True Love

323 21 9
                                    

Just tell me you love me. If you don't then lie. Lie to me...

 

 

-------

"First is exposure,"

Nakaharap siya sa akin habang nagsasalita. Ito 'yung laging napupuna ng mga kaklase namin tuwing nagre-report siya sa harap ng klase o kaya nagku-kwento. Para kasi siyang nagbu-beautiful eyes habang nagsasalita. I find it cute, though. Minsan makikita ko na lang ang sarili kong nakangiti habang pinapanuod siya. May habit din siya na kinakamot niya yung gilid ng ilong niya tuwing kinakabahan. Sa loob ng tatlong magkaklase kami, halos kabisado ko na ang lahat sa kanya.

She also has a little faith on herself. NBSB kasi siya, at wala ring nanliligaw sa kanya. Kaya madalas mababa ang tingin nya sa sarili niya. She often feel that she's ugly and unloveable.

Last year din, she failed our Microbiology class. Dinamdam nya iyon ng husto. I witnessed it, 'yong sembreak na hindi talaga siya nagpakita. The next semester, nagulat kami na sobrang iksi na ng buhok niya. That's her - Mariz.

I crossed my arm and leaned on my chair. Kasalukuyan kaming nasa ice cream parlor na hilig naming tambayan during vacant hours. Madalas kaming mag-review doon lalo na kapag midterms and finals.

"Then, we have that latency period before Biological onset."

Tumango ako.

"Next is Clinical onset, then permanent damage that leads to disability or death."

She shrugged and closed her notebook na nasa ibabaw ng table. "Bakit namamatay ang tao? Bakit nasasaktan? We are exposed to things that polute us. We let those tiny organisms damage our inner organs, eat us, consumed us, sa huli papatayin nila tayo."

"You let them. You let them define you. Para kang wikipedia na hinahayaan mong i-edit nang ibang tao ang kahulugan mo. You let the disease define you, when in fact, you can find a better cure."

Hindi siya nagsalita. Hindi siya sumagot.

Biglang umulan. Umulan ng sobrang lakas sa labas.

Next sem would be our Internship. Unfortunately, hindi pa siya makakapag internship. Minsan ang hirap din kapag ikaw lang 'yung masaya. Yes, I'm happy that this march, I'll be walking on the stage to get my diploma - the pillar of my agony. Pero siya, hindi pa.

SHUFFLEWhere stories live. Discover now