Epilogue.

493 26 23
                                    

-

Dongpyo's

Nasa bahay ako ngayon at nakaupo lang ako dito habang pinapahinga ko yung leeg ko sa may sofa. Sobrang nakakapagod ngayon araw na ito. Alam niyo yun pagkatapos ako kausapin ng dad ni Chevonne ay mas kailangan ko pa mag aral.

Pinayagan na niya ako pero kailangan matataas yung mga grades ko, ichecheck niya rin daw yun palagi kaya ako todo aral ngayon. Pinikit ko yung mga mata ko and licked my lower lip, kasi ang dry na oh. Argh! Pagod na talaga ako.

Tumayo na ako at pinatay ko na yung ilaw dito. Papunta na sana ako sa may kwarto ko para matulog na...

"What the heck?" Bigla nalang nawala antok ko nung may narinig akong sumigaw. Sino naman yan? Iisipin ko sanang bisita yan pero kasi naman ang bahay na ito hindi naman madaling mapasukan ito. Sa sobrang curious ko kung sinong sumigaw pumunta ako sa may likod ng bahay at doon ako nagsimulang hanapin kung sino yung sumigaw. Take note boses babae pa yun ah.

Nung naglakad lakad na ako sa labas ng bahay ko ay wala naman ako nakita kaya naman bumalik nalang ako sa loob. Pero hala minumulto na ba ako?

Pagkabalik ko doon umupo ulit ako sa may sofa at tumitingin ako sa kaliwa at kanan ko baka kasi mamaya may multo talaga, nasa work pa naman si dad. Yes, ako lang mag isa palagi dito.

Tumayo ulit ako at kinuha ko ang walis tambo sa gilid ng ref upang ipangdepensa kung may multo talaga o kaya masamang babae. May nakita naman akong anino sa may pinto.

Halos hindi na ako humihinga sa sobrang takot. please God kung sino man may magtangkang masama sa akin ay iligtas niyo ako. Pagkapindot ko ng switch ng ilaw ay patakbo akong sinugod yung tao sa may pinto hindi ko nakita kung sino yun pero sigurado akong hindi ko siya natamaan.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" binaba ko yung walis ko para tignan kung sino yung tumatawa, tngina?!

"Love?!"

"Pyo, matatakutin ka parin pala HAHAHAHAHAHAHAHAHA" tumatawa siya sa harap ko, napansin ko naman na naka-short lang siya pero may mas napansin ako sa kanya...

"Ba't may sugat ka sa may tuhod?" Napatigil siya sa pagtawa niya nung tinanong ko siya. Hinawakan ko yung braso niya at pinaupo ko muna siya sa may sofa.

"Kasi gugulatin talaga sana kita kaso nung malapit na ako sa may pinto bigla ako nadapa, natusod ako sa may bato" Napabuntong hininga nalang ako sa explanation niya, hay nako chevonne. Pumunta muna ako sa kusina para kunin yung first aid kit.

"Bakit ka pala andito? Hindi sa ayaw kita na andito pero kasi gabing gabi na paano kung hanapin ka sa akin nila tita" sabi ko habang kinukuha ko yung first aid kit, pagkakuha ko nun ay bumalik na ako sa tabi niya.

"Gusto ko dito matulog at tsaka nagpaalam na ako. Syempre nung una hindi pumayag si dad pero nilambing siya ni mama kaya pumayag rin siya hehe" sabi niya at binuksan ko na yung first aid kit...at nilabas ko na yung betadine, bulak, bandage, at medical tape.

Friends | Son DongpyoWhere stories live. Discover now