Sort Of

357 20 11
                                    

Tell me what to do, to take away the you..

 

----

 

Paano ba mag-move on mula sa isang tao?

Kung tutuusin nga, parang wala yata akong karapatang mag move on mula sa kanya. In the first place, minahal ko siya – hindi niya ‘yun hiningi sa akin. Hindi niya sinabing umasa ako.

“Gelay!” Pinagmasdan ko siya habang papalapit sa akin sa tea house kung saan naming napagpasiyahang magkita.

Routine.

Siguro para sa kanya, routine na ‘to. Tuwing Biyernes ng hapon magkikita kami dito at magku-kwentuhan. Simula kasi ng grumaduate kami sa college, bihira na kaming magkita at magkausap. Nagtatrabaho siya sa isang IT company, habang ako naman Stenographer sa korte.

Naupo siya sa katapat kong upuan. Paborito naming ‘yung pwesto sa may bandang sulok ng shop. Malapit kasi sa may salamin na dingding. Ngumiti siya sa akin. Lumabas ‘yung malalim na biloy sa tigkabilang pisngi niya, at ang mapuputi niyang ngipin. Medyo magulo ‘yung buhok niya at simple lang ang porma niya.

Hindi naman kasi siya vain na tao. Kahit anong damit naman kasi dala niya. Kahit na simple lang siya pumorma – jeans at T-shirt, lumilitaw pa rin ang kagwapuhan niya. Nung minsan nga na dinala ko siya sa bahay, tuwang tuwa sa kanya sila Mama at ang mga kapatid ko. Charming kasi siya.

“Boyfriend mo ba iyon, anak?” Tanong ni Mama. Sinabi kong hindi. Hindi naman kasi talaga. Kahit nga manliligaw hindi rin.

May mga tao kasing alam mo sa sarili mo na kapag nanligaw sila sa’yo, alam mong sasagutin mo sila ng walang pag-a-agam-agam. Ironically, sila naman ‘yung taong alam mong imposibleng ligawan ka.

Ganun si Kier sa buhay ko. Matagal na. Simula pa noong college.

Hindi kami mag-bestfriend. Oo, barkada kami. Likas na mabait lang kasi talagang ito si Kier. Siya ‘yung tipong, kung freshman ka at nakita mo siya, pihadong magiging crush mo siya. Matalino, walang nakakaaway, hindi namimili ng kaibigan.

What you see, is what you get.

Mabuti siyang tao. Kaya nga nung dinala ko siya sa bahay kahit hindi ko naman siya Boyfriend, botong boto na sa kanya ang Nanay at Tatay ko.

“So, how’s work?” Ibinaba’t taas niya ang kilay niya.

SHUFFLEWhere stories live. Discover now