"W-why are you being unfair?! N-nasaktan mo na ako nang sobra, ng napakaraming beses. I should be mad. D-dapat magpapasuyo ako sa'yo. B-but I can't stay mad at you for a long time. Just a single tear from your eyes, nanghihina na ako." I was stunned by what he said. Kaya hindi agad ako nakaganti ng yakap sa kanya. "Mahal na mahal talaga kita, Dara!"

Hindi ko mapigilan na mapangiti. At saka ko inangat ang dalawang braso ko para yakapin din siya. "Mahal din kita." Naramdaman ko ang paghigpit lalo ng yakap niya.

"You won't leave me again?, ever?"

"Hm." I nodded as I smiled.

Bahagya siyang humiwalay ng yakap sa akin at saka niya kinulong ang mga pisngi ko sa dalawang palad niya, bago niya pinunasan gamit ang hinlalaki niya ang mga luha kong natutuyo na. I just saw the tears that he had been holding back. Inangat ko ang kanang kamay ko papalapit sa mukha niya and wiped away his tears.

Napansin ko ang pagbaba ng paningin niya sa labi ko at ang paggalaw ng adam's apple niya. Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin habang hindi inaalis ang mga paningin sa labi ko kaya napapikit ako. I was waiting for his lips to touch mine.

"M-Mommy." Napadilat ako at bahagya siyang tinulak nang marinig ko ang boses ng anak ko. Agad ko naman siyang nilapitan.

"Fcvk. Ayun na e. Konti na lang. Hays!" Rinig ko pang bulong ng isa pero binalewala ko na lang. Ang importante, gising na ang anak ko. Gising na si Daryl.

"Baby. How are you feeling? M-May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba? D-Do you need anything?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya habang hawak ang kamay niya.

"I'll just call the doctor." I heard Darko said, hinayaan ko na lang siya. Focus ko ngayon si Daryl.

Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto ng hospital room, senyales na nakalabas na siya ng room. Kaya heto na ang chance ko para makausap ng masinsinan ang anak ko.

"M-mommy, who is he?" Daryl asked.

Hindi ko alam kung paano sisimulan i-explain sa kanya ang lahat, na maiintindihan niya ang sitwasyon. Hindi niya alam na ngayon lang nalaman ng daddy niya ang tungkol sa kanya.

Masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat. Pero hindi ko naman pwede ipagkait sa kanya ang katotohanan. Karapatan niyang makilala ang daddy niya.

Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto ng hospital room, senyales na nakabalik na si Darko.

"I'm your dad." Napalingon ako kay Darko nang siya ang sumagot.

"D-dad?" Rinig ko ang confusion sa boses ng anak ko. Kaya binalik ko ang paningin sa kanya. "Mom? I-is that true?" Kitang-kita ang pagtataka sa mga mata niya.

Napabuntong-hininga ako at muling napatingin kay Darko. "Y-yes, baby. H-he's your dad." Hindi ko maiwasang mag-stutter. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng anak ko.

"Really?!" Napalingon ako kay Daryl nang marinig ang reaksyon niya. "He's my real daddy?! I have a real daddy?" Nakita ko ang kislap sa mga mata niya senyales na naluluha siya sa nalaman.

Alam ko naman na nangungulila siya sa daddy niya. Dahil wala siyang nakagisnang ama. Si Luke lang ang nakilala niya pero alam niyang hindi niya daddy si Luke. Si Luke ang halos kasama ko na mag-alaga kay Daryl. Pero iba pa rin kung si Darko na tunay niyang ama ang makakasama niya.

Alam ko naman na kasalanan ko rin bakit hindi niya nakasama ang daddy niya. Dahil tinago ko siya sa daddy niya.

Pero masisisi niyo ba ako? Sa mga nangyari noon, lalo na hindi tanggap ng parents namin ang relasyon namin ni Darko. Wala akong nagawa kundi itago si Daryl.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now