[3] Bucket List

39 6 0
                                    

THE NIGHT WE SLEEP
by psychoticnovelist

CHAPTER 03: Bucket List

"HOW ABOUT introducing yourself first?" giit ko. Well, we were talking a lot but I didn't know his name yet. "I'm Kartini. Kartini Morisson, you are?"

"Euler Grendel." Inilahad niya ang kamay niya sa'kin na agad ko namang tinanggap.

Inulit-ulit ko ang pangalan niya sa utak ko. Euler. Euler Grendel. Hindi ko 'yon pwedeng makalimutan.

"First, we'll make our very own bucket list."

"Bucket list?" Kumunot ang noo ko.

Imbes na sumagot ay hinila niya ako at pinaupo sa gutter. Tumabi siya sa'kin at inilabas ang notebook mula sa dala niyang backpack. Above us was a street light, illuminating our seats.

He waved his hands in front of my face when he saw that I was just looking at him.

"Bucket list. Ito 'yong listahan ng mga bagay na dapat nating gawin bago tayo mamatay."

Kinilabutan ako bigla sa sinabi niya. I really felt uncomfortable talking about death. It should be a forbidden subject.

"Kartini, it's okay to talk about death. It's okay to be prepared before it knocks on your door. Never fear death," aniya na para bang nabasa ang nasa isip ko.

"Sorry. I just don't like talking about it."

Ngumiti ulit siya sa'kin at ibinalik ang tingin sa notebook niya.

"Lahat ng nasa bucket list natin ay dapat 'yong mga bagay na 'di pa natin nagagawa at hindi natin pwedeng gawin," masaya niyang saad.

Kumunot ulit ang noo ko. "Hindi nga pwedeng gawin, 'di ba?"

"And that's the thrill," aniya sabay ngisi. "We only have a short time left. As much as possible, gawin na natin lahat."

Binuksan ko ang backpack ko at kinuha ang notebook at ballpen mula roon. Isinabit ko rin ang digital camera sa leeg ko.

"Ano ba ang bagay na 'di mo pa nagagawa?"

Bigla naman akong napaisip sa tanong niya. "I-I haven't swam in the swimming pool for a long time."

"Isulat mo na."

Napahinto ako. Hinigpitan ko ang hawak sa ballpen at mariing tinitigan ang blankong notebook. Pa'no nga ba magsulat? Sinubukan kong igalaw ang kamay ko ngunit wala akong nagawa.

Euler looked at me worriedly. Inagaw niya sa'kin ang notebook at ballpen ko.

"Ako na nga lang magsusulat," aniya at tumawa.

Nang makapagsulat ay ibinalik niya ang tingin sa'kin. "Ano pa?"

Umiling ako. "Wala na 'ata."

"Ay shit!" I heard him cussed.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag ka ngang magmura!" singhal ko.

Nagulat naman siya sa sinabi ko. He even covered his mouth with his hand. "Seryoso? Hindi ka nagmumura?"

He looked at me as if I was the most unbelievable person. Pagak pa siyang natawa.

"Ano ba? Masama ang magmura." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Cussing isn't bad. It's a freedom of expression. If you're mad, just cuss. If you're disappointed, just cuss. It doesn't make you an evil. There's no point being holy since—"

"Mamatay na tayo," putol ko.

"Ganito nalang. Let's do the cussing game. Trust me, gagaan ang pakiramdam mo dito."

The Night We Sleep (COMPLETED)Where stories live. Discover now