka si Mang Tuko—"

"Will you please stop it? Hindi si Mang Tuko 'yon!" Iniisip ko pa lang ang bunging mga ngipin niya nasusuka na ako.

Ang bango kaya ng hininga ng lalaking 'yon.

Tumayo si Angel. Pumasok sa CR ng guest room habang tumatawa. "I'm just kidding, Xhai. Patola! Si Brix lang 'yon kaya 'wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano," aniya at isinara ang pinto.

Si Brix?

Nag-isang linya mga kilay ko. Hindi. Malabong si Brix.

Akala ko si Grant ang humalik sa 'kin kaya gumanti ako. Naguho lang agad ang katiting na pag-asa nang tawagin niya akong Xhai at hindi Heather.

Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Muntik ko pang mabitiwan pagkakita ng pangalan sa screen.

Brix calling...

Ilang ring pa bago ko sinagot.

"Happy birthday, Xhai," sabi niya sa namamalat na boses. Kinutuban na agad ako. Siya ba talaga? Oh, God! Gusto kong uminom ng tubig. Nanunuyo lalamunan ko. "I'm sorry."

"T-thank you, B..." Lumunok ako. "And s-sorry for?"

Katahimikan ang naghari sa pagitan namin nang hindi agad siya nagsalita.

"Sorry hindi ako nakapunta. Masama kasi ang pakiramdam ko. Nakita mo na ba ang gift ko para sa 'yo?" aniya.

Napabuga ako ng hangin. "Hindi pa, eh. Mamaya na siguro. Bakit masama ang pakiramdam mo? Sayang wala ka, nandito halos lahat ng barkada." Tumayo ako't napasulyap sa wall clock. Ilang minuto na lang mag-aalas-dose na. Siya ang huling bumati sa 'kin.

Hindi ako sanay na ganito si Brix. Sa lahat ng bagay na konektado sa 'kin, siya ang palaging nangunguna. Palaging ako ang priority niya. Kahit inaapoy siya ng lagnat, malaman niya lang na hindi ako kumakain... kahit bumabagyo, susugod siya sa canteen.

Akala ko, normal lang 'yon kasi best friend ko siya. Lahat ng ginagawa ko para sa kanya, normal lang para sa 'kin. Pero para sa kanya... sobrang lalim.

Mahal niya ako. Matagal na.

Bakit ngayon ko lang nahalata?

Ang insensitive ko. Sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko napapansin na matagal ko nang nasasaktan si Brix. Kaso alam ko sa sarili ko na hindi na hihigit pa sa kaibigan ang mararamdaman ko para sa kanya.

Kung sana kayang turuan ang pusong magmahal ng iba. Eh, 'di sana... noon ko pa hiniling na mahalin din ako ni Grant.

"Yeah, I know. Nagtext si Dew..." narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "Sige, Xhai. Masama talaga ang pakiramdam ko."

Napakurap-kurap ako. Pumunta ako sa may bintana at hinawi ang kurtina.

Healthy pa ba ang friendship na meron kami? Makakabuti ba ang pag-iiwasan na ginagawa namin? Hindi ko alam. Ngayon lang nangyari 'to sa 'ming pagitan.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now