Stop, Think

425 25 8
                                    

Here we go again, falling in love again...

-------

"Anak ng Teletubbies! Pinagpalit ka niya sa mukhang pwet ng kalabaw?"

"That's mean!" Kunot-noo kong pagtutuwid. Hindi ko na napigilang mapatawa. Ang lakas lakas kasi ng boses niya. Ang ganda gandang babae, napaka-bargas ng bibig.

"Dude, masyado kang mabait! Alam mo 'yun? 'Di hamak naman na mas gwapo ka dun? Hello? Captain America na, pinagpalit pa kay King Kong? What the eff!" Sabay subo ng nachos na nilapag ko sa harap niya. Alas diyes pa lang ng umaga, dumaan na siya dito sa bar ko. Around four kasi ang bukas ng resto-bar ko, kaya siya ang una kong costumer.

"Club soda?" tanong ko sa kanya. Tumango lang ito. I mixed her drinks, maswerte talaga ang babaeng ito at ang may-ari pa ng bar ang nagse-serve sa kanya.

"So, that means," Idinanatay ko ang mga braso ko sa bar counter para humarap sa kanya, naka-upo naman siya sa stool sa harapan ko. "I look like Chris Evans?"

Pinagmasdan niya ako na para bang kinakabisado ang bawat detalye sa mukha ko. She shrugged bago muling bumaling sa basket of nachos niya. "Depende, kapag libre 'to, sige, kamukha mo na si Chris Evans."

Umiling na lang ako habang natatawa.

"So, tell me. How's Eric?" I changed the topic, siya naman ang tinanong ko.

She rubbed the tip of her nose, tinapos niya munang nguyain iyong nasa bibig niya bago magsalita. "They got married."

"No way!"

"Yes way, expressway!"

"Kailan?"

"Two weeks ago. A common friend told me. " Nilaro niya iyong mga nachos sa basket na may tissue paper.

"Umiyak ka?"

"Sira ulo!" Napapalatak siya. Pinunasan niya ng tissue iyong mga daliri niya bago itinuro niya sa dibdib niya 'yung hintuturo niya. "Ako? Iiyak?"

"Maniwala ako sa'yo." Pang-aasar ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako pero maya-maya naman ay pareho na kaming tumatawa. It took us few minutes bago unti-unti kaming tumahimik. Walang nagsalita.

---

I met Sunshine, one rainy day. Tama, umuulan nung makilala ko siya. Umaga pa lang noon, parang ganito, nagulat na lang ako ng may babaeng biglang pumasok sa bar ko. Obviously, sarado pa kami, pero tuwing umaga, madalas akong nandoon, hands on kasi ako 'pag dating sa menu ng bar. I always make sure na maayos ang preparation ng mga trabahador.

"Give me the hardest alcohol you've got here. Magbabayad ako kahit magkano," Naupo siya sa bar stool and placed her pouch on the counter. Seryoso siya. Halata sa mukha niyang seryoso siya.

SHUFFLEWhere stories live. Discover now