Chapter Sixteen - Tahan Na

896 19 12
                                    

[Chapter 16: Tahan Na]

3 WEEKS LATER

*****


Yes. It's been three weeks.

Tuwing papasok ako sa school hindi ko maiwasang hindi mapahinga ng malalim. Dahil palagi kong nire-ready ang sarili ko para lang matiis at iwasan si Ravil.

Two weeks ago nakikita ko pa sya dito sa campus at hindi kami nagpapansinan. Sa tuwing nangyayari 'yon nasasaktan pa rin ako. Pero ngayon, mahigit isang linggo na syang hindi pumapasok. Hindi ko na sya nakikita. At hindi ko maiwasang hindi mag-alala.

Nahihirapan na ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Ayokong may mangyaring masama sa kanya.

After that habang naglalakad ako nang makita ko bigla si Manong. Napahinga ako ng malalim at lumapit sa kanya.

"Good morning po, Manong."

Tumingin naman sya sa akin.

"Oh ikaw pala iha? Alam ko na ang sadya mo. Si Ravil no?"- he ask, alam nya na agad yung pakay ko sa kanya.

Tumango ako sa kanya.

"N-Nagtataka lang po ako kung bakit hindi ko na sya nakikitang pumapasok?"- i ask

Napahing naman ng malalim si Manong.

"Ang totoo nyan iha nag-paalam sya sa akin na hindi na sya makakapasok."

Napatigil ako sa sinabi ni Manong.

"P-Po?"

"Oo, hindi ko nga alam kung bakit eh. Tapos ang alam ko pa lahat ng subjects nya dito sa school pina-drop nya. Siguro titigil muna sya sa pag-aaral, naaawa nga ako sa batang 'yon eh."- Manong said

Napalunok at nanghina ang buong katawan ko ngayon dahil sa nalaman ko.

Naiiyak ako ..

Ravil .. I'm sorry, d-dahil sa akin kaya nangyayari 'to.

_____________________________


Habang nasa klase hindi ako makapag-focus, naiisip ko si Ravil.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Hindi ko sya matiis, mahal na mahal ko sya. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon, sobrang sakit.

Nagta-trabaho si Ravil ng marangal para sa pag-aaral at Lola nya tapos mawawala lang ang lahat ng hirap nya nang dahil lang sa ganitong sitwasyon.

"Ms. Alfonso are you alright?"

Napatingin ako sa prof namin ..

"Dude why? Why are you crying?"- Rovi ask

Napahawak ako sa pisnge ko, ngayon ko lang na-realized na umiiyak na pala ako.

"Kung hindi ka okay Ms. Alfonso, pwede ka muna mag-stay sa clinic."- Prof said

Tumango nalang ako at kinuha yung mga gamit ko. Para akong baliw na ewan. I'm crying habang naglalakad dito sa corridor.

Gusto kong puntahan si Ravil sa kanila, g-gusto ko syang kamustahin.

"Charlene sasamahan na kita."- hinabol ako ni Rovi.

Huminto ako at tumingin sa kanya.

Napahagulgol na ako ng iyak.

"R-Rovi ...."- napayakap ako sa kanya

"Sige lang ilabas mo lang 'yan."

Iyak na ko ng iyak hindi ko na kaya.

After that pumunta kami sa rooftop ni Rovi at doon muna nag-stay. Nakatulala lang ako, kahit iniyak ko na kanina ang lahat mabigat pa rin yung pakiramdam ko.

Hanggang SaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon