BO - Chapter 2

32.8K 508 60
                                    

CHAPTER 2

[DARA SHIN NORVILLE's P.O.V.]

Hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa kwarto ni kuya at yakap yakap pa rin niya ako. Naka-purple dress pa rin ako na sinuot ko para sa 18th birthday ko. Habang si kuya naman ay naka-dark blue long sleeves pa rin na nakatupi ang manggas hanggang siko niya.

Hindi na kami nakapagpalit pa ng pantulog dahil nga hinila agad niya ako dito sa kwarto niya. Tch.

Halos kalahating oras na akong nakasubsob sa dibdib niya at siguradong hinahanap na kami ng parents namin.

Hinintay ko lang siya na makatulog dahil alam kong hindi niya ako hahayaan makaalis kung gising siya. Kaya naman nang marinig ko ang mahinang paghilik niya, hindi na ako nagdalawang isip pa na bumangon sa pagkakahiga sa dibdib niya.

Dinig na dinig ko pa rin ang bilis at lakas ng tibok ng puso niya kahit alam kong natutulog na siya. Ano kayang nangyayari sa puso ni kuya?

Pero binalewala ko na lang 'yun dahil baka magising pa siya at hindi na ako makalabas pa sa kwarto niya.

Nag-iingat ako sa bawat kilos ko. Unti-unti kong nilapit ang kamay ko sa isang braso niyang nakayakap sa akin at hinawakan ito kahit na nahihirapan ako. Kinakabahan din ako dahil baka magising ko siya.

Nanginginig ang katawan ko habang dahan-dahan kong inaalis ang braso niyang nakayakap sa akin.

Goodness! Ang bigat ng braso ni kuya.

Sunud-sunod na rin ang paghinga ko nang malalim dahil sa kabang nararamdaman ko.

Napadako ang tingin ko kay kuya at nang makita kong mahimbing pa rin ang tulog niya, nakahinga ako nang maluwag.

I need to calm myself. I can still feel my heart beating so fast because of nervousness.

Pinilit ko na maalis ito. At naramdaman ko ang bahagyang pagsakit ng balikat ko.

Napahinga ako nang maluwag nang tagumpay ko itong maialis.

I was about to remove his other arm when I heard him groaned. At agad na naman ang pagragasa ng kaba sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang bahagya niyang paggalaw. Oh please, huwag naman sana siyang magising.

Pero naramdaman ko na lang ang pagbalik ng braso niya sa likod ko at muli akong niyakap nang mas mahigpit na siyang ikinanlumo ko.

Naiiyak na ako sa sitwasyon ko. Naalis ko na eh, bakit nabalik pa? Tinatraydor 'ata ako ng tadhana.

Napakuyom ako ng kamao at napakagat sa ibabang labi ko para pigilan ang hikbi ko.

Wala na 'atang chance na makaalis ako dito. I sighed heavily at that thought.

Pero biglang bumalik ang pag-asa ko nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ni kuya.

"Darko, Dara anak?" Narinig ko ang mahinahong boses ni mommy mula sa labas ng kwarto.

Gusto ko sanang magsalita pero napipi ako nang maalalang soundproof nga pala ang kwarto ni kuya.

Napadako ang tingin ko sa pinto nang marinig kong pilit itong binubuksan. Nilock nga pala ito ni kuya nang makapasok kami kanina.

I sighed. Naglaho ang pag-asa kong mabubuksan pa 'yun ni mommy dahil laging na kay kuya ang susi at hindi niya ito binibigay kahit kanino para mapaduplicate.

Ewan ko ba sa kanya kung bakit. Hindi ba niya naisip na baka may mangyari sa kanya dito sa kwarto nang hindi namin nalalaman?

Inangat ko ang ulo ko para tingnan si kuya. Natutulog pa rin siya. Tch. Tulog mantika talaga.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now