Chapter 1-The Deal Seal

14.4K 198 23
                                    

"I'm sorry, I thought our love could last forever," mangiyak-ngiyak na
sabi ni Jasmine.

Nakatalikod siya sa kanyang nobyo habang nakatingin sa pagsisid ng araw sa ilalim ng dagat.

"Bakit? Anong pagkukulang ko sayo? Isang linggo pa lang naman tayongmag-on ah. I can do more," pagsusumamo ng lalaki. Ilang sandali pa ay hinarap niya ito.

"No you can't. Boring kang kasama, wala kang sense of humor, mama's
boy ka pa. I can't imagine to live my life with that kind of person. Tatanda ako n'yan nang wala sa oras."

Ipinikit-pikit niya ang kanyang mga mata para lang may tumulong luha.

"We're over," sabi niya at kaagad na pinalis ang mga pilit na luha sa kanyang mga mata.

Iniwan niyang umiiyak ang lalaki habang siya ay may maluwang na ngiti sa kanyang mga labi. Siya si Jasmine Francisco, isang professional photographer. She is enjoying her life for almost twenty six years now, and playing a guy's heart for five years. Maybe she has no reason why she's doing that. Yes, a big MAYBE. But she really likes it. She's a certified playgirl. Walang sineseryosong lalaki at walang nagtatagal na relasyon sa kanya. For her, forever only lasts for one week. Love is indescribable for she firmly believes that it doesn't exist. Bago niya binuksan ang kotse niya ay pinasadahan niya ng kanyang huling tingin ang ex-boyfriend niya na ngayon ay nakaluhod na sa buhanginat nakatingin sa paglubog ng araw.

"Poor boy. Ngayon mare-realize mo na wala talagang tunay na pag-ibig,"
nakangiti niyang sabi at pumasok na sa loob.

Ilang sandali pa ay binuhay na niya ang makina ng sasakyan at nilisan na ang lugar. Pasipol-sipol pa siya habang nagmamaneho nang tumunog ang phone niya. Si Lulu ito, ang bestfriend niya. Halos mabingi siya sa sigaw nito nang sagutin niya ang tawag.

"Bruha, nasaan ka??" malakas niyang tanong.

"Ilang megaphone ba ang nilunok mo at ganyan kalakas kang magsalita?"balik-tanong niya rito.

"Ay, sorry naman. Pero maiba tayo, nasaan ka ba ngayon?"

"Babalik na ng apartment."

"Saan ka ba galing?"

"Sa beach," nakangiti niyang sagot. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan. Nakikini-kinita niya sa kanyang balintataw ang reaksiyon nito. Alam na alam kasi nito ang dahilan kung bakit siya pumupunta ng beach. It is the place to dump the boys.

Kaagad na napawi ang ngiti ni Jasmine nang biglang may humarang sa kalsada. Isang lalaki. Hindi lang isang ordinaryong lalaki kundi tall, not dark but very very handsome. Pero nagulat siya nang makita ang kabuuan nito. Akalain mo nga namang nakahubad ito. Kaagad siyang nag-brake ng sasakyan para hindi ito masagasaan.

"Shit!" mahina niyang mura. Kinuha niya ang kanyang kumot sa katabing upuan at bitbit niya iyon hanggang sa paglabas. Hindi niya maiwasan na pasadahan ng tingin ang kahubdan nito. First time siyang nakadama ng pagnanasa sa lalaki. Ang pakiramdam na gusto niyang mahawakan ang hulmadong muscles at abs nito. Bahagya pa siyang nadismaya nang nakatakip ang mga kamay nito sa kanyang tinatagong yaman. Kaagad niyang kinastigo ang sarili at inis na tiningnan ang guwapong pagmumukha ng lalaki.

"Ano bang ginagawa mo? Adik ka ba? Bakit ka ba nakaharang sa daan?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaki.

Imbes na sumagot ay ngumiti na lang ito sa kanya. She really don't like his smile. It's so sweet and dangerous at the same time. Matagal pa ang tinginan nila bago sumagot ang lalaki.

"I'm sorry. I'm lost," sagot nito.

"Naligaw ka lang ba't kailangan mo pang magbilad ng katawan mo. Ipinagmamalaki mo 'yan?" pagtataray niya.

It's Hard To Say "I Love You" (ON-HOLD AND UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon