'Anong nangyayari, Ash?'

"K-Kuya..." It was Andrei.. I'm sure of that. Kasunod nun ay ang paghinto ng kotse. Agad akong inilabas ni Ashton mula sa kotse.

"Hey!! GET A FVCKING STRETCHER HERE!!" Nanghihinang napayakap ako kay Ashton na ngayon ay tumatakbo na papasok ng hospital. Gusto kong pagalitan si Ashton dahil parang niyuyugyog ang ulo ko dahil sa pagtakbo niya pero walang boses na lumabas mula sa bibig ko dahil sa panghihina.

Ilang sandali pa ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa stretcher. May mga nagsasalita pero wala akong maintindihan. All I can here is the faint beating of my heart..

God, it's painful.

Unti-unting nilalamon ng kadiliman ang ulirat ko pero bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko ang boses ni Andrei..

And what he said made me broke into pieces...

"K-Kuya... a-ang daming d-dugo.."

ASHTON's POV

"K-Kuya... a-ang daming d-dugo.." sunod-sunod akong napamura dahil sa sinabi ni Andrei.. fvck, kanina ko pa napapansing may kung anong basa akong nakakapa mula sa hita ni Val pero hindi ko iyon pinansin dahil sa kaba.

Napahilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Frustration draw to me as I look at the closed door where Val got in earlier.. fvck...

"Tubig. Uminom ka ng tubig." Sabi ko kay Andrei ng maalala kong takot nga pala sa dugo ang isang 'to. Pero hindi sita sumagot kaya tinignan ko siya. My jaw tightened when I saw him. He was staring at the floor where drops of blood were. Mabilis kong inilibot ang paningin ko upang maghanap ng maglilinis ng pesteng dugo na nasa sahig.

"Fvck. Hey!! LUMAPIT KA DITO!!" Wala na akong pakealam mung nasa protocol ng hospital ang hindi pagsigaw. I can't calm myself that much dahil sa pag-aalala. Valerie looked so weak, I can see in her face that she is in pain and that sucked! Big time!!

"What happened?!" Napalingon ako sa bagong dating. It was Tito Albert. Naka-tuxedo pa siya, sa pagkaka-alam ko ay may meeting silang pinuntahan nina daddy..

"I think Valerie had an attack." I stated looking at him. I saw how worried he was as he look at me.

"Ano yan?!" Sigaw niya nang makita ang janitor na nililinis ang dugo na nasa sahig. Ako man ay hindi alam kung ano iyon...

Oh, baka naman ayaw mo lang aminin na alam mo kung ano?

Pilit kong iwinaksi sa isipan ko ang takot ko. Val is pregnant and what happened earlier is not good. 7 months pa lang ang mga anak niya sa tiyan niya kaya mas lalong nakakatakot...

Paano kung.. paano kung may-Stop it, Ashton!!

"A-Ash! Anong nangyari?! Nasaan si Val?! Fvck!! Where is she?! Ayos lang ba siya?! A-Ano yan?! BAKIT MAY DUGO DIYAN?! WHERE IS MY WIFE!?!" Dumagungdong ang sigaw ni Devon sa buong hospital. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ng mga nurse at doctor. Pati ang mga gwardiya ay nagkatinginan din at mukhang lalapitan pa si Devon.

"Let him be." I heard Tito Albert stated. Seryosong-seryoso ang boses niya kaya natahimik kaming lahat.

"I-Is that V-Valerie's?" natutop ko ang bibig ko ng marinig ko ang boses ni Devon. His voice was cracking and he sounded hopeless kaya napatingala nalang ako..

Ang hirap. Nakakatakot kasi. Pinsan ko yun eh. Pinsan ko.

"Ash? Is that Valerie's blood?" I can sense anger in his voice kaya marahan akong tumango. Ilang sandali pa ay narinig ko nalang pagsigaw ni Devon.

Samaniego Side Story 1: My ValerieWhere stories live. Discover now