Part 15

2.4K 63 1
                                    

"ANO daw sabi ng doctor?" tanong ni Seb kay Tony Boy na nakaupo sa hospital bed.

"Dengue daw. Bumaba ang platelet count ko. Kaya nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan. Pero naagapan kaya bumabalik na sa normal ang platelet."

"Mabuti naman at nadala ka agad dito. Tinatablan ka pala ng dengue, brod? Para ka namang bata."

"'To naman. Walang pinipili ang lamok, hindi naman nanghihingi ng ID 'yon 'pag nangangagat."

"Oo na. Teka, dagdagan natin 'yang gatorade mo," saad ni Seb.

"Magdadala naman daw si Mama mamaya pagbalik niya."

"'Di na, papuntahin natin si Blessie dito. Patapos na rin ang duty n'on ngayon." Tiningnan ni Seb ang relo na nakadikit sa puting pader ng kuwarto. "Malapit lang ang Legacy dito, e. Ite-text ko muna."

'Bising.'

Makalipas ang ilang minuto ay nag-reply ang babae.

'Yes.'

'Puntahan mo naman ako sa Royal Hayatt,' tukoy ni Seb sa hospital.

'Bakit?? Anong nangyari?'

'Dengue. Dala ka ng Gatorade.'

'Okay, paout na rin ako.'

"Okay na, papunta na siya dito," saad niya sa pinsan.

Kaunting kuwentuhan pa nina Seb at Tony Boy nang mag-text si Blessie.

'Im here. Anong floor and room.'

'3rd floor. Room 7."

'K.'

"Jebs muna ako, brod. Kanina ko pa pinipigilan 'to, e." Tinulungan ni Seb ang pinsan na pumunta sa banyo dahil nakakabit pa rito ang dextrose.

Pagbalik ng kuwarto ay natukso si Seb na umupo ng kama dahil nangangawit ang likod niya sa buong araw na pagtatanim ng San Francisco sa harap ng kanilang bahay. Kapag ang ina niya talaga ang sinipag, pati sila damay.

Nag-inat siya at prenteng sumandal sa kama.

'Masarap palang humiga sa kama ng ospital, 'pag hindi ako ang pasyente.'

Swak na swak pa ang anggulo niyon sa telebisyon na nasa pader.

Bumukas ang pintuan ng kuwarto matapos niyang marinig ang tatlong mahihinang katok. Si Blessie.

"Seb, anong sabi ng doktor?" kakikitaan ng pag-aalala ang dalaga.

"Bumabalik na naman daw ang plate count kaya sana for discharge na. Kumain ka na ba?" tanong ni Seb sa dalaga.

"Nagmeryenda ako kani-kanina lang. Ikaw?"

"Hindi pa nga, e."

"Gusto mong bilhan kita?"

"Hindi na, mamaya na ako kakain. Lapit ka nga dito," saad niya sa dalaga. Nagtataka man ay sumunod si Blessie sa utos.

Inabot ni Seb ang kamay ni Blessie at kinulong sa mga palad.

"Nag-alala ka ba?"

"Siyempre nag-alala ako."

"Na-miss ko ang ganito. Hindi na tayo nagkakasama simula nang mag-college ka, iniiwasan mo siguro 'ko, e."

"Sino'ng may sabi?" Nagbawi ng tingin ang dalaga pero hindi binawi ang kamay.

"Pansin ko lang."

"Nakakainis ka na minsan, e. Makulit."

Namayani ang nakakailang na katahimikan kaya nagsalita uli si Seb.

COMPLETED Once Upon A NeighbourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon