Glasses : Minabe

147 8 1
                                    

°• Glasses •°

Minaho POV

"Ayaw akong kausapin ni manabe..." sambit ko. Nalulungkot ako ngayon... sobra kong nalulungkot!

"Anong nangyari kay minaho? Bakit parang problemado sya?" Rinig kong sabi ni morimura.

"Ahh ganito kasi yan" pagsisimula ni sakura. Hindi ko nalang sila pinansin.

"May gusto kasi si minaho kay manabe. At kahapon umamin ni minaho. Kaso.. ngayon.." hindi nya tinuloy ang sasabihin nya. Kasi ako na ang sumigaw.

"Ayaw na nya akong pansinin!" Para kong bata na nagwawala

Lumapit si kyousuke. May practice kasi kami tas ang ingay ko.

"Hoy ano bang problema mo? Hindi porket hindi ka pinapansin magmamaktol ka na jan. Gumawa ka ng paraan para ikaw lang makita nya baliw to"

Umalis na si kyousuke at saka ko lang naproseso ang isang magandang ideya...

***

"Manabe? Bakit wala kang salamin?" Takang tanong ni tetsukado.

"Nawawala eh. Sino ka nga pala?"

"Eh? Si tetsukado to.."

"Ahh sorry.. hindi kasi kita maaninag.."

"Okay lang yun.. haahah...Ehh? Guys! Tulungan nyo kami hanapin ung salamin ni manabe!"

"Okay~"

"Hindi kaya ko na un hanapin mag isa-ouch" nauntog sya sa may pole.

"Manabe ayos ka lang ba!! Nakaka apat na untog ka na!" Saad ni sakura

"Cute.." bulalas ko

Hawak ko ngayon ung salamin ni manabe.

"Manabe! Nandito banda ung salamin mo!" Sigaw ni ibuki na nasa likuran ko. Nag smirk lang sya.

"Ehh?!"

"Salamat!"

At ngayon. Nasa harapan ko na si manabe.

"Minaho?" Tanong nya.

"Ah.. manabe.. salamin mo"

"Ah ikaw nga. Sorry hindi ko masyado maaninag. Nalaman ko lang nung nagsalita ka.."

Hindi ko napigilan ang magblush. Ibig sabihin..

"Akina ung salamin. Wala kong makita eh" nilahad nya ang kamay nya.

Hinawakan ko ito ng mahigpit. Baka kumawala eh

"Ehh? Minaho!"

"Sabihin mo muna.. bakit mo ko iniiwasan"

"B-bitiwan mo muna ko"

Binitiwan ko sya.

"Sasabihin mo na?"

"Akina muna yung salamin ko"

Pinilit nyang abutin pero nilalayo ko.

"Minaho naman~"

"Sabi ko gusto kita. Bakit mo ko nilalayuan?" Tanong ko na nagpatahimik sa kanya.

Saka ko lang napansin na namumula sya..

"Kasi hindi ko alam ano sasabihin.. nung narinig kong  umamin sa akin ang crush ko.."

At sa pagkakataong ito. Ako naman ang namula

@ Neechan

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now