Part 13

2.3K 60 10
                                    

GINAWA ni Blessie ang lahat para iwasan ang madalas na pagkikita nila ni Seb nang hindi masyadong halata. Ayaw niyang magtaka ito dahil wala itong ideya sa kanyang pinagdaanan.

Pabor naman sa kanya ang panahon dahil simula noong tumuntong siya ng kolehiyo ay nabawasan na ang paggala niya. Maging ito ay naging abala na rin sa pag-aaral dahil magtatapos na ito.

They text, kapag may importanteng sadya. He never miss sending her greetings during special occasions. At bilang paggalang ay nagre-reply naman siya, after all ay may pinagsamahan pa rin sila.

She did her best to forget the feelings, told herself that it was just a puppy love. Lahat naman ay dumadaan doon. Pero hindi siya masyadong tanga para hayaang maulit ang ganoong kabiguan.

Kadugtong na ng pangalan ni Blessie ang kanyang slogan. At pinanindigan niya iyon sa paglipas ng mga taon. Lahat ng mga nanligaw sa kanya na kaklase o kapitbahay ay bigo. May six packs, crush ng bayan, MVP, o lakambini ng paaralan, pero sorry pa rin. Kaya wala nang nagtangkang manligaw sa kanya sa kanilang subdivision.

"'Ma! Nakita mo ba 'yong pulang Jordan ko na sapatos sa kuwarto?"

"Aba'y nandiyan lang iyan, Sebastian. Hindi ko naman ginagamit iyang Jordan mo, baka nasa mga karton," sabi ni Tita Maggie.

Natigilan si Seb nang mapatingin kay Blessie, parang hindi nito inakala na madadatnan siya roon.

"Hi, Seb!" bati ni Blessie. Binigyan niya ito ng malapad na ngiting hindi umabot sa mata. Hindi sumagot si Seb bagkus ay mataman lang na nakatitig sa kanya. Naasiwa si Blessie kaya kinuha niya ang tupperware mula kay Tita Maggie at humiwa ng dessert.

'Ano'ng nangyari sa taong 'to? Ba't ganyan makatingin?'

Lumayo ito ng dalawang taon dahil na-asign sa trabaho sa kung saang lupalop na malayo sa kanila. Pero OA na natigilan talaga ito nang makita siya. Hindi ba siya nakilala agad nito? Tinitigan pa siya nang head to foot.

Umikot si Blessie sa kabilang parte ng mesa at hinarap ang pagkain.

"Nico, halika, saluhan mo na ako," yaya niya sa binatilyo na dumulog naman sa mesa. Kumilos din si Seb at ginaya ang ginawa niya, lumapit ito kung saan nakapuwesto ang upuan nila.

"Tol, doon ka," nguso ni Seb sa kabilang silya. Tila robot naman si Nico na dinampot ang pinggan at lumipat sa itinurong lugar.

"Seb, 'di ba katatapos mo lang kumain?" nagtatakang tanong ni Maggie sa anak.

"Hindi pa ako nagde-dessert, 'Ma," sagot nito na humiwa ng mango float. "Kumusta ka na?" tanong ng binata pagkuwan kay Blessie.

'A, nakakakilala naman pala.'

"Okay naman, ikaw?" tipid niyang sagot na bahagyang tiningnan ang lalaki.

Nabigla si Blessie nang ilapit ni Seb ang mukha sa kanya, kaya by instinct ay napalayo siya rito. Mula noong nagdesisyon siyang iwasan ito ay hindi na siya ganoon kakomportable na mapalapit sa binata. 'Ika nga, nagtayo siya ng konkretong pader sa pagitan nila.

"Ang motto mo, standing pa ba hanggang ngayon?"

"Ano?" naguguluhan siya kung bakit bigla nitong natanong ang bagay na iyon.

"No classmates and no neighbors?"

"Standing pa, Kuya," si Oliver. "Mas matayog pa sa World Trade Center."

"Bakit ba nagka-allergy ka sa kapitbahay? Ayaw mo n'on? Convenience wise, no to pamasahe, one call away, and most of all, kaya mo ng gawan ng biography."

"Ayaw ko nga. Hassle, period. Ano naman sa 'yo kung ganoon ang motto ko? At bakit ba 'yan ang napili mong pag-usapan?" mataray niyang sagot at uminom ng tubig.

COMPLETED Once Upon A NeighbourWhere stories live. Discover now