BO - Chapter 6

25.8K 453 73
                                    

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Nandito pa rin ako sa kwarto ko kasama si kuya. Kakatapos ko lang gamutin ang sugat niya sa kamao. Lagi na lang gan'to. Nagwawala siya 'pag hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ko. Hindi ko na nga siya maintindihan. Ang laki ng problema niya sa mga taong nakapaligid sa akin.

Nangako ako kay kuya na lalayuan ko si Luke, dahil ayaw kong nakikitang nasasaktan siya. Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapaninindigan ang pagtango ko sa kanya kanina, gayong nasa iisang block section lang kami ni Luke.

Naalala ko bigla ang mga oras na kasama ko si Luke kanina. 'Yung mga tawanan namin, 'yung mga napag-usapan namin, 'yung pag-aalala niya, naalala ko. Hindi ko akalain na magiging malapit agad kami sa isa't-isa nang ganong kabilis, eh samantalang ito pa lang ang pangalawang araw na magkita kami. Hindi man lang ako nakapag sorry sa kanya kanina sa ginawa kong pagtanggi sa kanya na isayaw ako nung birthday ko.

I sighed. Kung hindi lang magagalit si kuya, nunca na iwasan ko si Luke.

Nabalik lang ako sa kasalukuyang sitwasyon nang biglang humigpit ang pagkakahawak ni kuya sa palad ko.

"What are you, or should I say, who are you thinking at this time?!" Napalunok naman ako sa madiin na pagkakatanong ni kuya. Na parang sinasabi niya na magsabi ako ng totoo.

"W-wala po, kuya. A-aray." Napapikit ako nang mariin nang mas lalong humigpit ang hawak niya na tipong babaliin ang buto ko sa kamay. Hihilahin ko sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya ito pinakawalan.

Nang tingnan ko siya, ayan na naman ang nagliliyab niyang mga mata sa galit.

"Don't lie to me. Stop thinking about others!" Galit niyang bulong na pasigaw sa akin.

Naiiyak na naman ako. Hindi ko na talaga maintindihan si kuya, paiba-iba siya ng mood. Kanina lang, nagmamakaawa siya, tapos naging sweet, tapos ngayon galit na naman? Ano bang problema niya?

Pilit kong tinatanggal ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ko, tila ba ayaw niya itong pakawalan.

"K-kuya, you can control me. B-but you can't control my mind." Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa na hindi ko inaasahan na magagawa niya. Bigla niyang hinila pasabunot nang madiin ang buhok ko. "Aray. Kuya. N-nasasaktan ako." Pero imbis na pakinggan ang pagdaing ko, ngumisi lang siya nang malademonyo.

"Oh yes, Dara. I can control you. Your body, your heart, your soul, your mind. I can control you because you. are. mine." Napasinghap ako nang bigla niyang nilapat ang labi niya sa leeg ko. Nanindig ang mga balahibo ko sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam nang sinimulan niyang galawin ang labi niya na nakalapat sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagngisi niya sa leeg ko.

Hindi si kuya 'to. Hindi siya gan'to. Paano nagagawa ni kuya na saktan ako dahil lang sa may iniisip akong ibang tao?

Napahikbi ako na siyang ikinaangat ng tingin niya sa akin. Tinigil na rin niya ang paghalik niya sa leeg ko.

"Ssh. Baby, sorry, sorry." Paulit-ulit niyang saad habang pinupunasan ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. Napadilat naman ako. "Sorry, please stop crying. I'm so sorry." At nilapat niya ang noo niya sa noo ko. Kitang-kita ko ang nakapikit niyang mga mata na tila nababasa na. "I'm sorry. Please, Dara, don't be mad. I can't take it. I can't." Napabuntong hininga ako nang maramdaman ko ang sinseridad sa boses niya. Masuyo kong pinunasan ang luhang kumawala sa nakapikit niyang mga mata.

Dinilat niya ang mga mata niya. At malambing siyang tumitig sa mga mata ko habang nakalapat pa rin ang noo niya sa noo ko. Napalunok naman ako dahil sa titig niyang 'yun. "Please, promise me. Promise me that you are only mine." Saad niya sa tonong hindi naman nagmamakaawa. Mas tamang sabihin na sa tonong punung-puno ng awtoridad.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now