PROLOGUE

420 17 20
                                    

"If only the world wasn't too cruel for both of us, I would marry you without a doubt, Yna."

The way he said those words--our situation makes my heart clenched. He's laying on the grass with the blood flowing out of his neck. Yakap-yakap ko ang ulo niya, hinahayaan ang sariling tumangis sa kalagayan ng lalaki.

"Yna,"

He echoed my name. Paulit-ulit kong narinig ang pangalan ko na binabanggit niya, hanggang unti-unti itong napalitan ng pamilyar na boses.

"Yna, wake up!"

There, I realized it was my sister trying to wake up from my sleep. Sa pagkakataong ito, hindi ko maintindihan kung bakit ko pinagpapasalamat na nagising ako sa masamang panaginip.

Idinilat ko ang mata ko at laking tuwa ko nang bumungad sa akin ang puting kisame. Dahan-dahan akong bumangon na ramdam ang bigat ng dibdib. Hindi na ako nagulat nang maramdaman kong basa ang mukha ko dahil sa luha na kumawala sa aking mga mata.

Nangyari na naman. Ang lalaking 'yon, sa tuwing mapapanaginipan ko siya, sinasabi niya sa 'kin na kung hindi malupit ang mundo para sa aming dalawa, papakasalan niya ako. Ganoon palagi ang senaryo; naliligo siya sa sarili niyang dugo, sasabihin niya ang mga katagang iyon, tapos magigising nalang akong mabigat ang dibdib at mukhang katatapos lang umiyak.

I don't even know if that guy were existing, kung totoong tao ba siya. Kung oo, bakit nasa panaginip ko siya palagi? Hindi ko naman siya kilala pero para akong pinapatay sa tuwing napapanaginipan ko siya. Nasasaktan ako, at hindi ko maintindihan ang panghihinayang na nararamdaman ko.

Para bang ang laki ng parte niya sa buhay ko, matagal ko na siyang kilala at nakasama. May parte sa akin na gusto ko hanapin ang lalaking iyon, ang kaso lang, hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko siya hahanapin. Isa pa, malabo ang imahe ng mukha niya sa panaginip ko, wala rin siyang pangalan. He's just a mere stranger. Or an image that my head created. I have no idea.

Ayaw ko sa sakit na nararamdaman ko tuwing napapanaginipan ko siya dahil hindi ko naman siya kilala. It makes me hate sleeping. I don't want to meet him, I don't want to see him in that situation.

"Athena Denise!"

Natigilan ako sa pag-iisip nang kumatok ang kapatid ko sa pintuan ng kuwarto ko, si Ate Abby.

"Sandali!" Sigaw ko pabalik.

"Anong sandali?! Aba! Bumangon ka na at tanghali na. Kung ayaw mong lumipad mag-isa, mag-asikaso ka na."

Napairap ako nang tignan ko ang orasan. Leche, alas sais palang ng umaga at alas dies pa ang flight namin! 

"Oo na!" I screamed at her, defeated.

She's alway like that. Parating bitin ang tulog ko kapag kailangan ko magpagising sa kaniya. Sasabihin niyang tanghali na kahit 6 am pa lang! I am a heavy sleeper that's why I need someone to wake me up. Especially kapag dinadalaw ako ng lalaking iyon sa panginip ko, It felt so real to the point na wala akong ibang marinig kundi ang boses niya na binabanggit ang pangalan ko.

Wala na akong narinig na ingay mula sa labas ng kuwarto ko. I sighed heavily. I stood up and went inside my bathroom to take a bath. To refresh my mind.

Pinuno ko ng tubig ang tub para ibabad ang katawan ko. Masarap magtagal sa tubig kapag pagod ka. 

Pagod? Saan ako napagod?

Finding CureWhere stories live. Discover now