Mukhang hinihintay ng lahat ang pagbukas ng pintuan upang magsimula ang pagsusulit para sa aming mga gustong magsimula bilang isang adventurer. Gaya ng dati ay may nakita na naman akong dalawang gwardiya sa malaking pintuan ng Kingdom Hall na nakasuot ng nagniningning sa ganda na gintong balute.

Nanatili muna akong nakatayo sa isang tabi at napatingin sa aking gilid ng maramdaman kong para bang may ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin at ng mapatingin ako sa gawing iyon ay tama nga ako dahil nakita kong may grupo na mayroong dalawang babae at tatlong kalalakihan ang nakatingin sa akin ngunit kaagad ding umiwas ng tingin ang mga ito ng dumako ako ng tingin sa kanila.

Halos mataranta ang mga ito ng mapatingin ako, mukhang hindi nila inaasahan na dadako ako ng tingin sa kanila. Mukhang kanina pa nila ako tinitingnan dahil napansin ko na parang ako ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagkibit balikat lamang ako at nakuntento na lamang sa paghintay sa kinatatayuan ko, matagal naman na akong sanay na nag-iisa, si Kylie nga iniwan ak-— haysss.

Napailing tuloy ako ng bahagya sa naiisip ko at natawa na rin, nakakatawa kasi na kahit nasa ibang mundo na ako na sa katunayan nga ay hindi ko naman talaga ineexpect pero heto nakatayo ako ngayon at buhay na buhay ay si Kylie pa din ang iniisip ko. Oo masaya ako na nabuhay akong muli pero sa kabila ng lahat ng yun ay naririto pa rin ang kirot at sakit sa puso ko. Masakit kasing isipin na hindi na ako mabubuhay pang muli sa totoong mundong pinagmulan ko. Wala na si Mama at Papa na papagalitan ako pero lalambingin din pagkatapos, wala na rin ang kapatid ko na sobrang kulit at lambing at wala na rin si Kylie—

Si Kylie na sinaktan ako.

Si Kylie na iniwan ako.





"Pero mahal na mahal mo" sabi ng puso ko


Sa kabila ng mapait na nangyari sa akin ay inaamin ko na mahal na mahal ko pa rin siya, hindi naman kasi madaling makalimot at maka move on hindi ba? pero nangyari na ang nangyari kaya walang dapat na sisihin. Mukhang hindi naman kasi talaga kami ang itinadhana, baka lesson siya sa akin na dapat ay magtira din ako sa sarili ko hindi yung ibibigay ko lahat ng pagmamahal ko ng buong buo pero kahit na ganun nagpapasalamat pa rin ako na nakilala ko siya kasi I somehow felt how to love and how to be loved. Sapat na sa akin ang mga masasayang panahon na pinagsaluhan namin.



Hayss tama na ang drama, hindi ito ang tamang oras para magdrama ako, kailangan ko pang makapasa sa pagsusulit para maging isang tunay na adventurer na ako at makakuha ng sarili kong lesensiya sa pagiging isang adventurer.

Napatingin kaagad ako sa malaking pintuan ng Kingdom Hall ng maririnig at mapansin ko iyong bumukas. Bumungad kaagad sa amin ang pigura ng isang lalaki. Malinis ang itsura nito at kapansin pansin na galing ito sa isang prominenteng pamilya. Nakasuot din ito ng salamin sa mata na mas lalong nagpa-istrikto sa itsura nito na bumagay din naman sa kaniya.



Mabilis pa sa alas kwatro ang mga kabataang gaya ko ang nagtipon sa harap nito. Hindi lang pala ako ang excited masiyado.

"Lahat ng mga gustong kumuha ng pagsusulit ay magtipon, gusto ko na pagpasok niyo sa loob ay maging seryoso kayo dahil hindi lang basta bastang pagsusulit ang kukunin ninyo. Maliwanag ba?" Tanong nito gamit ang malakas na boses upang marinig ng ibang mga nasa likod ang sinasabi nito

"Sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako si Ginoong Caro, isa sa mga konseho at ating kaharian. Naatasan akong mangasiwa sa mangayayari ngayong pagsusulit kasama si Binibining Yuna kaya nais kong maging handa ang lahat, ayaw naman siguro ninyong bumagsak sa pagsusulit tama ba?" Napatango naman kaagad kami

Nakita ko ang papalapit na pigura ng isang babae. Kilala ko ito si Binibining Yuna. Nagkita na kami ng nakaraan at gaya ng dati ay wala itong pinagbago, hinarap kami nito ng may matamis na ngiti sa mga labi.

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon