Chapter 3. Devil's Game

Start from the beginning
                                    

"Pero ngayon, ayos na ang lahat! Nakapag-higanti na ako sakanya! Pero nang mapatay ko ang nanay mo, bumalik ako kay Wendy. Pero wala na! May mahal na siyang iba! Kaya ngayon, hindi pa ako tapos sa saaking paghihiganti. Pero 'wag kang mag-alala,dahil hindi naman kita papatayin!"

Nataranta naman si Yvonne, nang lumapit sakanya si Tiyo Lando. Hinawakan nito ang kanyang pisngi, at ang kanyang hita. Tila hinihimas iyon. Nawalan nalang siya ng ulirat nang suntukin nito ang kanyang puson.

Pero bago pa siya balutin ng dilim, nakita niyang naghuhubad na sakanyang harapan si Tiyo Lando...

---

"Why is she so tagal?" Maarteng reklamo ni Hillary. Kasama niya ngayon sa isang van sina Heather, at Trevor. Hinihintay nila si Jillian. Nasa tapat sila ng bahay ni Yvonne, pero medyo may kalayuan sila para hindi sila mahalata ng mga tao na dumadaan. Nakita na nila na pumasok na sa loob ng bahay si Yvonne.

"Maghintay ka." Matigas na sagot ni Heather sa kanyang kaibigan. Pero sa totoo lang, kahit si Heather ay nauubos na ang pasensya sa kakahintay kay Jillian. Mag-gagabi na rin, at syempre didilim na ang paligid.

"It's so scary here! Look, konti lang ang houses, wala pang katabi yang house ni Yvonne, and ang dami pang mga puno! Maybe there are ghosts here!" Maarte sigaw ni Hillary, habang tumitili.

Hindi na rin napigilan ni Trevor ang sarili niya, at pinalo ang manibela na nasa harapan nito.

"Will you shut up?! Ang ingay mo!" Bulyaw nito sa nagrereklamong kaibigan.

Maya't maya, may nakita silang isang lalaking may dalang bag na huminto sa may pintuan ng bahay ni Yvonne.

"The who?" Taas kilay na tanong ni Heather. Tutok na tutok sila pagtingin kung sino iyon. Nakita nila na binuksan ni Yvonne ang pinto, at maya't maya pumasok na ang dalawa.

"O. M. G. Maybe he is Yvonne's customer?! You know, monkey business." Sabi ni Hillary, habang nakangiti at tinataas baba ang kanyang kilay.

Napangiti naman si Heather sa sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi siya sigurado sa sinabi ni Hillary, pero paano kaya kung totoo ito? Sigurado isa naman itong scandal na kakalat sa university nila.

"Jillian's here." Mas lalong lumapad ang ngiti ni Heather, nang marinig niya ang sinabi ni Trevor.

Nakita nila na bumaba ito sa kotse ng pamilyang Lopez, at pumasok na sa van nila.

"Sorry, I'm late. Si Daddy kasi. Ayaw ako palabasin ng bahay, you know, protective much." Sabi nito, at itinirik ang kanyang mga mata.

"So, are we ready?" Ngumiti pa ito sakanila. Nakita naman ni Jillian na nagdadalawang-isip ang kanyang barkada.

"Oh, I forgot. Tatakutin pala natin si Yvonne, para mawala yung punishment natin. Simple as that." Paliwanag nito.

Deadly SinsWhere stories live. Discover now