;; 02 ➵ ʟᴇᴇ ᴊɪɴᴡᴏᴏ

6 1 0
                                    

;; 02 ʟᴇᴇ ᴊɪɴᴡᴏᴏ

Mabilis lang na lumipas ang oras, kakauwi lang namin sa dormitory. Yes, we have a dorm and it was provided by the school or should I say, my family provided this. Bawat room ay nagsasama ang 2-4 students sa YJ Dormitory for girls while NJ Dormitory na for boys ay consists of 4-6 students. Pero, kakasya ang 8 students sa iisang room since malaki naman ang space.

Buong araw kaming walang ginawa sa school kaya puro tulog lang ang ginawa ko kanina. Nandito ako ngayon sa living room kasama si Seobin habang nanonood ng reality shows. Hinihintay kasi namin na matapos magluto si Seungyoun, siya kasi ang nakatoka ngayon. Si Baekjin, hindi ko alam kung nasaan. Si Yuri, malamang nasa gym na naman.

“Dam,” pagtawag sa akin ni Seobin pero hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa panonood. “Sali kaya tayo sa ganyan, tapos makikita nila kung gaano kaganda 'tong dorm at room natin. Tingnan mo naman bawat sulok ng bahay may camera. Cool.” dagdag niya kaya napalingon ako sa kanya. Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Seungyoun sa sasabihin ko.

“Nako, wag na, makikita lang nila kung paano ka mag-vitamin J sa bawat sulok nitong room natin.” natatawang sabi nito at saka nilapag sa mesa 'yong niluto niyang ramen.

Eh? RAMEN?!

“Ang tagal mong nagluto tapos ramen lang?!” reklamo ni Seobin at binato niya si Seungyoun ng chopstick.

“At least may pagkain, oh eto kanin! Mabulunan ka sana.”

“Sweet mo ha?”

“Of course, oops! Baka jowain mo na ako niyan, straight ako Seobin kaya wala kang pag-asa.”

Pinakyu na lang siya ni Seobin, kahit kailan talaga 'tong dalawa na 'to.

“Akala ko naman ang dami mong nilutong masasarap, 'yon pala instant noodles lang!” sabi ko sa kanya. Sino ba namang hindi magrereklamo? Halos isang oras siyang nasa kitchen tapos ayan lang?

Wala na kaming nagawa kaya nilantakan na namin 'yong niluto niya. Bahala na 'yong dalawa na magluto ng kakainin nila dahil kulang pa sa aming tatlo 'to. Walang hiya talaga 'tong si Seungyoun.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin biglang may nag-doorbell. Sino naman kaya ang walang hiyang 'yon? Si Seobin na 'yong tumayo at tiningnan ang screen para makita kung sino ang nasa labas. Pagkakita niya agad siyang bumalik at umupo.

“Sino 'yon?” pagkatanong ko niyan, tumunog ulit 'yong doorbell ng sunod-sunod na para bang nang-aasar.

“Si Jinwoo, yung sinabi mong cute na kaklase ko.” sagot niya at sumubo ulit ng pagkain.

Tumayo si Seungyoun at sumunod naman ako sa kanya. Pagkabukas namin ng pinto, nakangiti ito sabay sabi “HAENAMI~” hala ang cute! May inabot naman siya samin na tupperware na nakabalot pa sa tela, oh my—baka magalit ang nanay nito dahil ang mahiwagang tupperware! Pero bakit ang bigat?

“Hello! Ako po 'yong bagong lipat sa Class C. Dito po ang room ni Seobin 'di ba?” tanong niya habang sinisilip 'yong loob ng room namin.

“Ah! Si Seobin? Nasa loob, tara pasok ka.”

Pinapasok siya ni Seungyoun sa loob at nang makita nito si Seobin ay agad niya itong nilapitan at sinabunutan.

Wait-

What the—

“Aray ko! Put—Jinwoo!!”

Tawa naman ng tawa si Seungyoun sa ginawa ng bata. Tumigil din si Jinwoo sa pagsabunot kay Seobin at saka kinuha sa akin 'yong tupperware. Pot—akala ko naman sa amin, 'yon pala pinahawak lang.

“Dinalhan kita ng pagkain, kuwinento kasi kita kay Appa dahil ikaw 'yong unang kumausap sa akin. Kaya ang sabi niya dalhan daw kita ng makakain. Kaya ayan, eat well.” sabi nito bago tumakbo palabas.

Ah ganon? Wala man lang binigay sa amin?

Binuksan ni Seobin 'yong binigay ni Jinwoo at napa-wow kami dahil ang daming nakalagay na pagkain sa iba't-ibang lalagyan. Kaya pala ang bigat.

“Kumaka—wow! Ang daming pagkain ha!” sigaw ni Yuri na kararating lang kasama si Baekjin. Nag-unahan naman sila na umupo.

“Eh? Bigay ba 'to? Sino nagbigay?” tanong ni Baekjin, nahalata niya siguro 'yong tela at maraming tupperware.

“Yung nangagat kay Seobin, si Jinwoo.” sagot ko kaya natawa siya ng mahina at inasar muna si Seobin bago kumain ng omelette.

“Letse ka talaga, Baekjin.” wika ni Seobin pero hindi na siya pinansin dahil busy na ito sa pagkain.

Quarter to 10 na at nagsisimula nang mag-rounds si Mr. Park Sunho, para masigurado kung nasa kanya-kanya nang rooms ang mga students. Kakadaan lang niya rito at inisa-isa pa kaming hanapin, napakahigpit talaga niyan. Taragis!

Nakahiga na ako rito sa kwarto ko, inaantok na kasi ako. Nabaling naman 'yong tingin ko sa pinto dahil bumukas ito. Si Yuri lang pala.

“Oh bakit?”

Umupo siya sa kama ko at humiga. Ang kapal ng mukha ng isang 'to. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.

“Makikitulog lang, hindi ako makatulog sa kwarto ko. Sira 'yong aircon.”

“Pwede ka naman doon kila Baekjin or Seobin or Seungyoun.”

“Ang lalakas humilik ng mga 'yon, Midam.”

Tumango na lang ako kasi totoo naman. Ang lalakas humilik ng mga 'yon, hindi ka talaga makakatulog. Buti na lang malaki 'tong kama ko kaya maluwag pa kahit dalawa na kaming nakahiga.

Pinatay ko na 'yong lampshade at nagkumot na rin ako. Hindi ko na kaya, inaantok na talaga ako at saka may pasok pa kami bukas, pero tinatamad akong pumasok.

“Goodnight, Midam.”

BLOOM↬l.mdWhere stories live. Discover now