Chapter 5: Dark and Light

Magsimula sa umpisa
                                    

.

"Yes sir." tipid kong sagot.

.

Inalalayan ko na si Marco na tumayo. But before we got out sa training room tumingin ulit ako kina Ariela at Jett. "See you later!" sabi ko at inirapan ko sila. Humanda kayo mamaya..!.

.

"Kaya ko nang maglakad. Thank you sa effort." Marco said in a serious voice.

"Ok, sabi mo eh. Pero pag di mo kinaya along the way wag kang hihingi ng tulong!" I said in a calm tone.

.

Kahit pa naiinis ako dito sa kumag na ito, I still care for him. Siya lang naman kasi ang maituturing kong kaibigan simula pagkabata. Sabay kaming lumaki at nag-aral sa parehong school. Wala kaming ibang kaibigan dahil weird daw kami ni Marco sabi ng mga kaklase namin nung grades school. He's always there for me kapag may mangbubully sa akin. Kaya nga nasabi kong bodyguard ko siya. Maaga niyang nadiskubre ang charm niya kaya naipagtatangol niya ako gamit ng charm niya.

I still care kahit hindi halata. Ngayon kasing malaki na kami nag-iba na siya. Makulit, pakialamero, papansin, matigas ang ulo, at feelingero! Kaya maman naha-high blood ako sa kanya.

.

"Let's go Mira." pinauna ko na ang roomate ko to guide us papuntang clinic.

.

While on our way ay hindi mapigilan ang bunganga ni Mira. Wagas kung makapagtanong.

.

"Was that elemental charm, yung ginamit mo kanina?" tanong niya.

.

"Yes, that is fire." sagot ko.

.

"Wow! Si Jett lang ang nag-iisang fire user dito sa Academy. And that makes two now, ngayong nandito ka na." ang dami pa niyang sinabi. Mga bagay bagay na wala akong pakialam.

.

"Malayo pa ba?" at nagreklamo na ang mokong.

"We're almost there." sagot ni Mira.

Along the way nakasalubong namin ang nurse. At agad nitong inalalayan si Marco at pinasok sa loob. Nilinisan ang braso nito at nilagyan ng benda. Isa ding charmer ang nurse kaya napadali ang paghihilom ng mga sugat nito.

.

"We better get going Mira." sabi ko kay Mira na parang walang balak umalis.

.

"Thank you again Amber!" sabi ni Marco. Hindi ko siya sinagot at naglakad patungo sa pinto. After a minute, I'm already gone. May match pa akong dapat intindihin kaysa mag-alala sa kanya.

.

Gaya ng napag-usapan ay nakabalik kami sa oras.  Nung mga oras na iyon ay nakikipaglaban ang air user na kaibigan ni Jett. I forgot his name.

.

Kalaban niya ang isang teleporter na lalaki. It was a great match, dahil pareho silang magaling. Pareho silang mabilis kumilos. Nagpapakawala ng air blades ang air user habang ang kalaban ay naiilagan ito sa pagteteleport sa ibang location. Pero in every ability there's always a flaw. At iyun ang nakita ng air user, madali nitong nakuha ang pattern ng pagalaw ng katungali. Kaya naman ay tinamaan niya ito ng isang solid hit nang magteleport ito sa likod niya. Isang malakas na air current ang pinakawalan niya dahilan para maibalya niya ang kalaban at matalo.

Nice move! Ang talino niya naman.

.

"Ang galing mo Collin!" sigaw ni Snow. Collin pala ang name niya. hmmp..  Pakialam ko ba?

Amber's Fire: The Cursed CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon