T H I R T Y - S E V E N

Start from the beginning
                                    

(⌒▽⌒)

Nang marating na namin ang office ay sinalubong kami ng secretary kaya tinanguan ko na siya. Agad kong nakita ang likod nina Syne at Zee, andito na pala sila? Hehe. Bilis ah.

"Good morning, Principal."

Nakayuko naming bati, ramdam ko ang lamig na tingin niya sa amin.

"Sit down, girls."

Sa ilang months ko dito sa REA, di ko pa nakikita ang principal. Ngayon lang. Ang lamig pala niya magsalita sa personal. Ibang-iba sa speakers.

Napaupo na kaming tatlo. I can feel the authority in her voice. Juice ko po.

"Where's Yejie?"

Napalunok ako bago tinignan siya pero nakatingin lang ito sa librong binabasa niya.

"She's with King Alex and Queen Krystellia for now, Principal."

Tumango-tango lang siya at inangat ang tingin sa akin. Mukhang nagulat pa siya nang makita ako kaya medyo nailang ako. Oh-kay? What's with her?

"Is there any problem, Principal?"

Napalunok siya at napailing, "N-no. Naalala ko lang best friend ko. Magkamukha kayo."

I didn't hear her last sentence.

Bumalik nanaman ang blanko niyang mukha. May kinuha siyang envelope at may linabas.

"I think you owe me an explanation about this pictures.", siya habang seryosong nakatingin sa amin.

Pictures namin yun noong Winter Ball. It was taken inside the hall at ang iba ay sa labas o di kaya sa west wing. Tig-iisa kaming pictures doon!

Nakita ko ang isang picture na nakahawak si Yejie ng baril na nakatutok sa kalaban niya. Ghash, ang ganda niya kahit punit-punit na ang laylayan ng gown niya.

Ang picture naman ni Zee ay nakuha ata sa west wing. Hawak niya ang chain whip habang nakapulupot ito sa kalaban niya.

Si Tori naman ay nakuhanan na may hawak na bow and arrow na nakatuon din sa mga kalaban nitong mahigit sa apat.

Yung kay Nike ay dala-dala ang twin sword niya na nakasaksak pa sa target nito.

Si Syne ay hawak ang scythe niya na nakasaksak sa noo ng kalaban niya. Brutal naman! Hindi man lang kinuhanan sa medyo di brutal.

Yung picture ko dun ay yung time na pinatay ko si Wren. Anyways, ang ganda ko pa rin dun. Hehe.

"Omygosh! Wala na bang time kung saan hindi ako haggard?!", reklamo ni Tori habang tinignan ang picture niya.

"Ang brutal ko dito!", si nike.

"Ano pa ako? Tss.", habang hawak ni Syne ang litrato niya at ngumiwi.

"Mabuti na lang hindi brutal sakin. Hehe.", Zee.

"Eh ako nga oh? Sana kinuhanan nila ako kung saan baril ang hawak ko at hindi dagger!", reklamo ko.

-_______- > principal

Tinignan niya kami na parang hindi makapaniwala. Tumikhim si principal kaya napatingin kami ulit sa kanya.

"Explain."

Napataas ang kilay ni Syne sa sinabi ni principal. Oh gosh.

"Principal, you can ask your son about it."

Siniko ko ng mahina si Syne. Pinagsasabi niya? Nakita kong malamig na tinignan ni principal si Syne at natawa ito ng mahina.

"You got me there, Ellaera."

Reaper PrincessWhere stories live. Discover now