BO - Chapter 45

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos ay lumabas na agad ako ng kwarto at saka dumiretso na pababa sa living room kung nasaan si k̶u̶y̶a̶ Darko at si daddy. Ngayong nandito si daddy, hindi pwede ang name basis lang sa amin ni Darko. Dapat may 'kuya' pa rin tho we all know na hindi na magkapatid ang turingan namin ni Darko. I sighed.

Well, may nalaman rin kasi ako nung time na nakausap ko si daddy bago ako umalis four years ago.

Flashback...

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni daddy. "Tumayo ka na diyan." Mahinahon niyang pahayag pero patuloy pa rin ako sa pagluha at umaasang papayag siya sa gusto kong mangyari. "Sige na. Tumayo ka na diyan. Bago pa magbago ang isip ko." Agad naman akong napapunas sa mga luha ko at napatayo pagkarinig ko sa mga sinabi niya.

"Really, daddy? You're allowing me to be with him even for the last time?" Hindi ko maiwasang matuwa dahil pumayag siya at mas lalo pa akong natuwa nang tumango siya.

"Yes. But tomorrow morning, gusto ko pagbalik ko dito sakay ng private helicopter natin ay nakaready ka na sa pagsama sa amin."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko pagkarinig ng sinabi niya.

"Y-yes, dad."

Pero bago sila pumunta sa bahay nila tatay Juan kung saan tumutuloy dati si Luke ay pinag-stay ko muna sila para makakain sila ng lunch bago umalis.

I sighed bago ko dampian ng halik sa noo si kuya. At saka ako lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si daddy doon na sumisimsim ng kape at mukhang malalim ang iniisip. Lumapit ako sa kinaroroonan niya.

"D-Dad," Lumingon siya sa akin. "P-Pwede ka po bang.." I sighed. "Pwede ka po bang m-makausap saglit?" At saka marahang tumango bago ilapag ang tasa sa mesa.

Umupo ako sa kaharap niyang upuan. "What is it?" Seryosong tanong niya kaya napababa ang paningin ko.

Humugot ako nang malalim na hininga para magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin 'to.

Pero bago 'yun..

"N-Nasaan po pala si Luke?" Napansin ko kasi na wala siya dito.

"Nasa bathroom, naliligo." Tipid niyang sagot. Napatango-tango naman ako.

Bumuntong hininga siya. "Anak, bakit?" Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya.

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"Why did you let this happened?" Napalunok ako sa seryosong tanong niya. At bakas sa boses niya ang pinipigilang galit. Kitang-kita ko ang pag-igting ng mga panga niya pero pinilit pa rin niyang maging mahinahon habang kausap ako. "Matalino ka, at ganon din ang kuya mo. Alam niyong mali ito, pero bakit niyo pa rin 'to hinahayaang mangyari?" Napayuko siya habang napapahilot sa magkabilang sentido gamit ang isang kamay at bakas sa mga mata niya ang pagkadismaya sa nangyayari.

"Kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi ko na sana pinayagang bumalik ang kuya mo galing sa New york." Puno ng pagsisisi ang tinig na sambit niya. "Now I know kung bakit gusto niya agad bumalik dito. And that is because of you. Sinabi niyang babalikan niya dito ang babaeng papakasalan niya." Napansin ko ang unti-unting pagkuyom ng kamao niya. "Akala ko pa naman, may girlfriend na rin sa wakas ang kuya mo. At naisip na rin na mag settle down. At ngayon, malalaman kong ikaw pala 'yun, ikaw pala na kapatid niya ang tinutukoy niya?!" Unti-unti na rin tumataas ang boses ni dad kaya hindi ko maiwasang kabahan sa nakikitang galit sa mga mata niya. Tila nandidiri siya na para bang hindi niya masikmura ang meron sa amin ni kuya.

Hindi ko magawang makapagsalita at tila natatameme ako sa mga sinasabi niya.

Hindi ko alam kung bakit pero tama si daddy. Alam ko sa umpisa pa lang na mali na ang nangyayari sa amin ni kuya. Pero nagpadaig pa rin ako sa emosyon ko. Oo. Sinabi ko kay kuya dati na mali ito, pero anong nangyari sa akin ngayon? Bakit ko hinayaang mahulog din ako sa kanya? At ngayon, hindi na ako makaahon mula sa pagkakahulog sa kanya.

Brother's Obsession [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon