"Problem?"

Napakurap ito. "H-ha?" tila wala sa sariling sambit nito.

"Why are you staring at me?" Nagtatakang wika niya.

Kumurap ulit ito pero maya-maya'y sumilay ang mga ngiti sa mga labi. "Tinatanong pa ba iyan?"

Lalo siyang napakunot-noo. "Is there something wrong with my face?"

Hindi ito sumagot pero ilang saglit pa ay ngumiti ito mag-isa at saka napa-iling iling. "Nevermind. Ano nang nangyari sa dasal mo?"

"I guess, busy pa si Lord. Hindi niya ko agad ma-a-accommodate."

"Kapag tinawag mo Siya, He'll never be too busy to listen to you."

"Eh bakit ang araw pa ri—" Natigilan si Sapphire at biglang napatingala nang lumilim at nawala ang mataas na sikat ng araw. Hindi naman maitim ang ulap kaya hindi naman mukhang uulan.

"Sabi sa'yo, eh. Nakikinig si Lord."

Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Johann. Pagkuwa'y napatili sa saya! "Guys and girls! Wala na'ng sun! We can swim na!"

Napatayo si Haley at napatingala. "Oh! Wala na nga! Come on, girls! Let's take a deep!"

Ibinaba ng mga ito ang kanya kanyang cellphones at saka nagtakbuhan sa dagat. Walang pag-aalinlangan na hinubad ng mga ito ang suot na cover ups. Bumalandra ang magagandang katawan ng mga pinsan niya na naka-two piece swimsuit lahat. Masayang lumusong ang mga ito sa tubig.

Napasipol si Johann. "Ikaw ba, Misis, eh, naka-two piece din? Aba eh, hubad na!" Tiniklop na nito ang payong.

Inirapan niya lang ito.

Naka-two piece din nga siya pero parang bigla siyang nahiya na hubarin ang cover up niya dahil rito. Ewan niya ba. Maganda rin naman ang katawan niya. Pero mas magaganda ang katawan ng mga pinsan niya.

Pare-parehas lang naman silang magpipinsan ng wellness at training program na kinukuha. Kaya nga nagtataka siya kung bakit mas maganda ang katawan ng mga ito. Pati ang mga balat ay kakaiba ang glow.

"Sus! Nahiya ka pa sa'kin. Sige na, mag-swimming ka na. Pinagdasal mo iyan, o!"

"Bakit ba minamadali mo 'ko? Gusto mo lang ata makitang naka-two piece ako, eh!"

He chuckled. "Medyo."

Nakatikim ito ng hampas sa kanya.

"Eh, ano namang masamang makita na naka-two piece ka? Asawa mo naman ako. Kaibigan pa! Walang malisya, p're! Sige na, mag-swimming ka na. Enjoy na enjoy na mga pinsan mo, o. Join the fun."

Tinulak pa siya nito papunta sa dagat.

Sa huli, tinanggal niya na lang rin ang cover up at inalis na lang ang hiya. Bakit nga naman siya mahihiya rito?

Pagkatapos niya maghuhad ay napatunganga ito sa kanya.

Malakas siyang natawa. "Speechless?" tukso niya rito. Nilagay niya pa ang mga kamay sa magkabilang baywang.

"Ooh-la-la."

Napangisi lang siya at saka binato sa mukha nito ang cover up na hinubad. Pagkuway tumakbo na siya sa dagat at nakisali sa mga pinsan niya.

She felt so happy. God is indeed listening. In her mind, she thanked Him for letting the sun go. Hindi niya alam kung paanong nangyaring nawala ang katirikan ng araw. Basta nakakapagtampisaw siya ngayon.

"Nakakainggit naman sila. Let's have a swim, too!" aya ni Charlie sa mga pinsan nito. Tumakbo ito palapit sa shore at saka naghubad ng sando.

Lo and behold, ang makulit na si Charlie ay may tinatago pa lang abs! Hindi ito nahuhuli sa mga nakikita niyang male models sa isang fashion magazine.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now