Chapter 5

2.4K 75 11
                                    

Chapter 5

Ako nalang naiwang mag isa sa kama noong magising ako kinabukasan. Uminat ako at tumayo pagkatapos ay niligpit ko ang kama.

Humikab pa ako bago pumihit patungo sa banyo. Kaso hindi ko pa nahahawakan ang doorknob ay kusa na iyong bumukas at tumambad sa akin ang matigas na dibdib ni Emoji. He's only wearing a white towel that wraps on his waist.

"Loving the view?"

Kumurap kurap ako at nagiwas ng tingin. Godshit, at talagang tinitigan mo Sinag?

"Alis jan. Maghihilamos ako." Tinabing ko sya kaso mabilis nyang nahuli ang kamay ko.

Hinila ako ni Emoji palapit sa kanya. He had that smug face on.

"Eris ano ba."

"What? Where's my morning kiss?"

Napaamang ako sa sinabi nya. Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko pero mabilis akong nakalayo.

"Binigyan mo ko ng goodnight kiss kagabi tapos ngayon nagdadamot ka?"

"This is not right."

Sumeryoso ang mukha nya at hinapit na ang baywang ko palapit sa kanya.

"Ano bang sabi ko kagabi?"

"Stop it Eris. Irespeto mo naman ang relasyon ko kay Cristian."

"Paano ko irerespeto kung alam kong naapektuhan ka pa din ng presensya ko?" Mayabang nyang sabi.

He blow my ear before nibbling it. Napaawang ang labi ko bang bumaba ang haplos ng kamay nya sa may puwitan ko. Pero bago pa ako madala ay pinilit ko na syang itulak.

Nakangisi ang gago. Tuwang tuwa sa ginagawa nya.

Nung tagumpay ko syang natabing ay pumasok ako sa banyo. Kaso napatili ako ng pigilan nya ang tangka kong pagsara ng pinto.

"Eris ano ba! Natatae na ako." Sabi ko na tinawanan nya lang.

Hinila na naman nya ako kaso nagmatigas na talaga ako.

"Isa!"

"Isang halik lang naman talaga."

"Eris!" Tili ko na talaga kasi nakapasok na sya sa banyo. Humapit ang kamay nya sa baywang ko at handa na sana nya akong halikan kundi lang ako umutot.

Huminto sya at napatawa.

"Nangyari na to dati ah. Iyang utot mo."

Umirap ako at tinulak sya. Pero ang gago sinandal pa ako sa malamig na tiles ng banyo.

"Eris! Isa!"

"Dalawa... tatlo..." mahina nyang bulong sa gahibla naming labi.

Umiling iling ako. Konti nalang at mararamdaman ko na ang labi nya kaya lang agad na pumitik ang utak ko. Si Cristian.

Lumihis ang labi nya sa pisngi ko at sa noo.

"Good Morning.."

"Hindi nakakatuwa Emoji."

"I know. But I really wanted to kiss you right now."

Di ko na sya pinansin at naghilamos at toothbrush na. Nakatayo lang sya sa gilid ko at nakamasid.

"Nasan ang anak mo?" Tanong ko sa kanya.

Lumabas na ako sa banyo, sumunod naman sya. Amoy na amoy ang minty nyang shower gel.

"Maagang hiniram ni Lola. Siguro pinapakain na yun ngayon."

"Eris!" Tili ko na naman at mabilis na pumihit patalikod.

You're Still The One (Book2 Of You're Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon