40 | The Present

5K 75 5
                                    

THE BILLIONAIRE'S LOVERChapter 40

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE BILLIONAIRE'S LOVER
Chapter 40

Huminga ng malalim si Blaire at ilolock na niya sana ang kanyang pintuaan ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Muntik na sana siyang sumigaw ng bigla naman nitong takpan ang bibig nito.

"Miss me darling?" Lumaki at namilog ang mga mata nito ng makita ang isang taong hindi niya inaasahan.

Tila napako naman ito sa kanyang kinatatayuan at na-estatwa habang nakatitig sa gwapo nitong mukha. Tinitigan lang din ito ng binata bago ibinaba ang tingin sabay binalik sa mukha nito.

Mas lalong nagdilim ang paningin nito ng makita ang simpleng ayos ng babae na tila ba may lakad itong pupuntahan. "Open the door because we need to talk." May diin at puno ng awtoridad nitong pahayag.

Gusto man ni Blaire na sipain ito at tawagin ang pulis ngunit wala siyang oras upang makipagbangayan at mabaliktad ng mga ito kung kaya't wala siyang nagawa at sundin na lamang ang utos nito.

Kung tutuusin pwede niyang palayasin si James at kasuhan ng trespassing ngunit sino nga ba ang maniniwala sa kanya?

Nang makarating sila sa luob ay nagpumiglas si Blaire at mabilis na lumayo kay James. "Anong kailangan mo at bakit ka nagpakita sa akin?"

Hindi naman nagustuhan ni James ang tono ng pananalita nito kung kaya't kumulubot ang makapal nitong kilay at tumaas ng kaunti ang sulok ng bibig nito. "Baka nakakalimutan mong may utang ka pang dapat bayaran?"

Patagong ikinuyom ni Blaire ang kanyang kamao at inalis ang tingin sa binata. "Paano ko makakalimutan kung maya't maya mong ipinaalala?" Mapait nitong sabi.

Dahil hindi nakatingin si Blaire ay hindi niya napansin ang biglang paglapit at paglambot ng mukha ni James. "Saan ka nanggaling, bakit ka nawala?"

But Blaire took it the wrong way. Buong akala niya'y pinagagalitan siya nito, she overlooked the fact that James might actually be worried pero dahil sa dami daming problema at pagod na kanyang nararamdaman ay hindi na niya maintindihan kung ano ba ang dapat niyang gawin. She looked at her watch and checked the time.

Kailangan na niyang umalis.

Imbes na sagutin ay nilampasan na lang siya nito. "The spare keys are near the doorway. I-lock mo na lang, may kailangan pa kong puntahan."

'Kailangan pa kong puntahan.'
'Kailangan pa kong puntahan.'
'Kailangan pa kong puntahan.'

Paulit-ulit itong umikot sa isipan ni James at tila hindi siya natuwa sa kanyang narinig. "Sino pupuntahan mo, si Richmond?"

Bahagya namang napatigil si Blaire pero hindi ito sumagot at inabot na lang ang bag na nakasabit malapit sa pintuan.

Inis na imabot ni James ang kanyang braso at mabilis na hinila ito papalapit sa kanya. "What does Rich have that I don't?! Why can't you tell me where you've been. I've been worried sick?!"

The Billionaire's Lover | Taglish | Daily UpdatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon