"Osya. Gisingin mo na at ako'y liligo lang."

Tamad na tumayo ako at kumatok sa kwarto ni Kuya. May kasama pang sipa iyon.

"Oo na." Sagot nya.

"Bilisan mo bumangon jan at kumain ka na."

Pagtapos ay tumambay ako sa sala. Pinutulan ko na din ng kuko iyong kamay at paa ko dahil mahaba na. Ilang saglit ay may kumatok sa gate namin. Tamad na naman akong nilabas yun.

"Magandang umaga, hija. Si Mama mo?" Si Tita Merlie pala, buti hindi ko nasungitan.

Nagfroze iyong ngiti ko nang makita ko si Emoji.

"Papahatid kami kay Ej sa bayan."

Tumango nalang ako at pinapasok sila. Emoji is staring at me, pinakita ko talaga iyong irap ko sa kanya. Then i heard him chuckled.

Saktong tapos na si Mama sa pag aayos kaya diretso na sila pag alis. Inasikaso ko si Kuya dahil makailang ulit na binilin ni Mama.

"Kelan balik ni Zk?"

"Baka bago magbirthday nya. Ba't?"

Nilagay ni Kuya ang sapatos nya. "Ang boring pag wala yun dito."

Nang makaalis si Kuya ay naligo na din ako pampawala ng antok. May text si Elizabeth na nagpapasamang magpacheck up sakin. May inaasikaso daw kasi si John, hindi naman daw nya ma-contact si Rain. Naku, nakadikit ata yun kay Earl sa manila ngayon.

Ako:
Oki. Bihis lg ako, daanan kita jan.

Simpleng tshirt lang at maong shorts ang suot ko tyaka black slippers. Naglagay na din ako ng powder at cheek tint para hindi ako magmukhang putla.

"Ate, samahan ko lang si Eli." Paalam ko kay Ate habang sinasakbit ang slingbag ko.

"Okay."

Lumakad na ako papunta kina Eli. At malayo pa naman ako sa kanila pero nakasimangot na iyon agad, tinawanan ko nalang at buntis iyon madaling mainip.

"Ang tagal ha."

"Ito naman. Thirty minutes lang yun."

Nagpaalam na sya sa Nanay at Tatay nya. Pumara na agad ako ng tricycle.

Besty:
Be, may sahod na.

Iniimagine ko ang itsura ni Betsy habang tinetext iyon. Wow, hindi ko namalayang payday na pala. Mamaya nalang ako pipindot.

Forty five minutes nang makarating kami sa Mt. Carmel. Dito din ako nagpapacheck up noong buntis palang ako kay Zk noon. Nirecomend ko sya kay Doktora Pamela.

Tinanong lang si Eli kung anong nararamdaman at pinakinig ang heartbeat ng baby. Mangiyak ngiyak nga ako kasi naalala ko na naman iyong unang narinig ko din ang heartbeat ni Zk. Parang dati lang, ang bilis ng panahon.

Nirecord ni Elizabeth iyong heartbeat ng baby nya at ipaparinig nya daw kay John. Niresetahan din sya ng gamot at binilin na bumalik next next week.

Bumili na din si Eli ng vitamins nya matapos magbayad ng sa check up.

Emoji:
Nasan ka?

"Balita nga pala kay Cristian? Parang lately wala kang kwento sa kanya ah."

Agad akong napasimangot. Hanggang ngayon, wala syang reply dun sa sinabi ko. Okay fine!

"Wala na kami."

Umaktong nagulat si Eli. "Ay? Na-gerald anderdon ka din? Ghosting?"

Ako:
Mt. Carmel. Y?

You're Still The One (Book2 Of You're Duology)Where stories live. Discover now