19. | Chevonne's

455 33 6
                                    

Chevonne's

Kakatapos lang ng klase sa school at kanina pa ako nasa may waiting shed. Hapon na at malakas parin ang ulan. Manipis lang kasi yung jacket ko kaya kung susugod man ako basa agad ako, nakalimutan ko kasi mag dala ng payong malas ko diba? Si Minhee naman nauna na kasi may importante pa raw siyang pupuntahan gusto nga niya ako ihatid pero kasi nakakahiya na nilibre na nga niya ako nun ng lunch.

Pinikit ko ang aking mga mata ng umihip ang malakas na hangin. Lumilipad ang buhok sa mukha ko dahil malakas ang hangin. Inalis ko naman ito at nung tumingin ako sa paligid ko may nakita akong isang lalaking tumatakbo papunta rito nakajacket siya na kulay pula. Nung palapit na siya doon ko lang narealize na ex ko pala yun.

Sino pa ba ex ko? Edi si Son Dongpyo.

Nakita kong binuksan niya yung bag niya at nilabas niya yung payong niya. Umiwas naman ako ng tingin at tumingin ako sa ibang direksyon para narin isipin niya na hindi ko siya nakita.

"Miss...eto yung payong gamitin mo muna ito" tngina ako ba yun? wala naman ibang tao dito eh kundi kami lang dalawa. Wrong timing ko ata pumunta dito dapat pala nag stay nalang ako sa classroom para hindi kami magkita hays.

"Miss?" Tinignan ko siya at nakita ko naman sa mga itsura niya na nagulat siya.

"Uhm..." Inabot niya lang sa akin yung payong niya, sinuot na niya yung hood niya sa may jacket niya.

Magsasalita palang sana ako pero umalis agad siya. Iniwanan niya ako dito mag isa pero kung sabagay iniwanan na nga niya ako noon eh. Ngayon pa kaya...

Friends | Son DongpyoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora