Hampas, hampas, patuloy lang sya sa paghampas habang may suot na malaking ngiti sa mukha at tumatawa ng malakas. Masakit na ang katawan at hindi na makuhang makapapagsalita, ni ibuka ang mga bibig ay hindi na magawa. Maghapon, magdamag na syang nagkakalatay at sa bawat segundo ay hinihiling nya na sana ay matapos na ito. Ano ba ang nagawa nyang malaking pagkakamali at dinadanas nya ang mga kalupitang ito?
"HaHAaaaahahaHaAAhHHahaHa!!!" nababaliw na tawa ng lalaking patuloy pa rin ang paghampas sa kutis nyang porselana na ngayon ay kulay pula na dahil sa sarili nyang dugo
Hingal na hingal at habol - habol ang hininga nyang tiniis ang lahat ng sakit na ibinibigay sa kanya ng mga hagupit ng latigo. Hanggang sa hindi nya na nakayanan, ipinikit nya ang kanyang mga pagod na mata at ipinagdasal na sana ay makapagpahinga na sya. Pero, bigla nyang naalala ang anime na napanood nya noon kaya hiniling nya na
Gusto kong ipanganak ulit, pero sa ibang katawan ng batang baby. At sa mundong iyon, na may magic, gusto kong makakilala ng Gods and Goddesses
Ilang segundo ang lumipas, natahimik ang paligid. Wala na ang tunog ng humahampas na latigo, wala na ang nakakabaliw na tawa, wala na rin ang tunog ng patak ng kanyang dugo. Tahimik na. Tahimik na ang lahat. Huminto na
Kahit na hinanghina ay agad syang napangiti sa tuwa. Sa tuwa na pinagbigyan syang makapagpahinga na. Nilasap nya ang nakakabinging katahimikan at natulog na ng mahimbing
Deity Academy
Idinilat nya ang kanyang mga mata at nagtaka sa bagong lugar na nakita. Nasaan sya? May babae at lalaki syang naaaninag, at ang dalawang taong iyon ay nakangiting nakatingin sa kanya. Napakurap sya ng ilang beses at nalaman na malabo pala ang kanyang mga mata
Anong nangyayari? tanong nya sa sarili nya
"Oh, honey, nan mo, da y ka na. Anong ipapa n lan o?" hindi nya masyadong maintindihan ang mga salita pero alam nyang iyon ay ang babae
"Princess... Princess Ezvix!"
At doon, doon nya napagtanto na, isa pala syang baby, babaeng baby na kapapanganak pa lamang...
ČTEŠ
Deity Academy: Awakening in the Desired World
FantasySa mundo natin, lalo na ang mga kabataan sa era ngayon, ay gusto lahat makukuha nila. Na kapag gusto nila, gusto nila. Kapag ayaw nila, ayaw nila. At kung sa kanila, sa kanila. Pero paano kung sabihin ko sa inyo na lahat ng gusto ko, lahat ng ayaw k...
