T H I R T Y - N I N E

613 13 4
                                    

|K R Y S T A L|

ang nyeta ng partner ko sa sparring. Magaling din naman pero nakakainis kasi ang ingay niya. Hindi naman kami close para kausapin niya ako. Tas magjo-joke about sa nangyari nung ball. Tss.

Kaya eto ako ngayon  basang-basa sa ulan! Joke. Trip ko pumunta sa Enchantia kasi uuwi muna ako sa palasyo. Kukunin ko lang mga gamit ko. Pagkatapos mismo ng sparring ay nagpaalam ako sa teacher namin kug pwede ba umuwi muna. Ewan ko nga bakit pumayag.

:/

Basta tumatambay ako ngayon dito sa doughnut parlor, nagugutom ako ih. Binabantayan ko lang kung sino ang dadaan, tapos chinichismis pa ako ng waitress dito. Aba, ewan ko kung bakit. Nakikisakay lang ako.

Kinuha ko ang phone ko at punyetang si Zee andaming texts. Insert Hiro and Yejie.

1 message from Unknown
15 messages from Zee
4 messages form Tori
1 message from Syne
3 messages from Yejie
5 messages from Hiro
....

Kumagat ako ng doughnut ko bago isa-isahin ang mga messages nila. Mga walang kwenta naman ang laman galing kay Syne at tori.

Syne:

Hoi.

---

Tori:

Pancake mic
*miz
*mix
Punyetang typo

---

Oh diba? Walang kwenta. Ininom ko muna ang iced coffee ko tsaka binasa ang message ni Zee.

Zee:

Hoy
Gaga
Hinahanap
Ka
Ni
Trev

Yieeee
Yung KrysPyr heart ko
<3

Imbitahan mo ako ako sa kasal niyo
Binigay ko nunber mo
Sa kanya
HEHEHHEHEHE
Me is so kilig rn
OMFG

---

Wala rin palang kwenta. Tss. Muntik pa akong masamid nang mabasa ko na binigay niya ang number ko. Walang hiya! Sunod kong binasa yung sa kambal.

Yejie:

Uwi ka dito
Mom and dad is so nag-aalala
Papunta ako sa academy like rn

---

Hiroshi:

Pst
Tal
Kamusta si Asa
Ikinaganda mo ang hindi pag-reply?
Reply!

---

-_______-

I made a face when I read about Hiro's message like wtf? Kasama ko ba si Asaleah? Sila nina Mads ang close e!

Huli kong binasa ang sa bago. Si trev to e, malakas sakin yun. Charot lang. Gago yun.

Trev:

Where r u. It's trev btw

Tal:

Sa heart mo
<3
Yieeer

Trev:

HA-HA-HA so funny
Srsly wer r u

Tal:

Enchantia. Sa bayan.

Tumatambay lang
B

oring sa school

Trev:


K.

---

Walang kwentang kausap. Inubos ko na ang kape at doughnut ko tsaka umalis. Naglibot-libot lang ako dito kung saan man ako dalhin ng mga paa ko.

Lahat ata ng tao kilala ako kasi kada dumaan ako ay yumuyuko sila like hello? Kailangan pa ba ean? Patuloy lang ako sa paglalakad habang kumakain nang binili kong taco sa labas ng doughnut parlor.

Saktong naubos ko na ang taco nang marating ko ang gitna ng bayan. Dahil sa pagmamadali ay may nababangga na ako kaya nagso-sorry ako syempre. Natigilin naman ako dahil may babae na nakatalikod sa akin. Mag-eexcuse na sana ako pero bigla siyang humarap.

Mukhang nagulat pa siya nang makita ako.

Eh? Does she know me? 

Biglang nagulat din ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Kilala niya ako. Syempre, Tal. Prinsesa ka paano ka hindi makikilala? Tsh.

Pero iba talaga e.

"Who are you?"

Pagkatanong ko nun sa kanya ay ang pagdilim ng kalangitan, ang paghangin ng malakas. Anong nangyayari?!

Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Ang sakit-sakit! Kagaya noon ay sumakit nanaman ang mga mata ko. Hinawakan ko ang buhok ko dahil medyo mahaba naman ito.

Bakit nagiging puti ang buhok ko!? Dahil sa sakit ay ang palahaw ko.

"S-SHIT!"

sumigaw lang ako ng sumigaw dahil hindi ko kaya ang sakit. Ang kapangyarihan ko ay parang pinangungunahan ang sarili kong katawan. Naramdaman ko ang lamig sa katawan ko at ang sakit.

"KRYSTAL!"

Napalingon ako sa likod. Si Trev. Anong ginagawa niya dito? He stared at me. Naiiyak ako, dahil sa hindi ko kaya ang sakit at lamig na nagte-take over sa katawan ko.

Tinignan ko ang kamay ko na puno ng ice. Walang alinlangan na pinalabas ko ang kapangyarihan ko kaya itinuon ko sa taas ang kamay ko. Pagkalabas nito ay biglang nanghina ang mga kamay ko, ang lakas-lakas ng impact na dulot nito sa katawan ko.

Nanginginig kong binawi ang kamay ko dahil baka ikamatay ko ang sobrang pagkawala ng kapangyarihan. Nang mabawi ko ang kamay ko ay napatingin ako sa babaeng nakaharap ko kanina, wala na siyang malay. Narinig ko din na tinawag siya ng kakilala niya na 'Astrid'

I just stared at her. Bakit ang pamilyar niya?

Nawala ang sakit kanina pero nawalan ng lakas ang mga paa ko kaya napaluhod ako at unti-unti ng dumidilim ang paningin ko.

Sabay sa pagpikit ng mata ko ay ang pagsalo ni Trev sa akin. Nays, siya nanaman. Lagi na lang ba?

"Krystal..."

Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil sinasakop na ako ng  kadiliman. Bumagsak nanaman ako at talagang siya palagi ang naka-witness.

~***~

|I A N N E|

Napatingin ako sa glass window ko dito sa opisina. Nagiging kulay pula at asul ngayon ang kalangitan. Nagkaharap na sila. Ibig sabihin nakawala na ang mga Darkus sa mundo nila, malaya na sila ngayon na tumuntong sa Celestia.

Hinigpitan ko ang hawak sa wine glass ko. Siguradong alam ito ni Death. Pero mas lalo akong kinukutuban na mga anak niya ang sinumpa niya. Lalo na't hindi tunay na anak ni Krystellia si Krystal. I've done my research about her. Wala silang anak ni Kasper.

"Railey."

Agad naman pumunta ang secretary ko sa akin. We need to be prepared. The darkus are already free, I can't let my students die without fighting. Malakas ang kumpiyansa ko na magdedeklara ang hari nila na may magaganap na laban sa pagitan ng Celestians at Darkus.

Nakaka-stress. Ewan ko na lang baka magsapi-sapi ang mga taga-Luna at ang Duo. Nakakaloka talaga. Remind me to eat ice cream after talking to Railey.

"Yes, Madame Ianne?"

Tumingin ako ulit sa labas. Nagiging fade na ang kulay ngayon. Thanks to my son's stalking skills, matutulungan niya si Krystal kung saan man sila ngayon.

"Prepare the students tomorrow. We need to train them, inform the faculty and the council."

"Yes, madame."

Tsaka na siya umalis.

Wiiiii! I'm so excited about the training!

•••••

Reaper PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin