Chapter 1: Her World

1 0 0
                                    

Masagana
Payapa
Komportable
Masaya
Maunlad
Kontento
Walang pabida
Yan ang mga tao Dito sa bansa ng Rieko , puro babae , Walang halong lalaki , Diba obvious naman na Hindi dumadami populasyon namin,  bukod Nalang kung may magpapabuntis sa hospital , Tinuturukan kasi Ang mga babae na gustong mabuntis at magkaanak dito Sa Rieko . Ang mga buntis ay hinihintay ang pagkaanak at pagkatapos ay Ikukulong ng 2 years o maninilbihan Sa Presidente ng Rieko , na si Alia Conrado , Magaling at mabait siyang Presidente , ngunit strikto at Walang inuurungan ......... "Iya! " sigaw ni Jien saakin " Ano?" Tumingin ako sa paligid and kaboom mataam at matalim akong tinitingnan ng Subject teacher namin " Pasensya na Po maam , may iniisip lang" paumanhin ko ki mam Eula " Ano iniisip mo babaita?" Tanong niya, Paking teyp , Ano idadahilan ko? " kung meron na kaming ulam mamaya?" Sagot ko
Tumikhim na lang si mam Eula. " Nako Iya!, Baka nagpapantasya ka na naman" tugon niya

"About sa Ano naman mam?" Tanong ko sabay tingin sa kanya

"Malay ko , lalaki ata?" Oh my ghoofyness haha magbabayad toh. Agad na naghiyawan ang mga nasa room

" Multa! ,Multa , multa" Sigaw ng mga kakklase ko , bawal kasi mabannggit ang anumang species na ganyan , Di pa nga ako nakakakita ng lalaki eh , nilalarawan lang nila

"Che! Kasalanan niyo, Sa tingin niyo ba kapag nagbayad ako , uunlad ang bansa?" Natahimik ang buong klase. "Hindi! " Sigaw ng Maarte Kong kaklase
" Oh Hindi naman pala, Kaya wag na Ampapangit niyo naman" pintas ni mam. "Waw, kagandahan ka?" Tanong naman nung isa ko pang kaklase " Puede na" sagot ni mam

Sa bansang ito , tatanda kang Walang asawa , or should I say matandang dalaga

Nag ring na ang bell , hudyat na recess na "Anong balak mo this weekend?" Tanong ni Jien , nga pala siya si Jein Reianne Fernandez ang matalak na matalik kung super sissy

"Tunganga " tugon ko , Napa iwang siya "Gaga , shopping tayo daliii" Napa irap ako " Wala akong pera " tugon ko " Sus! Doctor ang nanay Walang pera?" Tugon niya "Kay mama yun , Hindi saakin" tugon ko ulit " Di ka talaga sasama?" Tanong niya " Hindi nga!" Sigaw ko

" Libre ko " sagot niya
Agad na kuminang mata ko
"Oh Tara saan?" Tanong ko , sabay batok niya " yan Jan ka magaling , Bruhita ka" nginitian ko Nalang siya

Natapos ang araw na kakatalak ng subj. Teachers namin na mga mukhang tubol

Pauwi na ako at kasabay ko naman itong Si Jien , nagkukwento siya about sa nangayaring rumble kanina sa school , Chismosa siya , ganun talaga

"Tapos kanina, yung susuntukin na ni tibo si Hambog ( babae yan si hambog) , may dumating ng teacher , napaka pabida eh , ang ganda ng sparring nakisali pa siya , yan tuloy Na pilayan siya , Di niya kasi nakita si hambog na sisipain siya na nasa likod" litanya niya

"So Anong point mo?" Tanong ko

"Wala , gagawin ko lang yung article tapos isusubmit Kay mam" nabigla ako sa sinabi niya , Wala namang nabanggit na gagawa ng article ah

"Dapak? Wala Namang sinabing gagawa ng article ah" nagkibit balikat lang siya " Gaga, isusubmit ko doon sa Napilayan na teacher para matauhan... na kapag may sparring wag makisali ang chacka" so ayun yung point niya , ang saya niya pa niyan

