The Saddest Start

88 3 0
                                    

I really want to enjoy my life something new. I want to spend my days with my family and create memories with them. Like whenever they eat something else, they will remember me. Every time they breathe, they will remember how much I wanted to breathe. While watching a comedy, they will suddenly remember a contagious laugh that once surrounded in that house. I will make them remember how much I loved them - how much I wanted to stay in their side. I want them to memorize every detail of my imperfection and so that in the future they will tell the same story over and over and over to their offsprings. I want them to remember me that once in there life there's a girl who fight for her dream. I have friends - a lot of them- but having them differs a lot on having a family. Friends surely would visit you but would just leave you also when the day of visit ends, whereas families are someone whom you know has an eye on you, will never leave you and will watch you the whole time. That's family all about - not just about love - but letting others know there's someone out there watching you. My life was just as perfect as perfect eyebrows that people would love to have but little did they know, it's perfect just for one day. I was happy like how happy a kid while dancing under the rain. I was contented with my life. But things goes to "I was"- which no longer a present.

"You have Non-hodgkin Lymphoma, Abby. Stage 4. .....And I will tell you this frankly and honestly , Non-Hodgkin Lymphoma might risk your life. I coulcn't tell you now how many days left you've have. Please be strong. "

Yan ang huling pagkakataong ako'y matapang.

"Kanina ka pa tulala. Hindi ka man lang kumain kahit kunti." Nakatitig ako sa butas ng pader ng kwarto kung saan ilang linggo na akong namamalagi. Isang butas na kinadahilanan ng unti-unting pagtuklap ng puting puntira at hindi magtatagal matutuklap ang pintura ng buong pader. Gaya ng buhay ng tao, isang sakit lang pala ang makapagbabaon mo sa hukay.

"Abby......babe...please naman oh, lumaban ka." pang isang daang suyo ni Seven sa akin dahil hanggang ngayon, matapos ko malaman ang lahat, hindi pa ako kumikibo, nakatulala palagi at hindi na nila ako nakikitang masaya. Hindi naman talaga ako masaya. At hinding-hindi na ako magiging masaya. Nilamon na ako ng sakit ko. Nawala na akong pag-asa kasi sa simula pa lang wala na talaga akong pag-asa. Kung noon nagawa kong ipaglaban ang pagmamahalan naming dalawa, pero ngayon hindi ko kayang ipaglaban ang buhay ko. Hindi pa nga nagsisimula ang laban, talo na ako.

"Abby.." naiiyak na banggit niya sa pangalan ko habang niyakap niya ako ng mahigpit. Napaluha ko. Unang luha ko sa sakit na 'to.

FLashbacks

"Kung sakaling tayo man sa huli Abby, gusto ko tatlong anak at mamuhay tayo ng simple. Yung panganay natin Seaman, pangalawa dapat babae kasi Teacher at pangatlo Nurse."

"Doctor. Doctor ang bunso natin." tumingin ako sa kanya at ngumiti. Almost 2 am na at nasa roof top parin kami ng bahay namin. Nakahiga sa nilapag naming kama at unan ko ang mga bisig niya. Lagi naming pinag-uusapan ang mga future plans namin. Simple lang naman si Seven. Maalaga at maresponsibilidad. HInding-hindi ko pinagsisihan na ipinaglaban ko siya kay Mama at Papa. Hindi sila pabor kay Seven noon kasi nga lakwatsera at minsang nalulong sa video games at barkada. Akala nila hindi niya kayang magbago pero yun nga pinatunayan niya na kaya niya. He changed not for me but for our better future. Kahit 2 years na kami, he still continue courting me and my parents as well as my brother. Akala ko rin matigas si kuya pero hindi naman pala. Seven knows how to soften him. Yes, I am expecting too much in this relationship but I do believe, this will last. I might be disappointed in the end, at least I tried and experienced it.

"Okay doctor. Hmm. Saan mo gusto itayo ang palasyo natin?"tanong niya sa akin. Nakatingin lang ako sa bituin sa langit.

"Malayo sa mga tao. Sa matahimik na lugar."

"Noted." mas lalo ko pa siyang niyakap.

end of flashback

Mga plano namin at mga pangako sa buhay ay tila hindi ko na matutupad. Hinding-hindi ko na makakamit. Talagang disappointed ako. Akala ko ako yung maiiwan sa ere ako lang pala ang mag-iiwan. Nang dahil sa sakit na 'to, hindi ko na nakikita ang future ko. Tanging dilim nalang ang laging naiisip ko kasi nga siguro bukas na bukas, sa madilim na lugar na ako mapupunta. Ang totoo, gusto ko pang mabuhay pero parang hindi na talaga kaya. Ayaw na ni God ng extension. I would always thought, deserve ko ba 'to? Lagi ko nalang siyang tinatanong kung bakit? Bakit ako? Bakit hindi nalang yung iba. Minsan, sa dinamirami kong tanong sa kanya, nakalimutan ko ng magpasalamat at humingi ng tawad. I'm a religious person and came from a religious family. But now, I am lost. I couldn't get back on the road of faith. All I can see is nothing but dark. Nasa malamig at madilim na lugar ako. Hindi ako halos makahinga. Kahit saan ako magpunta, wala akong nakikitang liwanag.

"Seven. Umuwi ka muna iho, Ilang araw ka ng nandito. Hindi ka na umuuwi o nagpapahinga. Kailangan mo ring magpalakas para kay Abby." rinig kong tugon ni mama kay Seven na nakaupo sa maliit na couch malapit sa higaan ko. Nakatalikod lang ako sa kanilang dalawa kasi hindi ko sila kayang makitang nahihirapan.

"Tita, okay lang po ako." sagot ni Seven kay mama. Maya-maya'y biglang may pumasok sa kwarto. Napatingin ako sa direction niya. Nakangiti ito ngunit napakalungkot ang mga mata nito. Tumingin ito sa gawi ko tapos ibinaling rin agad kay mama at Seven ang tingin niya.

"Tita, Seven. Heto.. may dala akong paboritong prutas ni Abby."

"Salamat Angel." tapos narinig ko ang paparating na yabag niya sa kinaroroonan ko. Nasa harap ko na ito nakatayo. Lumuhod siya para matapatan niya ang hospital bed.

"Hindi ako mangungumusta sa'yo kasi alam ko hindi ka okay."she smiled a bit.

"Ang ganda mo parin Abby kahit hindi ka na nasisikatan ng araw."pabiro nitong sabi. Napangiti naman ako.

"Gaga, alam na alam mo talaga paano ako patawanin."

"Of course ba't naging bestfriend pakita kung hindi ko alam ang kiliti mo?" ngumiti lang ako sa kanya ngunit nawala rin agad ito.

"Balita ko hindi ka pa kumakain. May gusto ka ba? Bibilhin ko!" alok niya. Napakalalim na hinga lang ang isinagot ko sa kanya.

"Gusto ko pang mabuhay, Angel." at kusa akong napaluha sa harap niya. Hiling na minsan ko lang hihilingin na impossibleng matutupad.

"Abby.."

10 Days Before I Meet GodWhere stories live. Discover now