Alas nuebe nang gabi nang nagdesisyong bumalik na sakanilang silid ang magkasintahang Lexia at Parker.
Kagagaling lamang nang magkasintahan sa kaniyang bridal shower. Sinundo ito nang kaniyang nobyo nang tinawagan ito nang kaibigan na marami nang nainom ang dalaga. Pansin na rin nito ang pagkahilo at pagkalasing dahil sa napasobrang pag-inom mula sa party.
Nang bumalik na ang huwisyo nito'y pinilit niyang imulat ang mga mata habang tinitiis ang matinding sakit nang ulo.
Habang unti-unting lumilinaw ang kanyang paningin, dito niya nasilayan ang dalawa anino nang lalake at babae na naghahalikan.
Parang binuhusan nang malamig na tubig si Lexiang sa kanyang nasasaksihan, ang pigura nang dalawa. Ang galit na kinikimkim ay pilit na pinipigilang sumabog.
"Keisha, stop, katutulog lang ni Lexiang." rinig nitong sambit nang nobyo sa mapangahas na babaeng nakakapit rito.
"Bakit Parker? Takot kang mahuli ni Lexiang? Hindi na magigising yan, sobrang nalasing eh. Ikakasal ka naman na sa kanya sa isang araw, bakit hindi na lang natin enjoyin ang huling gabi na ito?" Matapang at puno nang pangaakit na tanong nito sa kanyang nobyo.
"Oh Keisha, you're really a troublemaker. Come on, let's go to the other room." Sambit nang kanyang nobyo at iginigiya ito patungo sa pinto.
"No! Gusto ko dito. Gusto kong gawin natin yon sa harap niya mismo." Nakakalokong sabi nito.
"Oh babe, come on, let's just do it on the bathroom. That's your favorite place right?" Pagaaya nang nobyo nito sa babae.
"Okay, fine. Sige na, lagyan mo na nang tubig yung tub." sabi nang haliparot na ito.
Rinig ang pagragasa nang tubig mula sa kanilang banyo.
Naramdaman niya ang paglapit sa kanya nang walang hiyang babae na si Keisha kung kaya't idiniin pa nito lalo ang pagpikit nang mata.
"You will never have Parker, Lexiang. I will never let you. I am pregnant and Parker is mine!" sambit nito at tumawa pa nang nakakaloko bago tumungo sa palikuran.
Unti-unting tumulo ang mga luha niyang pinipigilan habang naririnig ang mga ungol nang kababuyang nagaganap sa loob nang kanilang palikuran. Unti-unting gumuho ang mga pangarap na kanilang binuo. Unti-unting gumuho ang kaniyang mundo.
Apat na taon na ang nakalilipas, si Lexiang ay isang sikat na model and singer sa bansang Pilipinas, ngunit pinili nitong magretiro nang maaga nang makilala ang nobyo at boss nito na si Parker Cornel. CEO nang 'Top Tier Agency' na isang entertainment agency na naghahandle nang mga kilalang modelo at artista.
Tinalikuran nito ang pagiging sikat na modelo at singer at ibinigay ang lahat nang mga oportunidad at pinaghirapang trabaho sa kasisimula pa lamang noon na si Keira Wilson. Isang modelo.
Hindi lingit sa kaalaman nito na matalik na magkaibigan ang nobyo at si Keira, kung kaya't hinayaan na lamang niya ito at sinuportahan pa. Hindi niya akalain na ang kaniyang sinusuportahan at tinutulungan ay siyang tatraydor at sisira sa kanyang mundo. Ang matagal niyang pinaghirapan ay napunta lamang sa isang walang kwenta at ahas.
Hindi ito matanggap ni Lexiang at pinipilit paniwalain na isa lamang itong masamang panaginip. Isang bangungot. Ngunit magsisinungaling lamang ito sa kanyang sarili kung ganoon.
Nagtagal ang dalawa sa palikuran bago nito narinig ang pagdaing ni Keira na hindi maganda ang pakiramdam nito. Narinig na lamang ni Lexiang ang pagbukas at pagsara nang pinto nang kanilang silid.
Hindi na muling bumalik pa ang binata sa kanilang silid. At alam ni Lexiang na hindi na ito muling babalik pa.
Ngunit hindi makapapayag rito ang dalaga, kailangan niyang gumawa nang paraan para masira ito at hindi magtagumpay sa mga binabalak.
They've hurt me once and I'll definitely hurt them hundred fold.
Bumangon na mula sa pagkakahiga ang dalaga at nagdesisyong tawagan ang kaniyang manager at matalik na kaibigan na si Jennie.
"Yes my dear? Kamusta ang party?" excited na tanong nito mula sa kabilang linya.
"I'll be gone for a few days Jen, if someone looks for me tell them that I'm on a vacation." pormal na pagiimporma nito sa manager.
"Eh? Hindi ba't sa isang araw na ang kasal ninyo ni Parker? Are you going to relax?" Nagtatakang tanong nito.
"There will be no wedding anymore." Mapait na sabi nang dalaga hindi na hinayaang makasagot pa ang kaibigan at pinutol na ang linya nang tawag. Agad na nagbook ito nang flight patungo sa isang bansa na matagal na nitong nais na mapuntahan.
Nang matapos itong magbook nang flight ay agad itong nagbihis at kinuha lamang ang mga importanteng gamit bago nagtungo sa airport.
Tinignan muli ni Lexiang ang kanilang litrato ni Parker na nakalagay sa kaniyang wallet bago muling tumulo ang kaniyang luha. Agad na pinalis ito nang dalaga at determinadong nilukot ang larawan.
"I will be gone for a time but I'll definitely make your life miserable. I've been too kind and I was been taken for granted. Your revenue will come in hundred folds." Bulong nang dalaga sa hangin at nagtungo na sa eroplanong magdadala sa kanyang bagong destinasyon.
Ngunit isa lamang ang sinisigurado nang dalaga. Magpapahilom lamang ito saglit pero sa kanyang muling pagbabalik ay siyang katapusan nang maliligayang araw nang mga taksil.
YOU ARE READING
A Star of a life time
General Fiction"It was that day that I decided to follow my dream." - Lexiang Tamayo Story by: ReedVera Photo cover by: RedMadison