"So saan na tayo pupunta?" Tanong ko
"Bibili , ice cream" oh yeah , ito yung gusto ko sa kaibigan ko eh naglilibre " ilan?" Tanong ko
"Isa , akin lang" porkchop! Akala ko manglilibre na tong bruhitang ito , "pinagmalaki pa naman kita sa readers na nanglilibre ka " tugon ko. Agad siyang lumingon saakin " Talaga?!!!! OK sige—" pinutol ko sasabihin niya "lilibre mo na ako?" Tanong ko
"Hindi , sabi ko OK Sige bili ka na ng sayo " porkchop talaga toh! Kala mo maganda , binabawi ko na yung sinabi ko kanina , Panget ugali niya ..........

Nakarating kami sa ice cream parlor at talagang Di niya ako nilibre pashnea!

Feeling ko kasi , kapag ginastos ko Pera ko , sayang lang

Kuripot tong kaibigan ko ,

Naglalakad na kami pabalik sa parking lot ng school dahil susunduin na ako ng driver Kong si manang Alba

Mabait yon, Kaya lang matalak den

Habang si Jien ay umalis na rin dahil , naghihintay na ang kanyang sundo

Naghintay ako ng ilang minuto , at may bumusina na , Di na ako magtataka kung sino yun , Busina palang eh
Ng makalapit na ang kotse ay lumagpas ito sa kinatatayuan ko at tumigil sa isang babaeng estudyante

Doon ko na Pag tanto , Di pala yun yung kotse namin , sabi ko na nga ba , Kaya nga Di ako nagtaka eh

At dumating na nga ang sundo ko , Hindi Kaya bumubusina kotse namin, sira kasi , ayaw ayusin ,

Syempre joke lang yun... Si mama pa , gusto niya ayus lahat , inayus niya nga yung bigas binilang niya isa isa, pati buhok ng pasyente niya binilang niya .

"Manang, bat ang tagal mo?" Tanong ko ng mabuksan nito ang pinto "Yung guard niyo kasi , ang Arte pinagmulta pa ako dahil daw Wala akong kamag anak dito , sarap sapakin eh kala mo kung sinong maganda , peke naman yung kilay" well ganyan talaga guard namin akala mo mabait pero nangongotong or should I say buraot

"Pabayaan mo na manang , irapan mo na lang pagdaan natin " si manang alba ay nasa late 40's na medyo chubby pero medyo payat , parang Sakto lang , maganda den , Kaya lang palaaway or should I say matalak den , bungangera

"Nako! , Hinde kukunin ko yung binigay Kong 5 pesos " sambit niya na nag stretching pa sa loob ng kotse , ganyan siya magloko promise , Masanay na kayo.

"Sayang non, mahal Kaya Krimstixx ngayon " sabi niya pa

Pinabayaan ko na lang siya magsalita alangan namang kontrahin ko , mahal naman na talaga krimstixx ngayon

Ng makarating na kami sa kinatatayuan ng pangit na bruhang guard " Hoy peke ang kilay! Akin na yung 5 pesos sukli yon don sa 20 pesos!" Sigaw ni manang

"Walang barya, hanap ka tindahan pabarya mo!" Tugon niya , nako mukhang matatagalan pa akong makauwi dahil dito

"Sige bukas na Lang " sabi ni manang
"Oh manang , bat Di mo kinuha yung 5 pesos mo?" Tanong ko

"Wala daw barya , bukas na lang, ang cheap pala ng guard niyo , kahit singko pesos wala?" Tugon ni manang
Ganon ang mga tao dito sa bansang Rieko , masaya , masaya , masaya , masaya  .......hahahahahahappy lahat Walang lamangan Wala ring pabida , Ako si Vhia Shianne Solomon , Oh Mas kilalang Iya , kilalanin niyo ako ng mabuti

The Wall Between Us (Liceo And Sevilla Series)Where stories live. Discover now