Regret 7

8.4K 340 46
                                    

ROSABELLA

HABANG nasa biyahe hindi ko maiwasang isipin si Leonardo. Ano kayang magiging reaksyon niya kung sakaling malaman niyang wala na ako? Hahanapin niya kaya ako o dedma lang siya?

Asa ka pa Rosabella na hahanapin ka ng lalaking iyon. Napatunayan mo naman ng pinapili mo siya. Hindi ka niya kayang piliin mas mahalaga ang nobya niya kasya sa iyo.

Bakit ba ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa taong hindi naman kayang suklian ang pagmamahal ko. Napatingin ako sa dinadaanan ng bus na sinakyan ko. Sa may terminal na kami magkikita ni Delfin. Gusto niya sana akong sunduin sa Manila tinanggihan ko lang. Nakakahiya naman, siya na nga itong tumulong sa paghahanap ng trabaho pati ba naman pagpunta doon siya pa rin ang gagawa? Kalabisan na yata iyon.

Umidlip muna ako sa biyahe. Mahaba-habang ang tatahakin nitong bus papuntang Batangas. Napayakap ako sa bag ko. Napapikit ako ng mata.

Nagising ako nang mag-anunsyo ang konduktor nasa terminal na kami. Inayos ko muna ang sarili bago bumaba ng bus.

Hinanap ng mga mata ko si Delfin nang makababa ako ng bus. Napangiti ako ng makita ko siya nakatayo sa may gilid at tila ba naiinip na. Napansin kong ang mga babae sa kanya nakatingin. Sino naman hindi mapapasulyap sa kanya? Guwapo si Delfin at talagang mapapalingon ka. Hindi ko nga maintindihan kung bakit iniwanan siya ng girlfriend niya. Bukod sa guwapo mabait pa si Delfin.

"Delfin!" tawag ko sa kanya. Napalingon ito sa akin. Nang makalapit ako kinuha niya kaagad ang  dala kong bag. 

"Welcome to Batangas. Ayaw mo naman kasing sunduin kita doon sa Manila. Sana hindi ka na nahirapan sa biyahe. Baka naman makasama sa baby mo?" napangiti ako. 

Sinabi ko sa kanya ang kalagayan ko kay Delfin at alam niya din na ang ama ng anak ko ay ang kaibigan niya. Naiintindihan naman ni Delfin ang desisyon kong hindi ipaalam kay Leonardo ang sitwasyon ko dahil nirerespeto niya ang desisyon ko.

"Ano ka ba, ayos lang kami. Ang sarap nga ng tulog ko sa bus. Salamat dahil kahit kaibigan mo si Leonardo hindi mo sinabi ang kalagayan ko." sabi ko.

"Maasahan mo ako hindi ako makikialam kung ano man ang problema niyong dalawa kahit kaibigan ko pa siya. Basta nandito lang ako handang tumulong sa iyo." napayakap ako kay Delfin.

"Shall we, babe?" napanguso ako sa tawag niya sa akin. Hinampas ko siya sa braso nito.

"Babe, ka diyan. Baka mapagkamalan pa tayong magsyota. Ikaw talaga!" natatawa lang sa akin si Delfin.

Kalahating oras din ang biniyahe namin. Grabe ang lawak naman ng lupain ng pinsan niya. Akala ko ito na ang bahay dahil pumasok na kami sa gate. Ang layo ng driveway nila.

"Mayaman pala ang pinsan mo. Aba, parang hasyenda na ito, ah?" sabi ko habang pasilip silip ako sa bintana ng sasakyan ni Delfin.

"Mayaman kasi ang napangasawa ng pinsan ko. Dati sa Canada sila kaso hindi nakatagal ang pinsan ko doon. Dahil malamig at malayo sa mga kaibigan nito. Kaya nagpasya na dito na lang sila manirahan. Dito sila sa Batangas nagpasyang magtayo ng bahay nila. Ako ang kinuha nilang Architect para gawin ang dream house ng pinsan kong si Ashley." mahaba nitong kuwento. Napakaswerte naman ng pinsan niya dahil nakatagpo ito ng lalaking mamahalin siya ng tapat. Hindi katulad ko ako lang nagmamahal.

"Iniisip mo pa rin ba siya?" tanong nito habang papunta na kami sa mismong bahay ng pinsan niya.

"Hindi ko maiwasang isipin siya, kahit gusto ko ng huwag siyang isipin. Pero kailangan kong gawin ito para sa ikatatahimik naming dalawa. Alam mo naman patay na patay iyon sa nobya niyang malnourished." Natawa ako sa biro ko. Ganoon yata, love is blind. Natawa din si Delfin sa sinabi ko.

Regret (Broken Series 1)Under EditingWhere stories live. Discover now