Chapter 8

1.3K 57 7
                                    


      I take in a lot of force to push River away. Hindi ko alam kung ano nanamang kalokohan ang ginagawa niya. The moment that he kissed me made me feel like I was back on that moment again. Iyong panahong pinamukha niya sakin na nakakadiri ako at hindi niya makayang tingnan ang isang tulad ko.

     He started laughing at iyon ang mas lalong kinagalit ko. Ano ba talaga ang akala niya sakin? Isang laruan na pwede lang niyang gawin ang kahit na anong gusto niya?

    "Gago ka parin talaga.. I should have turned down everything kung alam ko lang na isang tulad mo nanaman ang gugulo sa buhay ko!" sigaw ko sa kanya at napatigil siya sa kanyang pagtawa at muling humakbang palapit sakin.

     "Don't you get it? After all these years bakit pa ako bumalik ng Pilipinas? I have a great life in San Diego.. I am doing just fine! Pero ikaw! Ikaw nalang palagi ang naiisip ko sa tuwing may hahalik sa akin. Everytime I do it with a woman, hindi ko mapigilang isipin na ikaw sila! Hindi mo ba talaga nakukuha?"

      "Because you are just impossible, River! Sino na sa atin ang unang tumalikod? Sino ba ang nagsabi sa akin na I was disgusting? Hindi ba nandidiri ka sakin? Sana hindi mo nalang ako nakilala? And now, bigla mo nalang sasabihin that you have been thinking of me all these years? Sa tingin mo ba paniniwalaan kita?"

   Umiling siya at hinawakan niya ang mga braso ko. Pinipilit ko siyang itaboy but he just made it more harder for me to move.

    "Because I was scared.. I was scared of the fact that I was feeling the same way for you."

      Napatulala nalang ako sa sinabi niya. This time he was looking at me seriously.

     "I tried hard to tell you that I feel the same way pero natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. And I just kept on pretending that I hated you. But I never hated you. And I just want to apologize for everything that I have done to you. And there is nothing I won't do to make it up to you. Gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa ko noon sa'yo."

      Umiling lang ako at tinulak siya palayo. Hindi ko na alam kung alin pa sa mga sinasabi niya ang totoo. I am so done with him.

     "Its too late for that now, River.." sabi ko pa pero may sinabi siyang nagpatigil saking pag-iisip.

     "Hindi mo ba ako mahal? Kasi alam mo, hanggang ngayon pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko sa iyo noon. I am miserable because of treating you so bad."

      Mabilis akong naglakad at pumunta sa aking kotse. Gusto ko nalang maglaho at hindi na makita pang muli. Because what I just heard from him broke my heart into pieces again. Naluluha akong pumasok sa aking kotse and I turned on the engine. Kailangan kong makalayo at makapag-isip ng tama.

     Bakit hanggang ngayon, nasasaktan parin ako sa mga sinasabi niya? Ano bang meron sa kanya na hanggang ngayon, kaya niya paring kontrolin ang damdamin ko?

     --------------------------------------------
  
      "You want to go somewhere this weekend? Gusto ko sana mag-out of town naman tayo? Hindi pa natin nagagawa 'yun?"

     Alam kong nasasalita si Charles ngayon but my head is not on his words. Ang mga sinabi parin ni River ang pumupuno sa utak ko.

    "Danny? Hey? Are you listening?" saad pa niya sa kabilang linya.

     "Sorry, Charles. But I think I want to spend the weekend alone. I just need to rest." matamlay kong sagot sa kanya. Alam kong ramdam na niya na may mali.

     "Tell me.. Is there something that's bothering you?" tanong pa niya at napasinghap nalang ako bago ko siya sagutin.

     "River is back.." sagot ko sa kanya and for a moment there was silence.

Romantically Not (BL/BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon