BB:4

9K 171 6
                                    

"Anak, mag-iingat ka roon ah. Alagaan mong mabuti ang sarili mo. Huwag mong kalimutang tawagan kami. Mami-miss ka namin," umiiyak na ani ng ina niya maging ang ama niya'y hindi nagsasalita pero mamasa-masa na  ang dalawang pares ng mata nito.

"Mama naman, huwag ka nang umiyak hindi naman ako magtatagal doon. Tsaka nandito naman si, Lina eh. Huwag na kayong mag-alala tsaka, Papa si Mama ha alagaan niyong mabuti. Mami-miss ko rin kayo, " ani niya sa mga magulang niya. 

"Oo nga Tito, Tita hangga't pwede pupuntahan ko naman sa pag-i-stay-han niya si, Merian. Alam kong nag-aalala kayo pero ligtas naman ang destination ni, Merian. Ako na ang bahala," ani ni Lina. She was assuring Merian's parents.

"Okay, wag kalimutang tumawag ha 'pag nakarating ka na anak," ani ng ina niya na mas umiyak pa lalo.

"Mama naman," ungot niya rito.
Niyakap niya ang mga ito at pumunta na sa boarding area. Nakangiting nagba-bye siya rito at pumasok. She sighed and dried her tears. Nalulungkot din naman siyang iwan ang mga magulang niya pero hindi rin naman siya magtatagal sa Rome. Ito na ang matagal niyang hinihintay. Ang pangarap niyang sa wakas ay magkakatotoo na.

"Kaya mo to, Merian. This is it magiging ganap ka ng madre, guide me Lord," ani niya sa sarili at pumikit tsaka nagpasalamat sandali tsaka ngumiti. Nakita naman niya si Lina na umupo na sa gilid.

"Halika na, Merian. Pinagtitinginan ka na ng mga tao. Baka akalain nila may birhen dito sa eroplano," nakangiting ani ni Lina na siyang ikinalaki ng mga mata niya. Nakatingin nga sa kaniya ang mga pasahero. Maging ang piloto na kakapasok lang. Nahihiyang napayuko na lamang siya at umupo na.

"Alam mo Merian? Ang ganda mo. Sobrang ganda mo. Tao ka ba talaga? Siguro pinaglihi ka ni, Tita sa birhen noh?" ani ng kaibigan niya. Naiilang na napatingin siya kay Lina.

"Huwag ka ngang ganiyan baka may makarinig sa sinabi mo akalain nila napakayabang ko. Tsaka hindi ako maganda, simple lang naman ang anyo ko ah. Kayo lang ang may problema sobrang over kung makasalita," ani niya at kinuha ang rosary niya para magsimulang manalangin.

"Weh? Hindi nga, okay sana kung ako lang ang nakakakita ng kagandahan mo eh halos lahat ng nakakakita sayo napapahinto," ani Lina napailing na lamang siya't binigyan niya ng isang rosary ang kaibigan.

"Oh hayan, Lina. Mag-focus ka okay?" ani niya at nagsimula ng mag-sign of the cross. Sobrang lukot naman ang mukha ng kaibigan niya at nagdadalawang-isip na kinuha ang rosary.

"Patawarin mo ako sa kasalanan ko Lord. Patawad po kung pakiramdam ko ay nasusunog ang kamay ko sa rosaryo. Dahil po ako ay talagang makasalanan," mahinang usal ng kaibigan niya. Napangiti na lamang siya sa turan nito.

"Mapapatwad ka ng, Diyos. Lina, alalahanin mong lahat ng kasalanan kung sasabihin natin sa, Diyos patatawarin niya tayo. Maliit o malaki alam ng Diyos 'yan. Walang sikretong natatago. Isipin mo lagi na hindi ka tatalikuran ng panginoon," nakangiting saad niya. Kaagad na hinarap siya ni Lina at hinawakan ang kamay niya.

"Talaga? Kahit..kahit  sinasadya mapapatawad ba ako?" tanong pa nito. Kaagad na napatango siya at nginitian ang kaibigan.

"Nagsisimba ka pa ba, Lina? Ang lalaki kaya ng cathedrals sa, Rome," ani niya sa kaibigan. Kaagad na nginitian sia nito.

" Alam mo ang lifestyle ko girl, hindi ba?" nakangiting tanong nito sa kaniya. Tsaka niya lang naalala. Lina was used to have a night life. Gising na gising ito tuwing gabi. Bar hoppings, clubbings, parties and all.

"Magsimba ka, magbagong buhay ka na, Lina. Walang satisfaction ang tao. Sa Diyos lang meron. Hayaan mong baguhin ang sarili mo. Bumalik ka sa Diyos at manampalataya. Repent and ask for forgiveness. Patatawarin ka ng Diyos. Iwasan mo iyong mga bagay na nagpapalayo ng loob sa ating panginoon," ani niya sa kaibigan. Natigilan ang dalaga nang makita ang kaibigan niyang nakaupo at nakanganga. Kanina pa siya dada nang dada nakatulog na pala ang kaibigan niya.
Ilang oras pa ang matuling lumipas bago sila nakarating sa Rome.

"Grabe Merian, ang sakit ng puwet ko. Diretso muna tayo du'n sa Hotel na pag-i-stay-han ko ha. Bukas na kita ihahatid sa pupuntahan mo. Pagod na talaga ako," may papikit-pikit na ani ng dalaga. Nag-aalinlangang tumango naman siya. Naubusan kasi sila ng plane ticket nu'ng nag-book na sila ng mga kasama niya papunta sa Rome. Unfortunately heto at mukhang bukas pa siya makakapunta sa destinasyon niya. Malaki na rin ang pasasalamat niya dahil kasama niya si Lina na half-Romanian. Romanian citizen na siya sa Rome kaya pabalik-balik na ito sa bansa. Pumupunta lamang ito sa Pilipinas gamit ang tourist visa, hindi pa kasi naaasikaso ang mga papeles nito sobrang higpit pa naman ng polisiya ngayon.

"O-okay s-sige," sagot niya sa kaibigan, maging siya ay nakakaramdam na ng pagod. May taxing pinara si Lina at agad naman silang hinatid nito sa Hotel na ibinook kamakailan lang. Malaking ngising nakatanaw si Merian sa tanawin mula sa 26th floor na kasalukuyang tinatayuan niya. Nasa terrace siya ng suite na kinuha ni Lina. Napaka-galante talaga ng kaibigan. Nakatingin lamang siya sa mga sky lights.

"Oh heto tubig, Merian. Inumin mo at punta muna ako sa restaurant na nasa baba ha order lang ako. Ayaw ko sa room service nila dito ang pangit ng mga pagkain," nakangiting ani ng kaibigan agad naman siyang tumango at inabot ang malamig na tubig. Tumalikod naman agad ito at kinuha ang purse nito sa bag.

"Malamig na Merian, pumasok ka na ha," bilin pa nito at nginitian siya. Ang weird ng kaibigan niya. Kailan ba ito naging maalalahanin sa kaniya? She just shrugged her shoulders and went inside. Ininom niya ang malamig na tubig bago napaupo sa couch. Napahawak naman agad siya sa ulo niya nang maramdamang parang nakasakay siya sa ferris wheel. She closed her eyes and massage her head. Naramdaman niyang parang nanlalata ang katawan niya at tuloyan nang napahiga sa couch.

Tbc
Zerenette

🎉 Tapos mo nang basahin ang Billionaire's Baby (Series 4) : Reuchi Abbas (Completed) 🎉
Billionaire's Baby (Series 4) : Reuchi Abbas (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon