36 | The Present

6.4K 105 28
                                    

THE BILLIONAIRE'S LOVERChapter 36

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE BILLIONAIRE'S LOVER
Chapter 36

Kadiliman.

Yuon ang unang nakita ni Blaire mula ng imulat niya ang kanyang mga mata. Tila nakaramdam siya ng matinding kaba at takot.

Mas nadagdagan naman ito ng marinig niya ang malakas na pagbukas ng bagay na hula niya'y pintuan.

"Oh mukhang gising na ata ang pinsesa." Rinig nitong pahayag.

Agad naman niyang pinakiramdaman ang bawat hakbang nito at sinuri ang susunod nitong galaw.

Tila napaupo naman siya ng ayos ng maramdaman itong lumakad papalapit sa kanya.

Bigla na lang siyang nakaramdam ng sakit mula sa anit dahil sa paghiklat nito. "Kapag kinakausap ka, matuto kang sumagot!"

"Ano hindi ka iimik?!" Mas hinigpitan nito ang pagkakahawak.

"A-ano bang kailangan mo sa akin?!" Hiyaw nito.

Bigla na lamang siyang napapikit ng maramdaman ang pagtulak sa kanyag mukha. Tila nakaramdam siya ng kaunting hilo kung kaya't napakagat ito ng labi.

"Ako wala pero siya meron!" Panindak nito sabay tawa ng malademonyo.

Naalerto naman si Blaire ng marinig ulit nito ang pagbukas ng pintuan at ang tunog ng stilettos na papalakas ng papalakas na tila papalit sa kanya.

Nawala ang tunog ng stilettos kung kaya't naging hudyat ito na wari niya'y tumigil sa harapan niya.

"S-sino ka!"

Hindi ito sumagot ngunit naramdaman naman niya ang malalaimig nitong kamay na tila ipinatong sa kanyang pinsgi.

Gumusot ang kilay nito sa pagkalito.

Ngunit habang tumatagal ay bigla na lamang namilog ang kanyang mga mata sapagkat hindi siya magkakamali dahil ang paghawak nito ay tila pamilyar sa kanya— na para bang nangyari na ito noon.

Ang tila mahinhin na pagkahimas sa kanyang pisngi ay napalitan ng gigil at kamuhian dahil sa bigla nitong pagpisil gamit ang kuko.

"A-aray!" Mahina nitong daing.

Wala itong naging sagot kundi mahinang himig na tawa.

Tila parang nabuhusan naman siya ng malamig na tubig ng marinig ang tawa nito.

Mahina man ay alam niya kung kanino ito nanggaling. At nasisigurado niyang nagmula ito sa iisa lamang tao.

"Doña M-monteverde." Mahina nitong usal.

"Right you are dear." Ngisi nito bago hiniklat ang piring sa mga mata ni Blaire.

Napapikit naman agad si Blaire sanhi ng pagkataklob ng kanyang mga mata ng matagal. Kung kaya't kinakailangan pa nitong mag-adjust ng ilang segundo bago maimulat nito ng maayos.

Ngunit mas hihilingin na lang niya na sanay hindi na lang niya iminulat ang kanyang mga mata marahil ay mas sinaniban siya ng takot ng makita ng harap harapan ang doña.

Tila naging mabait ang tadhana sa Doña dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay makikita pa rin kung gaano ito kaganda at regal na para bang isang reyna mula sa malayong kaharian.

Ngunit bagkus ng kagandahan nito ay siya namang sobrang itim ng puso nito.

"Miss me Blaire? Tagal na nating hindi nagkita hija!" Pambungad agad nito sa babae na tila may ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi.

"Anong kailangan mo sa akin!"

"Dios mio! Wala ka man lang pagbati sa akin? Tsk tsk, asan ba ang iyong tamang etiquette?  Nag-graduate ka pa naman sa isang magandang kilalang unibersidad. 'Yan ba ang natutunan mo duon?"

Tila nakakita naman ng pula si Blaire ng banggitin nito ang unibersidad. Para itong nang-aasar sapagkat ng dahil sa Doña ay nahirapan itong maghanap ng trabaho dahil sa kanyang mga connection.

"Hindi na kailangan, para pa saan diba Doña? Bakit hindi mo na lang sabihin kung ano ang kailangan mo sa akin ng matapos na tayo!"

Nawala naman ang ngiti nito sa labi.

"Wala naman akong kailangan saiyo, ngunit ikaw ata ang may kailangan sa akin, sa amin!"

Blaire scrunched her eyebrows in confusion. "Ano?"

"O' 'wag ka na mag-maang maangan pa! Hindi ba't sinadya mong magpakita sa aking apo upang paikutin nanaman ito at nakawan ng pera!? Hindi ka pa ba kunteto sa binigay ko saiyo nuon! Walanghiya ka talagang babae ka!"

"Ni isang sentimo ay wala akong kinuha sainyo!"

"Hanggang ngayon ipagpipilitan mo pa din?! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Hindi ko maintindihan kung bakit naging bulag ang apo ko saiyo eh isa ka lang naman hamak na gold-digger! Tapos gusto mo panb gamitin 'yang anak mo para makahabol sa mana! Kung tutuusin wala ka namang mahahabol pa dahil ikakasal na si James!"

"Hanggang ngayon ipagpipilitan mo pa din?! Ang kapal talaga ng pagmumukha mo! Hindi ko maintindihan kung bakit naging bulag ang apo ko saiyo eh isa ka lang naman hamak na gold-digger! Tapos gusto mo panb gamitin 'yang anak mo para makahabol sa man...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A/N: Pasensya na po sa matagal na-update! Sana po ay patuloy niyong suportahan ang kwento nila, marahil nagsisimula pa lang ang gulo. Abangan!

The Billionaire's Lover | Taglish | Daily UpdatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon