CHAPTER 1:RULE NO. 1

8 3 3
                                        

Pasukan na naman, Ako'y nawawalan na naman ng ganang pumasok. Dahil sa tuwing papasok ako lagi nalang akong binubully ng mga kaklase ko. Hindi ako nakakauwi ng walang pasa o sugat, laging naka abang ang grupo nina ryan malapit sa gate ng school.
Hinaharang nila ako dahil kailangan nila ng pera pang bisyo, kapag wala akong naibibigay ako ay biglang sinusuntok at minsa'y nabato na sa ulo at yun ang naging dahilan ng aking pagka himatay.

"Sana andito pa sina mama at papa" sinabi ko habang ako'y nakatingin sa salamin at tinitignan ang aking sariling repleksyon. Normal lang ang aking itsura kung ikukumpara kay ryan, meron akong matangos na ilong, brown ang kulay ng mata, itim na bagsak at medyo magulong buhok, at medyo matapang ang kilay (Natural na sakin ang aking kilay dahil nag mana ito sa aking papa). Di naman ito nahahalata ng iba dahil medyo lampas ito sa aking kilay.

Ayaw akong ampunin ng aking mga kamag anak dahil wala daw silang mapapakinabang sa akin. Kumbaga ang tingin nila sa akin ay walang kwenta o useless, Inampon ako ng isang lalaki na ang pangalan ay Elmirio, isa syang pintor sa isang bayan na tinatawag na Revio. Nakita niya ako sa kabilang bayan na tinatawag namang Vireo, Napaka bait niya sakin, di niya ako tinuturing na ampon o katulong. Tinuring niya ako na parang isang anak dahil nag iisa lamang siya sa buhay, pero ang mga pang aaping ginagawa sakin sa school ay hindi ko sinasabi sa kaniya. Kung nakita niya ako na may sugat o pasa ang lagi kong sinasabi "Pasensya na po, masyado lang akong makulit sa school kaya lagi akong napapahamak" sabay tawa para hindi niya ito mahalata.

Naligo na ako at kumain na din ng tinapay, di ako naghahangad ng iba pa basta ang mahalaga ay may itinuturing akong pamilya.

"Oh, Paalis kana nak?" Sabi ni papa sakin (itinuring ko na siyang papa) habang ito'y nakangiti sakin.

"Opo pa! Alis na po ako" Masaya kong sinabi sa aking papa, at kinuha ko na ang aking mumunting bag.

"Nak, eto mag baon ka ng tinapay para di ka magutom sa school ha." Inabot sakin ni papa ang tinapay at inilagay ko ito sa aking bag.

"Salamat pa, alis na po ako! " nginitian ko si papa at lumabas na ako ng bahay.

Nag lalakad lang ako dahil malapit lang naman ang school sa aming bahay.

Pag kaliwa ko sa kanto malapit sa school ay may naka bungguan akong isang babaeng balot na balot ang katawan. Nalaglag niya ang kaniyang dala dala, at ito'y aking pinulot.

"Ah, ate ito na po yung gamit niyo" Inabot ko ito kay ate ngunit tumanggi na siyang tanggapin iyan.

"Sayo na yan, Ingatan mo yan at iyan ay gagamitin mo lang sa mabuting bagay" Sabay takbo ni ate papalayo sa akin.

"Atee!!....." Sumigaw ako ngunit di niya ito narinig.

Tinignan ko ang gamit na iyon, nakalagay ito sa kahon. Agad ko itong binuksan, at nakita ko ang isang maliit at kulay pulang kristal.
Hinawakan ko iyon ngunit pagka hawak ko, Ako ay biglang nagulat dahil may kakaiba na dumaloy sa katawan ko. Kaya agad ko itong binitawan at ibinalik ko sa kahon pagka tapos ay tinago ko ito sa aking bag.

