I LOVE YOU X INFINITY PLUS ONE

442 24 1
                                    

I LOVE YOU X INFINITY PLUS ONE
~Takuran~

"Pag nagmahal ka.. di dapat buo.. dapat magtira ka rin sa sarili mo" sambit ko.

"Pero maam.. nagmahal na rin po ba kayo?" Tanong ng isa kong estudyante.

"Oo nman.. di ka tao kung di ka nagmamahal"

"Eh maam.. pag po nagmahal.. nasasaktan lang dba?"

"Ganun naman talaga.. ang nagmahal dapat handang masaktan. Kasi ang pagmamahal... di laging babalik sayo..." nakangiti kong sagot.

"Eh ano po dapat gawin?"

"Humanap ng taong-" naputol ang sasabihin ko ng may kumatok.

"Di ka pa tapos? Hi kids..." tanong nya abay bati sa mga bata.

"Tulad ni kuya sir shindou... diba po maam??"

"hmm? Tulad ko?" Tanong nito at pumasok sa classroom.

"Opo.. yung di manloloko"
"Mamahalin ka..."
"at di ka sasaktan..."
"Ayieee forever na sila maam!!"

"forever na sana eh.. kaso.. ayaw pa ni teacher nyo..." kaya nagkaron ng komosyon.

" maam sagutin nyo na po si sir! Ayieee"

"ano? Pakasal na tayo??" Parang baliw tong si shindou... napuno ang classroom ng ayieee ng mga bata. Napailing nalang ako.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Ang kasal pinaghahandaan-" sinabayan nya ang sasabihin ko

"At hindi dapat hinahadali ... tama kids??"

"OopoooOoooo"

" good" Tumayo sya at lumapit sakin... lalong lumakas ang hiyawan...

" ayieee si kuya sir at maam mag kikiss....ayieee" napangisi si shindou. "At sinong may sabi na di ako handa?"

"ba..bakit! Handa ka na ba??"

"I was born ready to be yours kirino."

"maam kirino!!" Pag tingin ko... may mga lobo ng nakadikit sa kisame.. kelan to napunta don?? May.. hawak na board ang mga bata.. huhhhh pano??!

"na surprised ka ba?" Gulat na gulat talaga ko... lalo na nga makita ko't mabasa ang nakasulat.

"WILL YOU MARRY ME KIRINO?" Ilang segundo pa ata bago naproseso ang lahat... lumuhod sya at nakatingin sakin... asan ang singsing??

"wala namang singsing eh.." Hinalikan nya ang aking kamay..

"Singsing pa ba ang kakalimutan ko?"
"Eh.. asan na-"
"Kanina mo pa suot di mo ramdam?"

Pano? Magician ba tong lalaking toh?

"so is it a yes?"

Dug dug... dug dug.. dug dug...

Ewan ko ba pero.. kung ooo ko.. habang buhay na to!! Wala nang atrasan!!

"ah...."

"oo!!!" Sigaw ng mga bata.

"Narinig mo naman sabi nila eh... saka.. may magagawa ba ko? Nakasuot na sayang naman kung huhubarin ko pa..." Bigla nya kong niyakap at naghiyawan sa klase. May mga naririnig din akong pumapalakpak.

"ayieeee congrats!!"
"Aw.. invite nyo kami ah!!"
" congrats!!!"

Pagtingin ko.. lahat ng mga kakilala namin nandito... teka... kanin pa sila dyan? Hala... totoo ha to??

"Wala ng bawian.. akin ka na talaga.. "
"oo naman.. sayo lang ako... shindou..."

Hindi ko inakala... nagtuturo lang ako knina.. tas ngayon.. engaged na ko!!

"oh.. wag mo titigan maigi yan baka matunaw.." naglalakad kami palabas ng building.

"Di lang ako makapaniwala..."

"Na... yayaain kitang magpakasal?"

"Oo.. kasi.. baka.. panaghinip lang to.. ayaw ko namang mangyari yun... kung panaghinip nga to.. ayoko ng magising..."
Nagulat ako ng hinalikan nya ko sa noo. Hinalikan nya ko sa pisngi. At sa kabilang pisngi pa... nakatitig sya sakin...

"Ano na realize mo na ba na di to panaghinip?" Hinalikan nya ang ilong ko...

"shin... dou..."

"wag ka mag alala.. di ito panaghinip. " Pinisil nya ang pisngi ko.

"shi-shindou~"

"Ang kyut mo kasi eh!!"

"Parang baliw to...."

"Baliw nga kasi sayo... "

"Pero... shindou.. masaya ako."

"Ako rin. Sobra.. di ko akalain na.. sasagutin mo ko."

"hindi ko rin... inakala na... gagawin mo yun..."

"lahat kaya kong gawin.. kirino. Basta para sayo. Ang saya ko nga eh. Kasi binigay ka nya sakin. SALAMAT LORD! Salamat ng marami!!!"

"uy.. tamana pinagtitinginan ka na o.."

"kasama ko kasi ang pinakamagandang babae sa mundo. Kaya ko pinagtitinginan..

"shin...dou naman ehh" nagblublush tuloy ako. lumapit sya sa ko tenga at binulong

" napakaganda mo kasi kaya tayo pinagtitinginan...😊"

"uy.. ano ba.. wag ka nga mambola...😳 "

" di naman ako nambobola eh... "
"nijojoke mo ko kaya.." i pout then kiniss nya ang pisngi ko kaya nagblush ako lalo.

"Ang cute mo kasi eh..."

"di naman ako cute..."

"ang cute mo kaya!" hinawakan nya ang pisngi ko

"ang cuteee.. ang cute cute cute cute mo..." pinaglaro ang mga ilong namin..

"Shindou.. kung patuloy mo kong papakiligin nyan.. baka di na kita talaga pakawalan nyan."

" sino ba may sabi n gusto kong kumawala sayo..?" Hawak ni shindou ang kamay ko.

"kirino... kilala mo si pele?" Tanong ni shindou

"sa hawaii? Mythology un diba? Dyosa sya ng apoy." Sagot ko

"eh si ohia?"

" oo.. yung puno ng ohia lehua.... " ngumiti sya

"Ang puno na sumisimbolo sa wagas na pagmamahalan nila ohia at lehua. Na kahit kamatayan.. ok lng sakanila basta magkasama sila"

"Shindou.. tingin mo... kasing tindi ng pagmamahal ni ohia ang pagmamahal mo sakin?"

" oo naman." Agad nyang sagot.

"kahit na may magandang pele ang akitin ka?"

"ikaw parin ang pinakamaganda."

"kahit na.. makalimot ako?"

"Ipaaalala ko sayo ng pagmamahalan natin."

"kahit na di n kita mkita?"

"di parin kita pagtataksilan".

"kahit-"

"kahit ano pa yan. Ang hindi hindi ka ibigin ang kahulihulihang bagay na gagawin ko."

"shindou.... mahal kita."

"mas mahal kita kirino ko. I love you too."

"I love you three..."

"I love you four. Forever kitng mamahalin."

"I love you x infinity plus 1!" I giggled tas hinug ko si shindou.

~THE END

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now