Regret 5

7.8K 285 38
                                    

ROSABELLA

PAGKAGISING walang Leonardo akong naabutan sa tabi ko. Ibig sabihin umalis siya. Malamang doon sa nobya niya ito natulog. Ano pa ang silbi ko dito? at dito pa ako pinatulog ng lalaking iyon. Napabuntonghininga ako. Pumunta ako ng kusina para magluto ng kakainin ko. Kailangan kong kumain ng umagahan at inumin ang gatas. Pinagbawalan na akong magkape ng OB Gyne ko. Masama daw sa baby ang kape. 

Umilaw ang phone ko. Tumatawag si Leonardo. Hindi ko sinagot dahil ma-stress na naman ako. Umagang-umaga. Bahala siya sa buhay niya. Pagtuunan ko muna ang anak ko kaysa sa kanya-walang puso. Ring nang ring ang phone ko. Hinayaan ko lang. Hindi ko alam kung ilang beses na itong tumawag. 

Pagkapasok ng opisina nakita ko si Leonardo nakaupo sa swivel chair ko. Kunot na kunot ang noo nitong nakatingin sa isang papel na hawak nito. Bigla akong kinabahan dahil parang alam ko na kung anong hawak niya.

Ang tanga ko talaga bakit ba kasi doon ko pa iniwan sa table ko ang resignation letter. Balak ko sanang mag-resign kapag  nasa Italy na siya. Alam kong hindi niya ako papayagan kapag narito pa siya sa bansa. Pero ako ang masusunod dito. Ayoko na.

"What is this?!" tanong nito sa akin nang mapansin niyang nasa tapat na ako ng table ko. 

"Siyempre papel," sabi ko na parang nagpapatawa ako. Ngunit hindi bumenta ang biro ko dahil mas lalong nagdilim ang guwapo nitong mukha. 

"Rosa, I'm not here for a joke! I am asking you what is the meaning of this resignation letter?" napabuntong-hininga ako ng marahas. Nakakaubos na siya ng pasensya.

"I want to get out of here and go somewhere and be happy and have a peaceful life," mahinahon na sabi ko. Tinitigan niya ako na parang ang sama kong tao. Nanlaki ang mga mata ko nang punitin niya sa harapan ko ang papel. Inagaw ko sa kanya iyon.

"Bakit mo pinunit?! Pinaghirapan kong gawin iyan tapos pupunitin mo lang?! Wala na ba akong karapatang umalis dito?!" sigaw ko sa kanya. Napahawak ako sa puson ko nang makaramdam ng kaunting pagkirot. Napatayo si Leonardo at hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko. 

"Hindi ka aalis dito! Walang magre-resign! Tapos ang usapan!" sabi nito at saka niya ako tinalikuran. Kumuyom ang kamao ko. 

"Hindi mo ako mapipigilan Mr. Romano kung gusto kong mag-resign. This is my life, not yours! Wala kang karapatang magdesisyon sa buhay ko. Buhay ko ito!" binagsak ko ang palad ko sa lamesa ko. Naglikha iyon ng ingay. Napalingon sa akin si Leonardo. Matagal niya akong tinitigan. 

"My answer is still a no!" pumasok na ito sa opisina nito. Naupo ako sa swivel chair. Napaka-unfair niya. Gusto niya akong sinasaktan. Ayoko itong pakiramdam na ganito, halos durugin ang puso ko sa sobrang sakit. Napakagat labi na lang ako nang magsimulang magsibasakan ang mga luha ko. 

Napahawak ako sa puson ko nang kumirot iyon. Diyos ko huwag naman sanang may mangyaring masama sa anak ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko para mawala ang kirot. Kinuha ko ang baon kong tubig. Tinungga ko iyon at nakaramdam ako ng kaginhawaan.

*****

TUMAYO ako upang bumaba, bibili ako ng tanghalian ko. Hindi ko pa nakita si Leonardo na lumabas ng kanyang opisina. Bahala siyang magmukmok doon. Hindi ko siya hinatiran ng kape kanina sa sobrang inis ko sa kanya.

Inayos ko muna ang mga gamit ko sa lamesa. Nagulat na lang ako may biglang naglapag ng paper bag sa table ko. Napatungala ako sa taong nasa harapan ko. Napataas ako ng kilay.

"Huwag ka ng bumaba, nagpa-deliver na ako ng pagkain mo," sabi nito. Hindi na masama ang mukha nito. Siguro nagkausap na sila ng nobya nito kaya maganda na ang mood.

Regret (Broken Series 1)Under EditingWhere stories live. Discover now