Nasanay ka na gigising ka sa umaga para makita ang Exo.
Nasanay kang tinatawag ng Exo ang pangalan mo.
Nasanay kang sinasama ka ng Exo kahit saan sila magpunta.
Nasanay kang kasama lagi ang Exo.
Nasanay kang nandyan ang Exo.
Nasanay kang pinapangiti ka ng Exo.
Nasanay kang hindi mawawala ang Exo sa buhay mo.
Ngunit nakalimutan mo ring sanayin ang sarili mo sa isang araw para sa pag-alis ng Exo.
Ang pagbalik ng Exo sa tunay nilang mundo.
Ang tuluyang ka ng iwanan ng Exo.
Malupit ang mundo, alam mo yan dahil minsan ka ng naiwanan. Alam mo ang pakiramdam ng maiwanan ngunit hindi mo inakala na sa kaligayahan naramdaman mo habang kasama sila ang lahat pala ay panadalian lang..
Ikaw si Ryui Shin ang bida sa kwentong 'to.
At ang Exo na pantasya ng lahat, pinapangarap, inaasam, bukambibig at gustong makasama ng milyong-milyong babae sa mundo ay makakasama mo. Hindi ba't maswerte ka ng kung tutuusin?
Ikaw si Ryui Shin, simpleng babae at naghahanap lamang ng tunay na kasiyahan sa piling ng bagong kaibigan ngunit anong resulta kaya sa buhay ng Exo at buhay mo ang kahahantungan ng kasiyahang for only 2 months lang?
--
Xoxo.