Nasa school na ako, naglalakad ako sa hallway papunta sa room ko. Ako ay 3rd year high school na sa PROMISED ACADEMIA. Malawak ang paaralan na ito dahil ito ay pangalawa sa sikat na high school sa amin, dito ako pinag aral ng aking papa dahil may tiwala siya sa akin. Nasa tapat na ako ng room ko, "3C" Ang pinaka lowest section ng 3rd year. Alam ko naman sa sarili ko na kaya kong makipag sabayan sa iba ngunit sa tuwing magtataas ako ng kamay para sumagot ako ay sinisitsitan ni ryan at sinasabi niya na wag na akong sumagot dahil mabubugbog lang daw ako. Kaya naka tikom nalang bibig ko lagi para iwas gulo na rin.

Pag bukas ko ng pinto ng room namin, Nagtinginan ang mga kaklase ko at dun na nagsimula ang pag uusap nilang lahat tungkol sakin dahil hindi lang si ryan ang nambubully sakin kundi ang lahat ng aking kaklase. Physical at mental ako'y na bubully.

Ako ay uupo na sa aking upuan ngunit ang upuan ko ay may nakalagay na nilalangaw na pie. Napatitig lang ako.

"Umupo kana kundi bugbog ka sakin" Sabi sakin ni ryan habang nag titinginan at nagtatawan ang aking mga kaklase.

Ako ay umupo nalang ng walang imik, at ako ay mangiyak ngiyak ulit. Dahil di ko na kaya ang pressure dito sa section na ito.

"Sawa na ako" Pabulong kong sabi sa aking sarili.

Dumating na ang aming gurong lalaki at nag simula ng magturo.

Matapos ang klase ako ay tumayo na sa aking kinauupuan na may nilalangaw na pie sa aking puwetan. Agad kong kinuha ang bag at ako ay naka yukong nag lalakad palabas ng pinto. Ngunit hinawakan niya ako sa balikat.

"Saan ka pupunta!?" Pasigaw na sabi ni ryan habang nakatingin ang iba.

"Uuwi na ako" sabi ko.

"Di ka pwedeng umuwi, Akin na pera mo" Kinapitan niya ako sa balikat ng mahigpit.

"Wala akong pera, tinapay lang dala ko" sabi ko kay ryan habang naka yuko ako.

"Eh Anong gagawin ko dyan sa tinapay mo!?, Ginagalit mo ba ako ha!? "Gigil na gigil na si ryan at bigla niya akong sinuntok sa ulo ng malakas at yun ang aking ikinatumba.

"Tama naaa" Mangiyak ngiyak kong sabi.

Tinapakan ni ryan ang aking ulo at sumigaw siya ng "Ahhh, Walang kwenta ka pala eh HAHAHA".

"Patayin mo nalang ako!" Sigaw ko sa kaniya.
"Ah, sinisigawan mo na ako!" sabay tadyak ng malakas sa aking ulo.

Ngunit...

Nagbago ang lahat ng tumalsik ang mga kaklase ni Ray (Pangalan ng bida sa kwento).

Tumayo si ray na tila walang emosyon sa kaniyang mukha, tumaas din ang buhok nito at namula ang kulay ng kaniyang mga mata.

RULE NO. 1
Wala nang sinuman ang hahawak sa akin.
Ang lalabag sa sinabi ko ay puputok ang mga mata nito!.

"Anong kalokohan yannnn!!" Bumangon si ryan sa kaniyang pinagtalsikan at sinuntok niya si ray sa mukha".

Di man lang nagalusan o napa atras si ray sa nangyari, nananatili parin siya sa kaniya kinatatayuan.

Napangiti si ray...

"Ba't di ka tinablann...... Arghhhhhh!" Malakas na sigaw ni ryan dahil pumutok ang kaniyang mga mata at ang mga dugo nito ay nag talsikan sa sahig.

"Wahhhh!! Ha.. Ha.. Ha.." sigaw ni ryan at ito ay napa dapa sa sahig.

Nilapitan ito ni ray at bigla itong sinuntok sa ulo.

Sa sobrang lakas ng kaniyang pag kasuntok, ang ulo ni ryan at lumubog sa sahig (Sementadong sahig).

Nagulat ang isa sa mga kaklase ni Ray at bigla itong napa sigaw.

"TULONGGG!!!!" sigaw ng babaeng kaklase ni Ray.

Napatingin si Ray.....


Itutuloy...

'︿'

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 03, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

TEN RULESHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora