Chapter 4

2.4K 83 12
                                    

Chapter 4

Tinapik tapik ko pa ang binti ni Zk habang pinagmamasdang natutulog nang mahimbing ang anak ko. Pasado alas nuebe na din sya binitawan ni Lola Yolly dahil halatang aliw na aliw si Lola sa anak ko. Buti at hindi nagliligalig ito ngayon at hindi na din hinanap si Emoji.

Niyakap ko ng mahigpit si Zk bago ko binitawan. Pumayag nga pala si Mama na dito muna kami matutulog ni Zk sa mansyon ni Lola. Buti at nadala ko iyong ipod ko kaya bago matulog ay aayusin ko muna iyong schedule ng dalawang wedding ngayong buwan.

Matapos kong kumuha ng tasa ng kape ay pinili kong maupo sa sala. Kaso nakaramdam ako ng hiya noong dumaan iyong mayordoma ni Lola. Kaya ang ending sa may labas nalang ako at binuksan ko ang ilaw doon. Humihip ang sariwang hangin dahilan para mayakap ko ang sarili ko.

Nagsimula na din agad ako sa pagaasikaso habang sumisimsim sa kape. Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng busina. Inangat ko yung ulo ko at inaninag ang kung sino ang nasa labas. Bumukas ang gate at nakita ko ang isang bulto ng tao. Not sure kung sino kaya agad akong napatayo.

Kinabahan ako ngunit nang makilala ko ang sasakyan ay doon lang na parang nabunutan ako ng tinik dahil pick up ni Emoji iyong pumapasok sa grahe. Iniwan ko ang mga gamit ko sa lamesang kahoy at lumapit sa gate para ako na ang magsara niyon. Pagbaba nya ng sasakyan ay nagulat syang makita akong nakatingin sa kanya.

I smiled then he smiled back too.

"Akala ko umuwi na kayo." Aniya.

"Ayaw ni Lola mag isa ngayong gabi."

He nodded. "And you already met my grandmother. Was she rude?"

Pinindot nya yung lock nung sasakyan nya.

"At first, pero siguro ganun lang talaga sya." Sagot ko sabay tawa. "How's your day?"

"Need I to explain myself? I saw your bunch of texts."

"Yeah, i think you need to explain yourself. Zk's been looking for you."

Ngumiti sya bago nilahad ang lamesa kung saan ako nakaupo kanina.

"So? Can we take a seat and talk. You know, I kinda miss you."

Napailing nalang ako. Kaagad na may sumipang kung ano sa dibdib ko na pinili ko nalang ibalewala.

Lumakad ako palapit doon sa may lamesa at naupo. Nang balingan ko syang nanatili syang nakatayo doon at mariing nakatitig sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay. He smiled before sitting next to me.

Kumurap kurap ako nang hindi maalis ang ginawa nyang paninitig sa akin. Tumikhim ako.

"So? Kelan ka pa nakauwi?"

"Last week.." paos nyang sagot. "Gusto ko lang makita kung mamimiss m ko. And I guess you missed me. You sent me bunch of texts"

"Si Zk ang iniisip ko."

Pailalim nya akong tiningnan.

"You didn't missed my presence?"

"No." Mabilis kong sagot pero ang puso ko. Parang gusto nang kumawala. "Si Zk ang mas naka-miss sayo."

"Stop draging our son here. Alam kong namiss nya ko. But I am asking you right now, Sinag." Paos na paos na ang boses nya.

"Why do you have to ask me that?"

"Because I missed you."

My phone rang. Mabilis kong dinampot yun at nakitang si Cristian ang tumatawag. Tumayo ako pero agad na nahawakan ni Eris yung kamay ko.

"Di pa tayo tapos mag usap."

"Saglit lang." Kinalas ko ang kamay nya sakin.

I hurriedly answered the call. Isang buntong hininga ang narinig ko sa kabila.

You're Still The One (Book2 Of You're Duology)Where stories live. Discover now