I feel so frustrated! Kanina pa ako nag-iisip at nadagdagan pa nitong itim na bagay sa kamay ko.

"Innovative devices are made to answer questions that can be answered by all records available, with or without verification. Apparently, there's nothing in my database that can answer the question you're asking. Therefore, it means there has been no record of it."

I grunt unknowingly. God, I'm so desperate to find answers! I just—

Hold on.

Answers...

Of course! Why didn't I think of it before? One thing I like about Immortal City is that our library is the only place in our school that can be accessed 24 hours. And that's exactly where I'm going to find answers.

Kinuha ko ang hood ko at agad itong sinuot. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at hindi na ako nakapag-paalam pa kay Mama.

I hope I can find what I'm looking for.

Nahirapan akong makasakay ng bus kaya halos mag-10:30 p.m. na nang makarating ako sa school. Ipinakita ko ang ID ko—the school identification card—kay kuya guard at tinignan niya ito ng maigi.

"Pangalawa ka na," sabi niya sa'kin at pinapasok na ako.

Pangalawa? Ibig sabihin may dumating na rin dito? Sino naman kaya 'yon? Hindi ko alam kung madalas bang may tao rito sa library dahil hindi naman ako madalas pumunta rito. At mas lalong hindi ako madalas pumunta rito ng gabi.

Hindi na ako nag-sayang ng oras at pumunta na ako sa part kung saan nakahanay ang mga librong patungkol sa history ng Immortal City. Malaki ang library namin at masasabi kong nakakatakot maglakad dito ng mag-isa. Idagdag mo pa na medyo madilim ang paligid at napakataas ng mga bookshelves. Bigla akong kinabahan nang makarinig ako ng librong bumagsak. Hinanap ko ang pinanggalingan ng ingay pero sa sobrang lawak ng lugar ay nag-echo lang ang tunog na iyon.

Creepy.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa paghahanap ng librong makakatulong sa akin sa pagsagot ng mga katanungan ko. Hindi ito ang panahon para matakot. Inilabas ko si Rina mula sa bulsa ko at ginamit bilang flashlight.

Ilang libro rin ang kinuha ko para tignan pero wala alin man doon ang nagbibigay impormasyon sa bagay na hawak-hawak ko. Umasa rin ako na baka may nakalagay tungkol sa mga eye ability pero wala akong nakita.

Ano pa nga bang iniisip ko? Imposibleng maisulat ang mga gano'ng bagay dahil unang-una, walang maniniwala. Pangalawa, matatakot na sila bago pa man sila makapag bigay ng opinyon. At ngayon ko lang naisip kung bakit hindi ko naramdaman ang mga 'yon ng malaman ko ang tungkol dito.

Isang oras na ang nakalipas at halos lahat ng librong patungkol sa Immortal City ay natignan ko na pero bigo pa rin akong makahanap ng kahit ano tungkol sa mga gusto kong malaman. Sumuko na ko at ibinalik ang mga libro sa dati nilang kinalalagyan. Naglakad-lakad muna ako at pinagmasdan ang ding-ding na kung titignan mo ay parang lumang pader na inabandona. Saka ko lang naalala. May isang libro pa akong hindi nakikita.

Sa lahat ng libro rito sa library, bakit 'yon pa ang nakalimutan kong unahin?!

Pumunta ako sa pinakadulo ng library at sa gitna ay may makikita kang—teka. Nasaan? Nasaan 'yung malaking libro na dapat nandito sa sentro? 'Yung madalaas ay hindi pinapansin ng mga estudyante dahil sa sobrang luma ng libro. Nasaan?

"Celestine?" Napairit ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Nawala ang atensyon ko sa nawawalang libro at nabaling sa taong kaharap ko. I'm looking at his sick face and he's about to laugh at my reaction.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon