"Ano, 'di ba rich kid ka?" tanong ni Ruby kay Kenneth. "Milyonaryo nga kayo, eh."

"Oh? Bakit?"

"Curious lang, bakit sa Bataan pa rin kayo nakatira? I mean, I know, marami kayong bahay pero bakit sa Bataan ang main house n'yo? 'Di ba sa QC ang main office ng company n'yo?"

"Ah," tumangu-tango si Kenneth. "Si Mommy kasi ay laking Bataan. Saka 'yung kapatid ko kasi, noong bata siya, hikain siya kaya pinili ni Mommy na dito na lang kami tumira para mas malinis yung hangin."

Tumango ito. "Ah, now I know."

"Hindi mo pa pala alam iyon, Ruby?" Sabi ni Kenneth.

"Oh, sorry na."

Wala nang nagsalita sa kanila hanggang sa nakarating sila sa Limay. Sa Townsite bumaba si Ruby habang sa Emerald Village naman si Kenneth.

LUMIPAS ang maghapon ngunit hindi pa rin nagkakuryente. Kung sa bagay, umulan na naman kasi nang malakas at walang tigil iyon.

Siguro, ang maipagpapasalamat na lang ni Ruby ay may may cell phone charging service ang katapat nilang bahay kaya full charged ang cell phone niya.

Bumuntong hininga siya. "Jusko day! Nakaka-bore naman. Wala ba akong magawa, oh?"

Sinubukan niyang matulog pero hindi talaga siya sanay matulog nang hindi natututukan ng electric fan. Tinatamad naman siyang magbasa ng libro at wala naman siyang makausap dahil tulog lahat ng kasama niya sa bahay.

Kaya naman nagdesisyon siyang tingnan na lamang ang mga photo album na nasa book shelf nila sa sala.

Napili niyang magtingin sa sala dahil medyo maliwanag pa roon.

"Mga medical mission pala nila Daddy at Mommy ang album na ito?" tila manghang-mangha pa niyang sabi. "Hindi ko yata alam?"

Of course, hindi niya iyon malalaman dahil ang photo album na kinuha niya ay kakalagay lamang doon. Dati iyong nasa clinic ng mama niya, na isinara na dahil nag-retiro na ito sa edad na 62.

Well, she was actually a menopause baby. Forty-three years old na ang mama niya nang ipanganak siya.

She kept on scanning the album. Kalimitan sa mga tinutulungan ng mga magulang ay mga katutubong Aeta. Kung hindi naman, pumunta rin ang mga ito sa mga charitable institution tulad ng home for the aged at bahay-ampunan.

Speaking of which, bigla niyang naalala na minsan pala'y sinama siya ng mga magulang sa isang bahay-ampunan na naging venue ng medical mission ng mga ito. Hindi nga lang niya matandaan kung saan ang ampunang iyon

"Kumusta na kaya 'yung mga bata sa ampunang iyon?" Natawa siya bigla. "As if, bata pa nga sila. Baka nga mga graduate na sila, ay."

She continued scanning the album, hoping to see a picture or two of that event. Nagtagumpay naman siya.

"Naks, may date. May 7, 2003, pala ang date na iyon," sabi niya. "Bale, eight years old ako no'n— ay, seven pa lang pala kasi August ang birthday ko."

Tiningnan niya ang isang picture na kasama ng mga doktor ang mga bata sa ampunan.

"In fairness, daming mga cute na bata rito," sabi niya ulit habang tinitingnan ang mga batang lalaki. "Nasaan na kaya sila? Gwapo pa rin kaya sila—"

Natigilan na lamang siya saka nanlaki ang mga mata. Inilapit niya sa mukha ang album nang sa gayon ay mas makita ang picture.

"Am I imagining things here?" bulong niya habang paulit-ulit na kumukurap. "Or talagang kamukha ni Kenneth ang isang bata rito?"

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Where stories live. Discover now