"You were the real victim."

"Your future... was ruined," I said it in almost a whisper, trying to calm my tears.

He smiled sadly and shook his head. "I deserved it. I was selfish. I should've guided you."

"You didn't deserve that!" medyo tumaas ang boses ko dahil hindi ako makapaniwala na manggagaling iyon sa kanya.

Tingin ko nagulat ko siya. Napakurap-kurap ako nang nakitang pinagmasdan niya lang ako ng mabuti. Hindi na nagsalita.

"I-I'm sorry," mahinahon kong sinabi.

Hindi na siya nagsalita. Naninimbang na lang ang tingin niya sa akin ngayon. Nanlamig agad ako at natantong masyado kong pinagbigyan ang nararamdaman ko. He was being nice to me and he let me apologize. Now I'm just being rude to him again.

Umurong ang mga luha ko at nakaramdam na ng kahihiyan.

"Pasensiya na. I just think you don't deserve being stripped of your dreams. Y-You tried your best to reach it. It was ruined in a blink of an eye."

"It's all in the past now, Sancha. Marami nang nagbago ngayon."

Muli, inangat ko ang tingin sa kanya. I smiled bitterly. His words were true and it hurt. Tumango ako, pandagdag sa mapait na ngiti.

"I can see that. I'm happy for you."

Kakaibang luha ang pumalit sa mga mata ko ngayon. Hindi na iyong sakit ng nakaraan. It was something raw. It hurt so much physically. Kung kanina nakaya kong magpakatatag, ngayon tingin ko tuluyan na akong bibigay.

"I think that's all that I want to say. Thank you for this."

"Do you feel better now?" he asked.

Tumango ako at nag-iwas ng tingin. I clicked on my car keys. Hinawakan ko na rin ang pintuan. Ngumiti ako nang hindi siya tinitingnan dahil pakiramdam ko tutulo na ang mga luha ko kapag nakita ko ulit ang mukha niya. He's a different Alonzo now. Well, you know, Alonzo... I'm also a different person now. Not that you care but... I guess we both did change, huh?

Sa lahat siguro ng nagbago, may isa nga lang na nanatili sa akin.

"Yeah. Thank you and uhm... M-Mauna na ako."

Naramdaman ko ang pagtabi niya. I opened the door of my car without looking at him. Pumasok na ako sa loob at bago ko sinarado, bumati ulit.

"Good bye."

"Good night, Sancha," he said.

I closed the door. Mabilis kong pinalis ang mga luhang tuluyan nang bumuhos. I know one wipe won't be enough. Bumuhos pa ito lalo. Hindi ko inasahan na patapos na ang usapan, 'tsaka pa lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng sakit.

Now, I thank Kuya Manolo for suggesting the darkest tint for my car. Umatras ako at nanatili si Alonzo sa parking, nakatingin sa pagmamaneho ko. Lumiko na ako at tuluyan nang umalis doon.

Inisip ko kung ano pa ang dapat kong sabihin na hindi ko nasabi. Bukod sa mga pinagdaanan ko. Tingin ko naman, nasabi ko ang lahat. I just never thought it would end that fast. Pakiramdam ko tuloy may kulang pa... o may hindi ako nasabi.

Siguro dahil lang hindi ko pa nakakausap si Tita Laura at Tito David. Iyon lang siguro?

I silently wiped my tears. His words still echoed on my mind. I smiled. I really appreciate his... kindness. He wanted to make me feel better so he said that. Kumunot ang noo ko at mas lalo lang tumulo ang mga luha.

I pinched my own hand, trying to punish myself for thinking of other things... other than the scandal.

Sa gabing iyon, hinayaan ko ang sarili kong iyakan ang matagal ko nang itinatago. Ang nararamdaman ko para sa kanya. Marami nga'ng nagbago at tanggap ko na iyon. Hindi ba puwedeng tanggap naman pero nasaktan pa rin? Kaya ayos lang na umiyak, Sancha. Bukas, gagaan na ang loob mo.

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon