38. | Dongpyo's

371 17 15
                                    

PAST...

Dongpyo's

Andito ako sa bahay ni Chevonne dahil hinatid ko siya. Aalis na sana ako nang bigla ako sinabihan ng dad niya na mag stay muna ako dito dahil may kailangan daw kami pag-usapan.

Naka-upo na kaming dalawa sa may sala, at kahit legal na kami ni Chevonne sa parehas namin na pamilya ay kinakabahan parin ako sa kanya.

"Sa totoo lang kaya ako pumayag sa relasyon niyo nang dahil gusto ng asawa ko. Pero sasabihin ko na sayo ito ngayon hindi kita gusto para sa anak ko" Nanlaki mga mata ko sa narinig ko. Huh...teka..bakit...

"Sir bakit po?"

"Alam kong matagal na kayo ng anak ko pero kasi tumatanda na kayo. Sa totoo lang ang gusto ko talagang lalaki para sa anak ko yung may trabaho na, yung perang ginagastos ay hindi na hinihingi sa magulang. Kaya dongpyo pwede bang hiwalayan mo muna anak ko at hindi mo muna siya papansinin at kausapin." Tngina gusto ko sana sabihin na hindi naman ako nanghihingi sa magulang ko ng pera dahil nag papart time job ako pero kasi may kulang ako...hindi pa ako nakapagtapos ng college...wala pa akong magandang trabaho, nag aaral palang ako.

Pero teka...lalayuan at di papansin?!

"Teka po...bakit kailangan hindi ko pansinin at kausapin si chevonne?"

"Hindi mo gagawin o ilalayo ko mismo ang anak ko sayo. Bumalik ka nalang sa akin kapag nakapag tapos ka na at may magandang trabaho ka na."

Friends | Son DongpyoWhere stories live. Discover now